BTBH #Chapter 4
Celestine's POV
"Isang shot pa nga," kunot noo kong sinabi sa bartender at ngumiti naman ito.
Nandito ako ngayon sa isang bar.
Nagpapalipas ng oras.
Hindi ko na isinama si Aeris at sesermonan nanaman ako nun.
Eh mas malala pa sa nanay ko yun' eh.
Napalingon ako sa kaliwa ko at napansin ang isang nakaputing tee shirt na lalaki.
Gwapo sya. Kaya naman kinindatan ko. Kumunot ang noo nito. At nagpout ako.
Tss. Snabero.
"Miss order nyo po,"napalingon ako sa nagsalita, inabot nya ang isang shot ng tequila at agad ko naman itong ininom.
Tumayo ako at lumakad papunta sa gitna ng dancefloor at nagsasayaw.