BTBH #CHAPTER 8
Celestine's POV
Tumingin ako sa relo ko.
7 palang naman.
Tumuloy ako sa isang salon at nagpagupit ng buhok. Ung.. Style na.. Mahaba sa harap pero maigsi sa likod. Tapos merong bangs na papunta sa right side. Hindi ung straight. Hindi bagay sakin yun' eh.
Tumingin ako sa salamin at ngumiti.
This is it. Ito na ang bagong ako.
Lumabas ako at tumuloy na sa kotse at yun' nga. Umuwi na.Pagbukas ko ng pinto, agad ko namang nakita si dad at ung supladong lalaki na masayang nagkwe-kwentuhan. Tumaas ang kilay ko ng tumayo ito at nilapitan ako.
Sinubukan ko syang harangan pero agad naman nya akong niyakap at bumulong sya, "It's either you flow with me or I'll tell him what happened.. Baby."
Napakunot ang noo ko at pinisil nya ang pisngi ko, "Smile.."
Ako ang pinangingiti nya pero sya ang nakangiti, okay rin toh ah.
Pero.. Ang gwapo nya na nakangiti.
His perfect lips curves the perfect smile.
At napangiti ako.
"Well come here you two. Celestine, you have alot of explainings to do."epal ni dad, este sinabi ni dad.
Hinawakan ni suplado ang kamay ko at hinila papunta kay dad. At umupo naman kami sa sofa."You didn't tell me you had such a nice boyfriend." Nakangiting sinabi ni dad, at mukhang proud na proud.