Chapter 16: Assurances and Accusations

4.9K 281 1
                                    

Please consider reading "Something Just Like This" by secretaccount08. Thank you!

TheAshtone

●●●

At tama nga ako nung sinabi kong simula pa lang ang nangyari kanina ng mas marami pang daranasin ni RB dito sa Emerald. Hindi ko lubos akalain na kung gaano kabilis kumalat ang balita ay siya namang bilis ng pagkalat ng tsismis dito.

Kumakain kaming lima ng pananghalian kasama sina Cezka at Tony nung nabaling ang usapan namin sa nangyari kay Devon.

"The first years, especially Devon's classmates, are thinking that RB is the one responsible for the incident yesterday. Kulang na lang magtakbuhan palayo ang mga kaklase niya sa tuwing nakikita nila si RB," sabi ko.

"Alam ko naman na paghihinalaan nila ako mula nung napahamak si Devon. And I know that you guys doubted me, too. You were just too polite to ask me if I was involved in the incident," sabi naman ni RB.

We threw each other awkward glances. Faye immediately held RB's shoulder.

"We just don't want to make you uncomfortable. And besides, paano ka namin tatanungin? Like, 'Hey, RB, did you just try to murder a first year in the bathroom?' Yes, we doubted you, but we will never think of you as a murderer," sabi niya.

"I know. Alam ko naman na nirerespeto niyo lang naman ako kaya hindi niyo ako tinatanong nang direkta. I understand. Don't be sorry. Ang mahalaga ay naipaliwanag ko na ang sarili ko sa inyo," sagot ni RB.

"Unfortunately, you cannot explain yourself to everyone, RB. And above all, not everyone will believe in you," sabi bigla ni Tony.

Nabaling ang titig namin sa kanya. "Why?" tanong ko.

"'Wag kayong papahalatang tinititigan ninyo sila," sagot ni Tony bago niya pasimpleng tinutok ang kamay niya sa isang grupo ng mga first year na kumakain sa isang table 'di kalayuan mula sa 'min.

Maya-maya pa ay narinig na namin ang pinag-uusapan nung mga first year.

"Tsaka nabalitaan niyo ba 'yung nangyari nung March? That Rubio is the one who wreaked havoc in a park. I heard that the villains tried to capture him. Who knows? Baka may koneksyon 'yan sa mga villains kaya gusto nilang makuha siya," sabi nung isa sa mga first year.

"Ay oo nga 'no?" sabi naman nung isa. "I remember seeing it on TV. Tsaka 'di ba crush ni Devon 'yung Ike? Tapos sabi ni Chester pinagalitan pa raw nung Rubio si Devon nung nagtanong siya kung pwede niyang bisitahin si Ike sa dorm niya. Nakakatakot naman pala 'yang Rubio na 'yan. Baka sa susunod tayo na ang aatakihin niyan."

"Not to mention na pinahamak niya 'yung dalawang kaklase niya sa Combat Education nila kay Professor Sivera. Dinala nga rin sa infirmary 'yung mga pinahamak niya eh. I think that Ike is one of them," dagdag pa ng isang babae.

"It's amazing how people can unearth news about you in order to destroy your reputation. Ugh... people," Cezka said as she glared at the first years.

Bigla namang tumayo si Jack. "Give me a minute," he said as he cracked his knuckles. "I'll just teach these midgets a lesson."

"Sandali!" sabi ko naman sabay hila sa kanya pabalik ng upuan. "Gagawa ka lang ng gulo. Stay here. Don't mind them."

"Pero sino ba talaga ang umatake doon sa Devon? Hanggang ngayon wala pa rin sa 'ting sinasabi ang admin kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. It's getting really scary, guys. I mean, even though we have Professor Evanesca but they still can't identify the attacker. Kung sino man ang gumawa nun eh siguradong magaling magtago ng bakas," sabi naman ni Alice.

Weirdos II: The Legion of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon