Chapter 18: Scavengers v2

5.4K 273 8
                                    

I was able to update naman kasi may plot naman na ako para dito. Wala lang talaga akong motivation to write.

Anyway, this is not an assurance na may regular updates na ulit ako. March 3 and 4 ang assessment namin at pagkatapos noon ay babalik na ako sa bahay namin. No internet = no updates. Baka katahimikan ng bahay namin ang magrestore ng motivation ko.

Enjoy the update. Magical Mayhem na.

TheAshtone

●●●

Hindi na muna kami nagkaroon ng two-on-two battle training sa Combat Education namin. Professor Sivera just made us practice with the Scavengers. Hinihintay pa raw niya ang desisyon ni Professor Evanesca kung pwede na ulit kaming mag-two-on-two battle.

At sa balita sa 'kin ni Cataleya eh nag-iimbestiga pa rin daw ang committee tungkol sa nangyari kay Devon. She didn't tell us kung may development na ba ang imbestigasyon. Gusto raw muna kasing gawing confidential ng committee ang mga ginagawa nila.

Agad din namang kumalat ang balita tungkol sa nangyaring aksidente sa Emerald. At kahit na nagbigay na ng statement si Professor Evanesca sa media ay tila hindi pa rin humuhupa ang issue. Sinabi nila sa media na isolated case lang ang nangyari at walang kinalaman ang mga villains sa aksidente.

Pero may ilan pa ring mga magulang ng ilang mga estudiyante ang nagpahayag ng pagkabahala nila sa nangyari sa Emerald. Kahit na sobrang higpit na ng security dito eh hindi pa rin malagay sa tahimik ang ilang tao.

"Man, seriously, wala ba silang ibang gagawin kundi ang magbantay dito sa Emerald?" reklamo ni Jack nung napadaan kami sa isang gate papunta sa Combat Education class namin. May mga sasakyan kasi ng news stations na nakapuwesto sa labas ng gate. "Ano ba ang gusto nilang mangyari? May atakihin ulit na estudiyante para may maibalita lang sila?"

"Nagpadala na nga rin si kuya ng ilang agents dito sa Emerald para magbantay. Kung totoo nga na may umatake kay Devon, mahihirapan na siyang gawin pa ulit 'yun," sabi naman ni Faye.

Nagkatitigan naman kami ni RB bago kami bahagyang lumingon. 'Di kalayuan mula sa 'min ay may dalawang Emerald Guards na nakasunod at nagbabantay sa 'ming dalawa. Kahit hindi nila ipahalata eh alam namin na kami ang binabantayan nila. Magmula kasi paglabas namin ng dorm kaninang umaga ay hindi na nila kami nilubayan.

"Kahit si Mama nag-aalala rin sa 'kin," sabi ni Jack. "Pagkatapos ng klase, uwi na agad. Kailangan ko pa siyang pakiusapan na hayaan akong pumunta sa club activities natin."

Hindi na lang kami umimik hanggang sa nakarating na kami sa Citrine Battle Hall. Nandoon na rin ang iba pa naming mga kaklase at maging si Professor Sivera. We all sat on the grass and waited for his lesson to start.

"I wonder what we're going to do today," sabi naman ni Alice.

Professor Sivera got up from the bleachers before walking towards us. Agad naman namin siyang binati.

"Good afternoon, too, 2-A," sagot niya. "First and foremost, wala pa rin akong go signal mula kay Professor Evanesca para mag-conduct ulit tayo ng two-on-two battle training."

There was a collective sigh of frustration from the class.

"Why the long faces? Hindi naman ibig sabihin nun eh wala na tayong gagawing masaya. That's why for today's lesson..."

Weirdos II: The Legion of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon