Chapter 2: The Start

239 10 1
                                    


Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ng matanda sakin saka umalis na ako. Nagmadali akong bumili ng mga iniutos ni kuya saka umuwi na sa bahay para makapaghanda.

"Ba't ang tagal mo- huy! Ok ka lang? Pinagpapawisan ka ata?"nagaalalang tanong ni kuya sakin.

"Oo naman! Eto na oh! Maliligo muna ako." binigay ko na agad sa kanya saka pumasok sa kwarto.

Ano ba yung pinagsasabi ng matanda? Maaring hindi si Gian ang nakatadhana sakin? Imposible naman ata ang sinasabi nya. Pero, pwede ring posible.

Aish! Maliligo na ako. Baka malate pa ako sa dinner kasama ng pamilya ni Gian.

~

"Kuya! Bagay ba?"tanong ko sa kanya habang pinapakita ang off shoulder ko na pinares ko sa isang floral pink na skirt.

"Psh, pangit. Ang baduy mo."sabi nya habang nagbabasa parin ng magazine.

"Kuya naman eh! Hindi mo nga tiningnan!"

"Di naman kailangan eh. Saka, bakit ka ba nakabihis ng ganyan? Saan naman yang gala nyo ni Gian?"tanong nya at ibinaba na nya ang kanyang binabasang magazine.

"Pinakilala na nya ako sa pamilya nya, kuya." mukhang hindi naman sya nagulat.

"Ah pinakilala ka lang pala- Ano?! Pinakilala ka na nya? Kailan pa? Ba't di mo sinabi sakin?" Agad  syang tumayo saka tiningnan ng maayos ang damit ko." Teka, ito ba yung-" biglang naputol ang pagsasalita nya nang nagring ang phone nya.

"Saglit lang ha" sabi nya sakin. Parang kinakabahan si kuya. Ano kayang meron?

Pagkatapos ng limang minuto, tumingin si Kuya sakin"Ang ganda ganda naman ng kapatid ko."sabi nya havang ginugulo nya ang buhok ko.

"Sa tingin mo kuya, magugustuhan kaya nila ako?" Tanong ko kay kuya. Nguniti sya sakin saka inakbayan ako.

" Oo naman. Ikaw si Jizel eh, ang mahal ng mokong si Lopez."

*

alas nuebe na pero wala parin si Gian. Eh sabi nya sakin susunduin nya ako bago pa pumatak ang alas syete ng gabi. Pero, asan na sya? 

Dinadial ko na ang cellphone number nya pero di parin sya sumasagot. Mukhang mas naiinip pa si kuya kesa sakin.

"Hoy Jizel, sabihin mo sakin pag ginago ka ng lalakeng yan, itatapon ko yan sa kalawakan. Tandaan mo yan!"

"Ikaw naman kuya, baka nalate lang, o may inasikaso."

Ipinakita nya sakin ang orasan sa phone nya,"Haha, tamang tama lang ang dating nya. Alas nuebe kasi ang usapan nyo diba?"sabi nya sakin habang may tono ng pagkainip.

"Dinudugo ka ba kuya? Ako nga tong may menstruation pero ikaw pa tong may mood swings"sabi ko sa kanya.

"Gusto mong di kita papupuntahin, Jizel Angelica?"

"Hehe, joke lang kuya. Ikaw-"naputol ang usapan namin ni kuya nang biglang tumawag si Xiumin sakin.

"Oh Xiumin, napatawag ka?"

"Jizel, si Gian..." bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita nya.

"Oh, bakit?"

"Nasa ospital sya ngayon. Nakita syang walang malay sa gitna ng daan."

*

Agad kaming sumugod ni Kuya sa ospital kung saan sinabi ni Xiumin na sinugod si Gian. Nang nasa tapat ako ng pintuan, di ko mapigilang maiyak. Ano bang nangyari sa kanya.

Pagbukas ko ng pintuan, may nakita akong babae na natutulog sa upuan sa gilid ng kama ni Gian. Nagising na lamang sya nang makita ako.

"Oh? Ikaw ba yung kamag-anak ng lalakeng to?"tanong nya sakin.

"Girlfriend nya ako."nagulat ata sya sa sinagot ko sa kanya.

"Ah, I see. I'm Danica, by the way. Ako ang nakakita sa kanya. Di ko sya binangga ah? Nakita ko lang sya na naglalakad at nawalan nalang ng malay."sabi nya habang tumitingin kay Gian."Ang swerte mo sa boyfriend mo."

"Bakit?"

"Alam mo ba yung dala dala nya? Chocolates, flowers, at isang kwintas na may nakaukit na pangalan na Jizel. Yung mga yun, I think it's all for you."sabi nya sakin habang nakangiti. 

Di ko namalayan na nagising na pala si Gian nang tinawag na nya ang pangalan ko,"Jizel.." 

"Gian! Gian, buti nalang wala ka manlang galos. Ano ba nangyari sayo? May sakit ka ba? Tinawagan ko na ang mama at lola mo at sabi nila papunta na sila dito."

"Sorry. Sorry kung pinagalala kita."sabi nya habang hawak ang mukha ko. Biglang bumukas ang pintuan saka nakita naming dumating na ang lola at mama ni Gian.

"Apo! Are you ok? What happened? Nasugatan ka ba?"alalang tanong ng lola nya. Ngumiti lamang si Gian sa kanya at sa kanyang mama. Ilang segundo pay tiningnan ako ng masama ng lola ni Gian. At di ko inaasahang gagawin nya to sakin.

Sinampal nya ako ng malakas.

"Walang hiya ka! Dahil sayo nagkaganito ang apo ko! Dahil sayo, umandar na naman-"

"LOLA!"nagulat ako nang biglang sinigawan ni Gian ang lola nya. Pati ang mama at lola nya, nagulat rin sa ipinakita nyang asal. Pumasok na si kuya at pumalagitna samin.

Nang makita nya ang sampal sa mukha ko, nagiba ang itsura nya." Sino ang gumawa sayo nito?"bulong nya sakin.

Hindi lang ako sumagot, na syang mismong nagpagalit kay Kuya,"Uulitin ko, sino ang gumawa sayo nito?"ngayon, mababang mababa ang tono ng papanlita ni kuya. Naiyak nalang ako dahil ayokong mag away ang pamilya namin ni Gian.

"Last na to, pag di ka sumagot, malalagot ka sakin."

"Ako."napatigil ako sa pagiyak nang marinig ko ang boses ng lola ni Gian." Ako ang sumampal sa kanya. May problema?"

"Walang hiya kang matanda ka! Bakit mo ginawa yon sa kapatid ko? Sya ba ang sinisisi nyo dahil nandito ngayon ang apo mo? Tanga ka ba?"

Lumapit ang matanda kay kuya saka tiningnan sya ng maiigi,"Walang hiya karing kutong lupa ka para pagsalitaan ako at ng apo ko. Di mo ba ako nakikilala?"

Nagsmirk si Kuya,"Bakit? Kailangan pa ba? Sa susunod na sasaktan mo pa ang kapatid ko, baka may makita na kayong halimaw. Maliwanag?"

"Hindi moko matatakot dyan, bata."sagot ng lola ni Gian.

"Tingnan natin. Tayo na, Jizel."

"Pero kuya..."

"TAYO NA!"sigaw nya sakin saka kinuha ang kamay ko saka lumabas na kami sa room ni Gian. Bakit nanduon pa ang babaeng yon? Eh sya lang naman ang nakakita kay Gian, pero hindi naman sila magkakilala.

Pumara si kuya ng taxi, galit na galit. Nang makasakay na kami, kinausap nya ako.

"Sa susunod, di ka na makikipagkita sa lalakeng yon. Maliwanag?"

"Ha?! Kuya, wag!"

"Anong wag?! Inaapi ka ng pamilya nya! Kanina nga di ka nya kayang ipagtanggol."

"Kuya, hindi si Gian ang nanakit sakin. Ang lola nya. Walang kinalaman si Gian doon."

"May kinalaman man sya o wala, boyfriend mo parin sya. Kaya wag kang magloka loka dyan. Di ka na makikipag kita sa mokong na yon."

"Pero kuya..."

"HINDI!"

OTGM 2: The Broken DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon