Chapter 5: Rough Roads

238 8 2
                                    

"Handa na yung mga papeles mo para sa South Korea. Duon ka magaaral sa Seoul of Performing arts ha? Alam mo pa naman kung pano mag korean, diba?"

Pano na to? Mukhang tuloy na tuloy na talaga ang pagalis namin ni Kuya papuntang SOKOR. Hindi ko pa nasabi kay Gian ang tungkol dito.

Ilang saglit pay nagring ang phone ni Kuya,"Saglit lang ha? Hello? Ah oo, si Jhay po to. Bakit po?"

Kinakabahan ako dahil bigla nalang nagiba ang mukha ni kuya. Parang nagaalala at nalilito.

Nang binaba nya ang phone, tumingin sya sakin ng seryoso.

"Pupunta tayo sa school mo."

"Bakit kuya? May problema ba?"tanong ko sa kanya. Ngumiti nalang sya sakin.

"Basta."

~

Naiwan ako sa labas ng principal's office. Malapit na ang graduation namin. 3rd week na ng march makakapagtapos na rin ako ng highschool.

Narinig kong sumigaw si kuya mula sa loob."Ano?! Hindi nyo yan pwedeng gawin!"

Ilang saglit pay lumabas sya ng office, mahigpit na hinahawakan ang kanyang buhok gamit ang dalawa nyang kamay.

"Kuya, anong sabi ng principal?"tumingin sya sakin na para bang naiiyak.

"Wag mo nang aalahanin yun. May pupuntahan tayo."sabi nya.

Nagtataka ako kung bakit sa bahay nila Gian pa kami pumunta. Nang pumasok kami, sinalubong kami ng lola ni Gian.

"Oh! Ang kapal naman ng mukha nyong magpakita sa pamamahay ko!"sabi nya samin habang nakangiti.

"Walang hiya ka! Kung nagaaway tayo, ako lang ang gantihan mo! Wag ang kapatid ko!"sigaw ni kuya sa lola ni Gian.

"Ha? Anong pinagsasabi mo? Wala naman akong ginawa ah?"sabi nya habang napacross arms.

"Wag ka ngang magmaang-maangan jan! Matanda ka na, pumapatol ka parin sa bata! Ang bastos mo!"

Nilapitan ni lola si kuya,"Ikaw ang walang respeto! Kayo! Mga walang hiya kayo! Your sister is a gold digger! Ginagamit nya lamang ang apo ko para may makain! Kung sa bagay, wala naman kayong makain. Mga mahihirap nga naman..."

"Isang salita pa ng bibig mo ipapakain ko sayo lahat ng granadang meron ako!"

"LOLA!" nakita kong papatakbo papalapit sa kanyang lola si Gian."Hoy tanda! Bakit mo pinagsasalitaan ng ganyan ang lola ko?"

"Itanong mo jan sa demonyo mong lola! Kung anong ginawa nya sa kapatid ko! Kung ano ang ginawa nya sa girlfriend mo!"

"Kuya tama na. Umuwi na tayo."nagmamatigas si kuya kahit anong pilit ko sa kanya. Ayokong madamay ang relasyon namin ni Gian sa away pamilya namin.

"Lola, anong ginawa nyo kay Jizel?"

"Nothing, apo. Pinagbibintangan lang ako ng lalakeng to. I will sue you!"sigaw ni lola sabay turo sa mukha ni kuya.

"Sue mo mukha mo! Di ako takot sayo! Leche ka!"hinablot ni kuya ang aking kamay saka naglakad na kami palayo sa bahay nila Gian.

~

Pagpasok ng pagpasok ko agad ng eskwelahan, sinalubong agad ako ni Gian.

"Pasensya na tungkol sa nangyari nung isang araw."bulong ko sa kanya habang niyayakap sya.

"Ok lang yon, wala ka namang kasalanan eh."sabi nya."Sana di tayo masira dahil lang don."

"Ms. Jimenez of grade 12 class 2, please come to the principal's office immediately."

"Huh? Ano yun?"tanong ni Gian sakin.

"Ewan ko, baka may kailangan lang akong isubmit, wag kang magalala."sinamahan nya akong pumunta sa office.

"Dito ka muna ha?"sabi ko sa kanya. Tumango lamang sya at binitawan na nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Maam?"

"You may sit."sabi nya sakin."We have a big issue here for you, Ms. Jimenez."

"Bakit ho?"

"You've been kicked out of this school." Ano?!

"Maam?! Maam, bakit? Wala naman po akong nilabag na rules and regulations. Maayos naman ho ang grades ko- Maam, ba't ganito?"

"May nagreport sa akin na you've been out of focus sa studies mo."sabi nya sakin."I'm really sorry, Jizel. I have discussed this with your brother. He will explain this to you."

"Pero maam.."

"You can leave now." napatayo ako, gulat na gulat sa lahat ng mga nangyayari. Pag may record ako na nakick out sa isang university, posibleng hindi na ako makakapagcollege.

Paglabas ko galing sa office, nakita ko si Gian na malaki ang ngiti."Oh bakit? Anong sabi nung principal?"tanong nya sakin.

Niyakap ko nalang sya ng mahigpit at umiyak."Ok ka lang? Anong nangyari?"

Patuloy parin akong umiyak,"Wala na.. hindi na ako dito mag aaral. Di na ako magaaral. Di na ako makakapagaral."iyak ko sa kanya. Alam kong pulang pula na ang mukha ko kakaiyak.

"shh"panghinahon sakin ni Gian. "Tahan na.."sabi nya habang nirurub ang aking likod.

"Thank you, Gian."bulong ko sa kanya.

"I Love You-"bigla nalang bumagsak si Gian sa sahig.

"Gian? Gian anong nangyari sayo?- Tulong! Tulungan nyo kami!"

~

"May brain tumor si Gian. Nakuha nya to sa kanyang papa at naging sanhi ng pagkamatay niya."sabi sakin ng doctor ni Gian.

"Ok naman sya over the past few years, but unfortunately, due to stress, lumaki ang tumor na minana nya."

"Doc, gagaling naman po sya diba?"

"Yes, if magpapasurgery sya para matanggal ang tumor sa ulo nya. Pero ayaw nya eh, incase na lumaki na ang tumor nya na mahigit pa sa akala natin, undergoing surgery can kill him."

"Ikamamatay nya yon?"

"May mga ugat din na kumokonekta sa tumor, at kapag nagalaw o naputol yun, it's either the oxygen tank can be his survival option or"

"Or what?"

"Or nothing at all."

OTGM 2: The Broken DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon