Chapter 3: Yes or No?

225 8 2
                                    

Bakit naiba bigla ang ihip ng hangin?

Nagbago na rin si kuya. Simula nang nawalan nang malay si Gian saka sinampal ako ng lola ni Gian, hinatid sundo na nya ako.

Bantay sarado na rin sya sakin ngayon. Kung sino sino man ang tinetext ko tinatanong na nya.

Kahit nga sa skwelahan, bago pa magsilabasan, nasa labas na agad sya, naghihintay. Nagiging paranoid na si kuya. Pero alam ko naman na ginagawa nya to para protektahan ako.

Di muna pumasok si Gian, mag iisang linggo na. Nagaalala na ako sa kanya, di ko rin sya matext kasi dinelete ni kuya saka binibigay lang nya sakin ang cellphone tuwing weekends lang. para tuloy akong bata nito.

Isang araw, may gagawin kaming project para sa math and science fair namin. Ka grupo ko na sana si Gian kung hindi lang sya absent.

"Uy Jizel, ano bang nangyari kay Gian?"tanong nung isa naming kaklase. Nguniti lang ako sa kanya at sinabi.

"May inaasikaso lang sila ng pamilya nya. Urgent kasi."tumigil na sa kakatanong ang kaklase ko nang biglang dumating si Sehun sa loob ng school grounds namin. Bakit at paano nga ba sya nakapasok?

"Jizel! S-saglit lang... hooh! Hiningal ako! Jizel, si Gian.."kinabahan na naman ako sa tono nya. Ganitong ganito ang tono ni Xiumin nang mahimatay si Gian.

"Bakit? Napano si Gian? Nahimatay ba ulit sya? Nagkasakit? Ano?!"

Hinablot nalang ni Sehun ang kamay ko,"Sumama ka nalang sakin."

Hindi ako sumunod sa kanya. Pano pag nalaman ni Kuya na pupuntahan ko si Gian? Baka kung ano ang gawin nya kay Gian, sa amin. Baka kulang nalang ipatapon na ako ni kuya sa North Korea.

"Oh bakit? Ayaw mo ba syang makita?"tanong ni Sehun.

"Eh hindi mo kasi alam Sehun eh..."

"Halika ka nga, ako nang bahala sa kuya mo. Kailangan mong makita ngayon si Gian. Importante to ok? Kailangan mong puntahan ang boss namin."tumigil sya ng ilang segundo at tumingin sakin,"Eh ikaw ba, gusto mo bang makita ang boss namin?"

"Oo naman, syempre! Kaya lang-"

"Ok! Halika na!"tumakbo kami palabas ng school grounds saka sumakay sa sasakyan ni Sehun. Ewan ko ba kung bakit nagmamadali si Sehun. Tsaka, ang alam ni kuya, nasa bahay ako ng classmate ko. At kapag nahuli nya akong wala doon, talagang lagot ako sa kanya.

"Sehun, pagkatapos nito ihatid mo ako sa bahay ng classmate ko. Dapat 7 pm nanduon na ako. Pag wala ako doon pag dumating si kuya..."

"Oo alam ko."sabi nya habang nakangiti.

Nang makarating kami sa resto, binuksan ni Sehun ang pintuan,"Kumain muna tayo baka nagugutom ka na."

"Hindi pa. Tara na punta na tayo kay-"bigla nalang tumunog ang tyan ko. Ang lakas ko pala talagang kumain. Eh kakakain ko lang nung recess kanina eh!

"Busog na busog ka nga. Sa sobrang busog mo, nagrereklamo na yang sikmura mo. Ali na nga! Tagal tagal mo."hinila ako ni Sehun papunta sa loob ng resto. Nakakapagtaka lang, bakit walang tao? Parang may nagpareserve naman dito eh.

"Sehun, umalis na kaya tayo dito? Eh may nagpareserve na kasi dito eh."

"Psh, pabayaan mo kung merong nagpareserve dito. Ang importante, makakakain ka. Duon tayo oh!"sabi nya sakin sabay turo.

Umorder na si Sehun ng makakain namin. Habang hinihintay ang order namin, tumingin tingin muna ako sa paligid. 

Meron akong nakitang lalake nakatalikod at may nakaharap na babae. Pamilyar na nga lang ang likod. Parang nung kay kuya. Teka...

Si kuya ba yon?!

"Uy sehun, pahiram nga nung shades mo saka nung scarf mo at kalo?"

"Oh bakit? Tatakas ka noh? Hay nako Jize-"agad kong tinakpan ang bibig nya. Kinuha ko nalang ang shades nya scarf pati kalo. Dumaan ako sa table kung saan yung lalakeng nakita ko na parang si kuya.

Nang dumaan ako, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Si kuya nga! At mukhang di nya ako nahahalata. Yung babae, ang kinis kinis ng mukha, tapos ang puti puti pa! Parang koreana. Iba rin pala to si kuya eh.

Umupo ako sa kabilang table para marinig ang pinaguusapan nila.

"Babe, kailan mo ba sasabihin sa kapatid mo ang tungkol satin?"tanong nung babae kay Kuya.

Hinawakan ni kuya ng mahigpit ang kamay nung babae"Malapit na babe. Wag muna ngayon, parang hindi pa sya handa eh."

Aish! Ikaw kuya ha! May tinatago ka rin pala sakin! Sabi mo sakin no secrets?! Pero ano to? Saka hindi handa? Kuya naman eh! May pa "BABE" pa kayo!Ang daya daya mo!!

"Miss? May ioorder po ba kayo?"

"Ay, kamote!"napasigaw ako sa aking pagkagulat nang tinanong ako nung waiter. Kaya napatingin sa akin ng sabay sila Kuya pati yung babae, saka si Sehun.

Nagkatinginan kami ni Sehun at tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo?!"bulong nya sakin.

"Sila Kuya yun! Umalis na tayo! Bilis!" hinila ko na palabas ng resto si Sehun. Buti nalang at dinala nya pa ang pagkain na inorder nya kanina.

Pagpasok namin ng taxi, sinabi ko lahat kay Sehun yung narinig at nakita ko."Yun yon. Babe, kailan natin sasabihin? Babe, wag muna ngayon. Ang raming babe!"

Tumawa sakin si Sehun,"Eh dalawa lang nga yon eh."

"Sehun!"

"Oo na! Hayaan mo nalang kuya mo. Total, matanda naman sya.  Ilanh taon na ba sya?"

"29" Tama nga pala! Nakalimutan kong sabihin sa inyo, half korean kami ni Kuya. Kaya nanduon sya sa korea para mag military service. Ewan ko ba, pero imbis na bumalik sya dito sa Pilipinas, mas pinili nyang manatili doon.

Dumating kami sa park kung saan ang subdivision nila Gian. Nakita ko syang nakaupo sa swing at para bang hinihintay ako.

"Gian!" sigaw ko sa kanya. Lumingon sya sakin at ngumiti. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya ng nakapakahigpit.

"Miss na kita"sabi ko sa kanya.

"Mas miss kita noh. I love you"bulong nya sakin."Sehun, salamat ha?"

"Ganyan kasi ang mga gwapo, matulungin"sabi nya sabay kindat. Umalis na sya kaya kami nalang ni Gian ang naiwan.

"So pano? Saan nato papunta? Sa kwarto?"biro sakin ni Gian.

Sinapak ko naman sya sa braso nya"Aray! Joke lang!"

"Masakit pa pala? Ba't di mo sinabi?" Tanong ko sa kanya habang hinmashimas ko ang parte kung saan ko sya tinamaan.

Hinawakan nya ang mukha ko sa pinatingin sa kanya," Kahit ilang beses mo pa akong sapakin, suntukin, o saktan. Ok lang, kasi ikaw lang ang may kakayahang gumawa nun sakin."sabi nya habang nakangiti."Halika, may kailangan tayong puntahan.

*

"Oh, bakit moko dinala dito sa simbahan?"tanong ko sa kanya. Di lang sya sumagot saka ngumiti na lamang sakin.

"Lord, ipinakikilala ko po sa inyo ang babaeng ibinigay mo para sakin."sabi nya habang nakatingin sa altar." Ay kilala mo na nga sya. Lord, alam kong marami akong ginawang kagaguhan sa buhay ko, pero ngayon lang ulit akong hihiling sayo. Pwede ba mag i do sya kapag inaya ko syang magpakasal?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

Lumuhod sya sa harapan ko at kinuha ang isang maliit na box,"Jizel, mahal na mahal kita. At kahit anong mangyari, ikaw lang at ikaw parin ang gusto kong makasama habang buhay. Will you marry me?"

"Gian, ang bata bata pa natin..."

Nakita ko syang tumawa," Oo alam ko yun. Mag propropose lang ako, ayoko kasi maunahan ng iba jan. Next time na tayong magpakasal." Napatawa na rin ako sa sinabi nya.

"So is it a yes or no?"

Sasabihin ko na sana yung sagot ko nang makita ko si kuya na nagmamarcha papunta samin.

"Anong ginagawa nyo?!"

OTGM 2: The Broken DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon