Chapter 6: The Painful Goodbye

162 9 4
                                    


"Gian, wag nang matigas ang ulo, magpa opera ka na lang please."pagpupumilit ko kay Gian.

"Ayoko. Saka liliit rin naman to eh. Wag kang magaalala."sabi nya sakin habang nakangiti.

Di ko mapigilang magalit sa kanya na naging dahilang ng pagiyak ko,"Gian, hindi to laro! Pano kung mamatay ka dahil di ka nag pa opera?! Gian naman eh, seryosohin mo naman ako. Ayokong mawala ka... eeeehhhh."

"Shh, shh tama na."sabi nya sakin habang niyayakap ako."Oo na, basta para sayo."sabi nya sakin at niyakap nya ako ng mahigpit.

*

Nagpaschedule agad si tita nang malamn nyang pumayag si Gian na magpaopera. Ilang oras bago ang operation ni Gian, bigla akong pinatawag ni tita sa ospital.

"Oh dear, nandito na ka pala. Let's talk in the chapel, shall we?"tumango lamang ako at sumunod sa kanya.

Nang makapasok na kami sa chapel, umupo kami sa front seat. Napakatahimik. Di ako naglakas loob na kumausap kay tita. Lalo pa't di nya ako gusto para sa anak nya.

"Jizel, I know marami akong nagawa sayo few days before. And.. I'm sorry bout that."tama bang narinig ko? Nagsosorry si tita?

"Ok lang po tita-"

"But I still don't want you for my son."ang sakit.

Pero, pinilit ko paring ngumiti,"Tita, di po ako gold digger-"

"Pero yan ang nakikita ko sa mga kagaya mo." inilabas nya ang isang sobre galing sa bag nya at binigay nya sakin."It looks quite enough for you. Take it. And never go near my son ever again."

Napaiyak ako,"Tita, please give me another chance." Lumuhod ako sa harapan nya para patunayan na mahal na mahal ko si Gian. Ngumiti sya sakin saka nagsalita.

"Ok."tumayo sya saka binuhos sakin ang tubig sa water bottle nya."Now, naiintindihan mo na ba na ayaw ko talaga ikaw para sa anak ko?". Pagkatapos nyang gawin yon ay lumakad na sya paalis ng chapel.

Umiyak lang ako ng umiyak. Pinunasan ko na ang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko naiintindihan kung bakit ganon ang pagtrato nila sakin..

Sa ilalim ng sobre, may isang maliit na papel. Kinuha ko yon saka binasa.

"Layuan mo ang anak ko at manahimik ka o ang kuya mo ang manganganib."

Mas lalo akong napaiyak. Ba't ang hirap ng lahat ng kailangan kong pagdaanan? Bakit kailangan ko pa layuan yung taong gusto ko makasama?

-

"Promise ha, pag gising ko, ikaw agad ang makikita ko"pinipigilan ko nang umiyak habang sinasabi nya yon.

"Promise yan, gangster ko. Goodluck ha?"sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang kamay nya. Hinalikan nya ito bago pumunta sa operating room. Nag wave goodbye ako sa kanya bago nagsara ang pintuan.

Duon na bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa kinikimkim. Ang sakit sakit. Ito ang napasakit na bagay na gagawin ko at pagsisihan ko buong buhay ko.

Bago ako umalis, humingi ako ng papel sa isang nurse na nasa cashier at nakihiram nalang din ako ng ballpen.

Dear Gangster ko,

Gangster ko, I'm sorry. I'm so so sorry. Sorry kung iiwan kita, sorry kung hindi kita kayang ipaglaban. At sorry dahil sa oras na gigising ka, hindi ako ang nanjajan sa tabi mo. Sabi ng doctor na baka may possibility ng memory loss pagkatapos ng operation mo. Alam kong magiging successful ang operation mo. Gangster kita eh. At kung mawawala man ako sa mga alaala mo, siguro bahala na ang tadhana sating dalawa. Pero Gian, lahat sa mundo, kumokontra satin. Siguro tayo yung example ng pinagtagpo pero di tinadhana? Masakit mang isipin, pero mukhang hindi ata ako ang nakalaan na babae para sayo. Pero tandaan mo to palagi, minahal kita at kahit makalimutan mo man ako at may iba ka na, ikaw parin ang gangster ng buhay ko.

I love you very much, forever and ever.

Jizel.

Mas lumala pa ata ang pagiyak ko dito. Tinakpan ko nalang ang bibig ko, sakaling humina ang boses ko pero hindi eh, kulang na kulang pa to sa nararamdaman ko. Iniwan ko to sa room nya at umalis na.

Nakaimpake na lahat ng gamit namin ni kuya."Sigurado kaba sa gagawin mo?"tanong nya sakin.

"Oo naman. Mas makakabuti narin to. Para wala nang gulo."

"Alam bato nung kupal mong boyfriend?"

Ngumiti ako sa kanya,"pag nalaman nya, baka di na tayo makakaalis ngayon."sabi ko sa kanya, sabay ng pagpatak ng luha ko.

Nang makaabot na kami sa Airport, naghintay nalang kami sa flight namin.

"Manang... sigurado ka talaga ayos ka lang?"

"kuya wag mo na itanong ulit yan iiyak na talaga ako."bigla nalang ako niyakap ni kuya ng mahigpit.

"Ilabas mo lang."

Di ko na mapigilang umiyak,"Kuya, ayaw ko umalis sa tabi nya. Kuya gusto ko syang balikan. Ayaw ko syang iwan kuya."

Ilang saglit pay aalis na kami."Tumayo kana. Wag kana umiyak ha? Ang pangit mo tingnan." Ngumiti ako saka tumayo.

Nang malapit na kami pumasok sa eroplano, bigla ko narinig ang boses ni Gian.

"hindi to pwede..."

"JIZEL!"nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa likod para makita kung sya ba talaga."JIZEL WAG MOKONG IWAN! BAKIT MOTO GINAGAWA?!"

Napaiyak ako sa kalagayan nya, naka hospital gown lang sya at tumatakbo sa direksyon ko. Gustuhin ko man syang puntahan, pero... hindi pwede.

"I'm sorry."bulong ko sa sarili ko at tumalikod."JIZEL! JIZEL SAN KA PUPUNTA?! IIWAN MO NA AKO?! YUNG PANGAKO NATIN! PANGARAP NATIN! PANO NA-"

May narinig akong malakas na palo at nang tingnan ko yon, nakita kong nakahandusay na si Gian sa sahig. Sa malayo, nakita ko si tita kaya di ko na sya pwede puntahan.

Hindi na pwede.

Pasensya na Gian...

Mahal na mahal na mahal kita..

Goodbye.


OTGM 2: The Broken DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon