Chapter 4: Another One

191 6 5
                                    


"Anong ginagawa nyo?!" Nagulat kami sa sigaw ni kuya. Dali dali syang pumunta sa amin saka hinablot ang aking kamay."Uuwi na tayo".

"Aray kuya, nasasaktan ako."  Di lang ako pinansin ni kuya saka nagsimula na kaming maglakad nang bigla akong hinawakan ni Gian. 

"Hoy tanda, nasasaktan si Jizel."

Tiningnan ni kuya si Gian ng masama,"Wala kang karapatan na kwestunin ang pagdidisplina ko sa kapatid ko. Boyfriend ka lang nya, kuya nya ako." At unti unti na kami lumalayo kay Gian. Tiningnan ko sya at sinabing sorry.

Pagdating namin ni kuya sa apartment nya, binulyawan na nya ako.

"Bakit ang tigas tigas ng ulo mo?! Diba sabi ko sayo wag ka nang makikipagkita sa adik na yon?!"

"Eh kuya pareho kami ng eskwelahan kaya hindi imposible na magkita kami!"natahimik ng ilang saglit si kuya.

"Malapit nang matapos ang school year mo. Ililipat na kita sa korea, kung saan mas mababantayan kitang maigi."

"Kuya wag! Kaya ko na ang sarili ko. Di mo na ako kailangang bantayan." Sabi ko kay kuya. Ayokong malayo kay Gian, lalo pa't nangako akong di ko sya iiwan. 

"Talaga? Kaya mo nang paaralin ang sarili mo? Pano kung may mang rape sayo, kaya mong suntukin? Wag mong isipin na kaya mo lahat ng ibibigay sayo Jizel. Tao ka lang, di ka diyos." Tiningnan ako ng maiigi ni kuya.

"Pero kuya, bago pa lang naging kami ni Gian. Mahal ko sya kuya, ayokong hiwalayan sya."

Ningitian ako ni kuya,"Sinabi ko bang hiwalayan mo?"

~

Hindi parin maalis sa isip ko na magkakahiwalay kami ni Gian. Kakayanin ba namin ang long distance relationship?

Magkasama kami ngayon ni Gian, pinayagan na ako ni kuya dahil sa April 20, aalis na kami papuntang korea. Hindi ko alam kung paano ko sasabihn kay Gian ang lahat.

"Gian.."

"Hmm?"sumandal ako sa braso nya saka hinawakan ang kamay nya.

"Anong gagawin mo pag aalis ako? Malayong malayo sayo?"

"Hmm, ano nga ba?"tumingin muna sya sa malayo bago sya tumingin sakin."Edi hindi ko hahayaang makaalis ka. Yon ang gagawin ko."

"Paano pag wala ka nang magawa? Pano pag nakaalis na ako sa tabi mo?"

"Edi lalabanan ko si tadhana. Walang makakapigil sakin, kahit sino pa yan. Teka nga, bakit ka ba nagtatanong ng ganyan? Aalis ka ba?"

Ningitian ko sya," Hindi ah. May bago lang kasi akong nabasa na libro. Ganun yung sitwasyon ng babae at lalake duon sa kwento."

~

Nagpapart time na ako ngayon sa cafe malapit sa school namin. 50 pesos per hour ang sweldo dito, kaya tinanggap ko na para may maitulong ako kay kuya kahit papaano.

"Jizel, magserve ka nga doon sa table number 37. Bilis!"ang rami raming customers ngayon, kaya medyo mabilis ang takbo ng cafe. 

Inihatid ko ang isabg order ng buko pie and strawberry smoothie sa pinakadulong table." Good evening sir, here's your oder. Enjoy your food."

Natakot ako nang biglang tumingin ang lalake sakin. Oo, mukha syang koreano. Koreanong suplado!

"Ano pang hinihintay mo? Leave!" Nagulat ako nang bigla nya akong sigawan sa harap ng maraming tao.

Nilapitan ako ng kapwa ko waitress, "Jizel, sumunod ka nalang-"

"Hindi!" Sabi ko sa kasama ko. Tiningnan ko ng masama tong lalakeng to.

"Ang kapal ng mukha mo ah! Sisigawan mo ako dahil lang don?! Sir kung ganyan lang pala ang ugali mo edi lumabas ka na sa shop na to!"nakita ko syang tumawa bago tumayo at nilapitan ako. Ang ganda ng mga mata nya, yung tipong may pagkachinito tapos sabayan mo pa ng ilong.

"Miss, i'll let this one go kasi alam kong di mo pa alam ang kaya kong gawin."kinuha na nya ang kanyang mga gamit saka umalis. Hinila naman ako ng kasamahan ko sa trabaho duon sa staff room.

"Nawawala ka na ata sa katinuan! Di mo ba talaga kilala ang lalakeng yon?"

"Ewan ko ba kung bakit ka nababaliw sa lalakeng yon. Syempre customer sya." Sabi ko sa kanya. "May dapat pa ba akong malaman sa lalakeng yon?"tanong ko sa kanya.

"Oo! Kase-"

"Hoy Jimenez, Franco! Isang chismis pa papalabasin ko kayong dalawa!"sigaw ng manager namin. Dali dali kaming nagserve sa coffee shop.

~

Pagkatapos ng shift namin, sinamahan ako nung babaeng katrabaho ko.

"Hazel Franco pala."sabi nya habang nakangiti.

"Jizel Jimenez."sabi ko sa kanya." Ano nga palang gusto mong sabihin sakin kanina?"

"Ah, wala yun! Nakalimutan ko na."sabi nya.  

"Tungkol yun sa lalake kanina-"bigla nalang nyang tinakpan ang bibig ko nang makasalubong namin yung lalake kanina sa coffee shop.

Nguniti sya sakin ng malaki,"Ooh, ikaw pala! Oh ano? Magsosorry ka ba?"tanong nya sakin.

Biglang bumulong si Hazel na magsorry nalang daw ako para sa ikabubuti ng lahat.

"Basta magsosorry ka rin." Sabi ko sa kanya.

Nakita kong nagsmirk sya." Ako pa ngayon ang magsosorry?" 

"Malamang kailangan mong magsorry dahil may atraso ka rin sakin."sabi ko sa kanya habang nakangiti. 

"Tsk, gusto mo ba talagang matangalan ng trabaho?"

"Sinabi ko ba? Ikaw-"

"Tama na! Sige sir, mauna na kami. See you tomorrow!"sabi ni Hazel habang tinutulak na ako palayo duon sa aroganteng lalake na yon.

"Anong see you tomorrow?! Isusumbong kita sa boss namin para di ka na makapasok sa coffee shop!"

"We'll see about that." Bwiset ka!!!

Nauna nang umalis si Hazel habang ako nagaantay pa ng masasakyan. Ilang saglit pa may itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko. Kinabahan ako kaya kinuha ko kaagad ang pepper spray sa bag ko.

"Hello, mahal ko." Nakita kong si Gian lang naman pala yon.Bumaba sya saka niyakap ako ng mahigpit.

"Hello, gangster ko." Sabi ko sabay halik sa kanyang noo. Napangiti ko naman sya sa ginawa ko.

"Ihahatid na kita sa bahay nyo."sabi nya sakin habang nakangiti. 

Habang nagda-drive si Gian, nakahawak yung kamay nya sa kamay ko at nakangiti."Hoy bakit ka nakangiti? Tingin mo sakin clown?"biro ko sa kanya.

"Oo, clown ka. Ikaw ang pinakamagandang clown na nakita ko. Itong ngiting ito, sayo ko lang gagawin."sabi nya habang nakatingin sakin.

Kinurot ko ang mukha nya,"Asus! Naging tayo lang naging corny ka na agad! Tumingin ka sa daanan baka mabangga tayo"

Tumawa sya saka nag focus sa kanyang pagda-drive.

Yang tawa na yan....

Yan ang isa sa mami-miss ko pag darating ang araw na iiwan ko sya...



OTGM 2: The Broken DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon