4

5.7K 165 36
                                    

MAYA's POV

"Kriminal ang babaeng 'yan!" Halos paulit-ulit ang mga salitang yon na parang nagrireplay sa tenga ko.


Kasalukuyan kaming naglalakad sa pathway papunta sa canteen. Halos lumuwa na ang mga mata ng mga nasa daanan kakatingin sa akin. Suot ko ang miniskirt at damit na bigay sakin ni Hannah. Siya ang babaeng tumulong sa akin kanina ng ilaglag ako ni Sidj sa pool.

Ang hayup na lalaking yon!

"Ay siya pala yon? Hindi naman maganda ah? Anong nakita ni TJ dyan sa babaeng yan?" Pasaring pa ng isang babae.

"Wag mo na lang pansinin." Sabi sakin ni Hannah at hinila ako papunta sa likurang bahagi ng school namin imbes na pumasok sa loob ng canteen.

Medyo mapuno na sa lugar na yon at pumwesto kami sa isang shade na kita ang kabuuan ng buong University.

"S-salamat." Nahihiyang sabi ko rito.

"Ano ka ba? Actually, ako dapat ang magpasalamat sayo. Dahil sa ginawa mo hindi natuloy ang swimming lesson natin sa P.E dahil ayaw lumusong sa pool ng maaarte nating kaklase." Natatawa nitong sabi. Maganda ito. Halatang anak-mayaman at sobrang puti. Hindi katulad ko na maputi pero may peklat naman sa paa at may pekas din dahil sa may lahi nga ako.

"M-magkaklase ba tayo?" Nagtatakang tanong ko rito.

"Ano ka ba? Oo. Sa Philippine History. Di ba yon lang naman ang subject na kaklase mo ang mga freshmen?" Sabi nito sabay abot sakin ng sandwich na kinuha nito sa bag.

"W-wag na. B-busog pa ako." Tanggi ko rito. Hiyang-hiya na ako dahil sa sobrang tulong nito sa akin simula kanina. Kasabay noon ay ang pagtunog ng tiyan ko. Hindi pa nga pala ako nakapag-almusal at wala din akong dalang pera dahil naiwan ko ang wallet ko sa bahay.

"Ano ka ba? Usually, dalawa talaga ang sandwhich na dinadala ko kasi yong isa para sana sa best friend ko kaso di na niya ako pinapansin kaya ako na lang din kumakain." Sabi nito sabay tawa ng malakas. Halatang masayahing tao itong si Hannah at parang walang kaproble-problema sa buhay.

Kung ako ba naman ay mayaman din magandang katulad niya at may masayang pamilya? Siguro masaya din ako? Kinuha ko na lang ang sandwhich na inabot sa akin at sinimulan ko ng kainin yon.

"Alam mo ngayon lang ako nagkaroon ng kasama ditong tumambay? Lagi kasi akong nabubully kapag kumakain sa canteen e. Kasi kailangang dalawang upuan daw ang gagamitin ko kasi di ako kasya kasi mataba ako." Sabi nito na ngumiti pa pero halatang nasasaktan sa sinabi niya.

"A-ako naman ngayon lang ako napahiya ng ganyan katindi. Nakakatatlong schools na ako pero medyo normal naman ang daily routine ko sa dati kong schools hindi tulad dito." Sabi ko na napanuntong-hininga pa.

Tumawa na naman ito. "Alam mo ano. Ano nga ulit pangalan mo?"

"Maya."

"Alam mo, Maya. Dito na ako naghigh school at ngayong college dito pa din ako. Dapat hindi ka standout sa iba kung hindi ka naman anak ng politicians o artista kasi mabubully ka talaga." Sabi niyo na inilabas pa ang cellphone sa bulsa.

Seven Inches And A Half (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon