8

7.4K 244 253
                                    

MAYA's POV

"Maybe we should stop here." Sabi samin ni Pam ng makabalik na kami sa wake ni Sheena. "They don't want us intrude about this issue. So stop it na. I'm sorry, Maya. If I made you feel guilty about this."

Umiling ako. "B-but Sheena should get the justice she deserves." Sabi ko rito na hindi ko pa rin maintindihan kung bakit.

"We'll let them deal with it, okay?" Sabi pa sakin ni Jeron.

Tumango na lang ako para matahimik na sila. Okay, fine. Edi ako na ang mali. Ako na ang ilusyunada at pakialamera sa buhay nila. Stop na, Maya. Mamatay ka ng curiosity na yan e. I sighed.

Nakita ko din na nandun si Seven at Tj na agad kong iniwasan.

"Nappy!" Sigaw nito sakin na agad ko namang tinalikuran. "Hey, wait for me!"

Binilisan ko na lang ang lakad ko. Ayaw ko muna kayong kausap. Jusko naiistress ako lalo. Di ko alam kung ano'ng uunahin ko. Kung ang pagkamatay ba ni Sheena o ang landi ng katawan ko. Jusmiyo, Maya. Ano ba yang pinag-iisip mo? Eh tingnan mo naman ang ayos ni Seven ngayon oh? Napakagwapo.

Nakaputing polo-shirt ito at rugged-pants at converse shoes. Parang ang bango-bango nito lalo sa ayos nito. Well-shaped din ang buhok na naka-wax.

Ngumiti ito. "Pogi ko no?" Natatawang sabi nito. Kahit anong layo ko rito ay masusundan pa din naman ako nito kaya hinarap ko na lang ito.

"Pwede ba pakibawas-bawasan yong confidence mo?" Iritableng sagot ko rito. "Ano bang kailangan mo?"

"Di ba kailangan mo ng raket?" Sabi nito sakin. Tumayo ako sa may gilid ng pinaka-entrance ng hall na yon. Parang pinakaterrace ng building. I dunno if that's the right term pero yon ang pinaka-entrance at smoking area.

Tumango lang ako rito. Hindi ko na nasipot ang interview ko sa fast food chain dahil sa sobrang dami kong iniisip.

"Pumunta ako kanina sa Highway 61. Sa Bar na pinag-inuman mo noong gabing lasing ka pra magtanong-tanong kung pwede bang makita ang CCTV footage nila. Pero confidential daw yon." Sabi nito at kumuha ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa nito at nagsindi.

Inagaw ko rito ang sisindihan pa lang sana niyang sigarilyo. "Akin na to." Sabi ko rito at inagaw ang lighter.

"H-hey! Ano'ng ginagawa mo?"

"I'm joining you smoke." Sabi ko rito na inangatan pa ng kilay.

Inagaw nito ang sigarilyong hawak ko na hihithitin ko pa lang sana. "No!"

Ngumiti ako. Hindi naman talaga ako nag-yoyosi. Ayoko lang na may magyosi sa harap ko. Itinago na nito ang yosi sa bulsa at ngumuya ng chewing gum instead. Sweet.

"Going back. For sure may makukuha tayong lead kapag nakita natin ang CCTV footage pero mangyayari lang yon kapag mag-apply kang part-time dun. Di ba at kakilala mo naman ang may-ari ng bar na yon? Naghahanap sila ng server." Tuloy nito sa sinasabi nito kanina.

Tumango ako. Oo nga pala at paubos na din ang kinita kong pera sa pag-iextra noong last week at kailangan ko pang magbigay ng budget kay Mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seven Inches And A Half (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon