7

3.6K 178 49
                                    

MAYA's POV

Mga isang linggo na rin ang nakakalipas. Masyadong marami ng nangyari masyado. I distanced myself to all of them. Maging si Seven ay ni hindi nag-cross ang landas namin for the whole week. Mabuti na din siguro ang ganito?

Halos ako ang usap-usapan sa campus for the past few days pero halos nakakalimutan na din nila ang chismis. Napabuntong-hininga na lang ako. Wala ding pumapasok sa utak ko dito sa niri-review ko.

"I suppose he didn't believe your illusions, right?" Sabi ng lalaking biglang umupo sa harap ng table ko. Kasalukuyan akong nasa library at nakapwesto sa pinakadulo for them not to notice me. But here's one guy that I don't even know.

I look at him. He's wearing his white uniform and slacks. May wrist watch at nakasalamin din gaya ko. Tinitigan ko pa ito ng isang minuto pero kahit anong isip ko hindi ko maalala kung saan ko siya nakilala.

Ngumiti ito. "Well, I believe you." Sabi pa nito na nagpagulo lalo sa utak ko.

"Magkakilala ba tayo?" Naguguluhan kong tanong dito.

Umiling ito. "Kilala kita pero siguro ako hindi mo kilala." Sabi nito at may kung anong inilabas mula sa bag nito.

"Parang familiar ka kasi pero di ko talaga maalala kung saan kita nakita e." Sabi ko giving him a hint to introduce himself.

"Jeron Shin." Maikling sagot nito at iniabot sa akin ang cellphone nito flashing his selfie.

Tiningnan kung maigi ang picture nito. Ibang-iba ang mukha niya sa picture. He's handsome here. "So you're a model?"

Tumawa ito. "I'm not. I'm just wearing make-up that night because I need to since I attended cosplay and went to the bar right after with my friends."

Ibinalik ko sa kanya ang cellphone nito. "So, how can I help you?" Nagtatakang tanong ko pa rin dito.

Itinulak nito ang cellphone nito pabalik sakin. "Zoom it in." Utos nito sakin.

Tiningnan kong maigi ang picture. Kahit kalahating mukha nito ang nasa cellphone ay malaki ang space sa likurang bahagi nito at kita ang mga taong nandun. That girl wearing black dress is me. And I'm kissing a guy? Fvdge.

I widened the screen for me to see the full picture of me kissing the guy. I can tell it's Tj. There's another girl behind my back who just turned her back to us. Si Tj ang kasama ko nang gabing yon? Hindi ko pa din maalala.

"So yeah. I guess the right question is HOW CAN I HELP YOU?" Balik tanong nito sakin.

"N-nandun ka ng gabing yon?" Sabi ko na muling napukaw ang interes ko dahil sa ipinakita nitong picture.

Tumango ito. "Ako ang lalaking nakabangga sayo at sinabihan mong bakla that night." Sabi na natatawa.

"You mean nag-eskandalo ako?" Kinakabahan kong tanong rito.

"Sort of. Can we not talk it here? I'll attend to Sheena's last night later. Would you mind joining me?" Tanong nito sakin.

Tumango ako. Sana alam niya ang tunay na namgyari. "S-sige. Total friday na din naman." Nag-iwan ito ng kapirasong papel na may number nito.

Seven Inches And A Half (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon