5

4.9K 170 59
                                    

Maya's POV

Hindi pa rin nagsisync? Sink? Ah basta magkatunog pwede na yan. Di pa rin makaya ng utak ko yong sinabi sakin ni Mrs. Santillan. Si Teejay pala ay apo niya. Myghad. Ano ba tong pinasok mo Maya? Gusto kong humindi sa kanya pero baka patalsikin ako pagkatapos kong matamaan ng sapatos sa ulo yong may-ari ng eskwelahan. Utang loob naman, Lord. Kay yamang tao bakit naglalakad ba kasi sa hallway? Wala ba siyang kotse?

Ako talaga? Tapos si TJ? Ano na lang ang iisipin ng ibang taong nakakita sakin kanina na kahalikan ko si Seven? Tapos si TJ kasama ko? Kaladkarin? Pakaratchi? Jusko naman.

At bakit ba kasi Seven ang tawag ko sa lalaking yon. Dahil Seven Inches yong. Ohmyghad! This is not happening. Bakit ko ba kasi sinukat sa ruler yon. Napakagaga mo talaga, Maya. Naisipa ko ang paa ko sa inis na saktong natamaan ang upuan ng lalaking nasa unahan ko. Si Leo, ang class president ng mga freshmen.

"S-sorry." Mahinang sabi ko rito. Jusko Maya umiiral na naman pagiging karatista mo. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Bakit gigil na gigil ka ha?" Pabulong na tanong sakin ni Hannah. Magkatabi kami ngayo sa subject na magkaklase kami.

"Ikikwento ko sayo mamaya." Napabuntong-hiningang sabi ko rito habang dinidiin ang ballpen sa notebook kong wala pang laman. Ewan ko ba at sakit ko yata ang magsulat sa last pages ng notebook ko ng kung anu-ano at mas marami pa akong nasusulat sa likod kesa sa notes sa unahang bahagi ng notebooks ko.

Pasimple kong sinulyapan ng tingin si Seven na natutulog sa pinakagilid ng classroom. Hangkapal ng mukha. Pagkatapos akong halikan ni wala man lang balak panagutan? Paano kung mabuntis ako o di kaya ay magbigti ako. Tapos kapag pinaautopsy ako malalaman nilang namatay ako sa sarap ng halik niya. Humaygad, Maya. Ano ba?

Pero mainit ba talaga ang first kiss? As in ganun ba talaga yon? Ang bango ng hininga ni Seven. Hanuba Seven tama na. Ginugulo mo utak ko. Kailangan ko mag-concentrate para makaisip ng maigi. Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi sakin ni Mrs. Santillan. Bahala na talaga si Batman nito.

Buo na ang desisyon ko. Pagkatapos ng last subject ko mamaya sa English ay ipapasa ko na ang resumé ko sa isang fast food chain na pagpapart-time-an ko at papatusin ko na din ang pag-tutor sa mga college students sa facebook group na sinasalihan ko.

"Pst, Nappy. Ano sinabi sayo ni President?" Usisa ni Seven sakin pagkalabas na pagkalabas namin ng classroom. Ang kapal ng mukha. Natulog lang sa klase? Iba din.

"May laway ka pa! Napakatsismoso mo." Naiinis kong sabi rito.

"Nappy, may gagawin ka ba mamaya?" Sabi nito na sumusunod pa rin sa likuran ko habang naglalakad ako papunta sa ladies' cr.

"Madami! Pwede ba tigilan mo ko. Kung wala kang magawa wag ako ang pagtripan mo!" Angil ko rito.

Humakbang ito ng dalawang malalaki at hinarangan ako sa pathway. "Edi kailangan mo pala ng kasama para tumawid sa kalsada? Free ako. Wala akong gagawin." Nakangiting sabi nito.

"Hi Papa Seb." Sabi ng dalawang babaeng dumaan sa harap namin. Oo nga pala at urregular student din itong si Seven tulad ko kaya iisang subject lang kami magkaklase.

"Hi, girls." Ganting bati naman nito.

Agad tumigil ang mga ito sa paglalakad at may paghawi ng buhok. Pacute amp! Hindi bagay.

Seven Inches And A Half (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon