Chapter 8

8 0 0
                                    

Flame's POV

"Ano baaaaa?! Sinabi nang ako nalang ang magluluto ng breakfast eh!" sabi ni Daisy.

"Eh baka sumabog yung buong kusina kung ikaw ang magluluto!"

"Hindi! Ako bahala!"

What the hell? Ang ingay. Lumabas ako at dumeretso sa kung saan nanggagaling ang ingay.

"Anong ikaw bahala? Tignan mo nga yung sinimulan mong lutuin, nasusunog na! Itlog lang yan oh!"

Lumingon naman si Daisy sa linuluto niya at pinatay ang stove at tsaka humarap ulit kay Phoebe.

"It's because you disturbed me kaya nasunog yung linuluto ko." Nakapameywang na sabi nito kay Phoebe.

"What? Eh kahit kailan naman wala ka pang linuto na hindi sunog ah!"

"Anong wala? Meron! Yung tubig hindi naman nasunog nung nagpainit ako!"

"Eh malamang tubig 'yon! Pag sumipol yung kettle alam mo nang mainit na yung tubig!"

Hindi ko na matiis kaya dumeretso ako sa pagitan nila at di man lang nila napansin. Kumuha ako ng dalawang kutsilyo at inabot sa kanilang dalawa at dumeretso na'ko pabalik sa kwarto.

'Tss mga istorbo.

Sinubukan kong matulog ulit pero di na'ko makatulog.

Tinignan ko ang orasan, 7 am.

Nag-ayos ako ng sarili dahil pupunta kami sa mansion ngayon.

Paglabas kong muli ay nandoon silang tatlo sa sala, nang maramdaman naman nilang parating ako ay tumingin sila sa'kin.

"Oh saan ang punta Queen?" Si Phoebe.

"Mansion"

"Hindi mo kami isasama?"

"Bahala kayo kung sasama kayo"

"Oh girls! Lezzgaw!"

At nagkaniya-kaniyang pag-aayos na sila.

Maya't maya pa ay nagbyahe na kami papunta sa mansyon. Pagkarating naman namin doon ay sinalubong naman kami ng mga maid at saka nag bow.

"Manang may makakain ba jan?" Tanong ni Daisy sa head maid namin.

"Meron iha, naghanda ako dahil alam kong parating kayo"

"Ayuuuun! Dabest ka talaga manang!" At inakbayan pa ito ni Daisy sabay pisil sa pisngi ni manang.

"As if naman ang tagal mo na dito eh pangalawang balik mo pa nga lang" sabat sakaniya ni Chelsea.

"Che! Kaniya-kaniyang trip Chelsea!"

"Hay nako mga iha, halina kayo nang makakain na kayo. Alam kong gutom kayo." Sabi ni manang nang nakangiti.

Pumunta naman kami sa hapagkainan at doon ay nakahain ang iba't ibang mga pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako sa mga kasama ko na iikutin ko muna ang mansyon.

Lumabas ako at napadpad ako sa isang garden. Napakagandang garden. Meron din ditong Green House. Pumasok ako sa loob.

"Whoa"

Ang ganda. Lihim akong napangiti habang linilibot ko ang tingin ko sa loob ng Green House. Puro rosas ang nakatanim. Iba't ibang kulay ng rosas. Umikot ako sa kabuo-an ng Green House nang may biglang humagip sa paningin ko.

This is beautiful.

It is a black rose na parang may ice sa paligid nito. Nakalagay ito sa container na parang container ng rose sa Beauty and The Beast. (A/N: I don't know the name of that thing so if alam niyo po, please leave a comment^_^)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Flamin' FireWhere stories live. Discover now