The first encounter

631 10 2
                                    

                 "Wala pa bang pagkain?" naiinip na tanong ni Kaye habang nakaupo sa sofa at nakapatong ang paa sa maliit na lamesang nasa harapan. Habang si Dylan naman ay nasa kusina at nagluluto ng hapunan para sa kanilang dalawa. "Eto na, matatapos na 'ko" sagot nito.

       Habang nagluluto, naalala ni Dylan ang araw na nakilala niya si Kaye. "Isang linggo na pala mula nung araw na 'yon"

             Isang linggo na ang nakakaraan........

      Pauwi na ng bahay si Dylan nung araw na 'yon nang matagpuan niya itong walang malay sa may gilid ng bakuran niya at marami itong sugat sa katawan. Kaya tinulungan niya ito at dinala sa bahay niya, pero 'di niya alam na isa itong malaking pagkakamali. Pagkatapos ng isang araw ay nagkamalay na ang babaeng tinulungan niya, nagulat na lang siya nang biglasiya nitong hawakan sa leeg at ihampas sa pader. Sa sobrang gulat ay hindi siya makapagsalita, nakakatakot ang mga tingin nito sa kanya, may mahabang buhok ito at kulay pula ang mga mata.

            "Sino ka? anong ginagawa ko dito?" tanong nito.

            "A-andito ka sa bahay ko..." nauutal na sagot ko.

           "B-bitiwan mo muna 'ko.." pagkatapos ay binitiwan niya 'ko, tiningnan niya ang boung paligid habang ako naman ay tulala pa rin.

           "ako si Dylan, ikaw?"

           "Kaye ang pangalan ko" pakilala niya.

           "Paano ako napunta dito?" tanong niya sa'kin.

           "Nakita kita sa bakuran ko at marami kang sugat kaya dinala kita dito"  

     Umupo lang siya sa may sofa at parang walang pakialam sa sinasabi ko."Sino ba talaga 'to?" naisip ko.

            "Kumusta na ang sugat mo?" 

            "Magaling na ako" tapos ay tinanggal niya ang mga bandage na nilagay ko.

           "S-sandali lang--" nagulat na lang ako nang mawalang parang bula ang mga sugat niya sa katawan. Paano nangyari iyon eh malubha ang mga sugat niya nang gamutin ko? Gulong-gulo na ako, hindi ko na alam ang nangyayari. Sino ba talaga ang babaeng ito?

=Dark Angel=Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon