Fabulous Clan series1 ZHENREI

1.4K 15 0
                                    

Fabulous Clan series 1:

Zhenrei

Zhenrei Francis Von El Reich... The heir of the Von El Reich Group... 27 years old... Has the fame, the power, the money and the face of the prince. 16 years old pa lang siya nagtatrabaho na siya at napagkakatiwalaan na siyang i-manage ang mga kumpanya ng pamilya. Matalino kasi siya bata pa lang. He's the one who exerted the best effort from the family. He has the best ideas. He has the most creative mind.

"Aurora, why didn't you told me earlier?!" sigaw na tanong ng tagapagmana.

"Eh, Sir, sabi niyo kasi huwag kayong istorbohin, eh!" Si Aurora, ang sekretarya, ang sumagot. "Fine. Cancel all my appointments for today. I'll see you tomorrow." Dagdag ng gwapong binata, and then he hurriedly went out of the company.

"Ah!!! Bitawan niyo ako!" Siniko ng babae ang lalakeng nagpupumilit na isama siya sa isang motel, sabay takbo niya. "Ah!..." Hindi niya namalayan na may tao sa harap niya sa sobrang takot niya ay nakabangga niya ang lalaki. "Sorry! Please makisama ka muna!" Nakita niyang hinahabol siya ng dalawang lalaki at saka hinila ang inosenteng nakabangga niya. Tumakbo sila hanggang sa maiwala ang dalawang lalake. Nasa harap sila ng ATC. "Sorry talaga, mister. Nadamay ka pa..." habol ang hiningang hinging-paumanhin niya sa lalaki. Nagsalita ang binata,

"Ikaw si Venice Gonzales? Teka, bakit ka hinahabol ng mga yun?" tanong nito.

"Kilala mo ako? Wow naman! Sikat pala ako! Pasensya ka na. Kasi pinipilit nila akong sumama sa kanila." Hingal pa ring saad niya.

"Ah...ganun ba? Totoong sikat ka! Ikaw ang latest model ng SOCIETY magazine at ng Victoria Secret dito sa Pilipinas." Buong tuwang sagot ng binata habang naglalakad sila sa. Dumiretso sila sa isang sikat na restaurant.

"Teka, ano nga palang pangalan mo?" tanong ni Venice.

"Uh... Call me Anthony." Nakangiting sagot nito.

"Hm..." Sinusuri niya ang lalaki. "Ang gwapo mo naman! Puwede kang model o artista! Ang kinis mo pa! What do you do?" hangang sabi niya.

"I'm a journalist, but I really want to be a chef."

"Talaga? Pero para kang model, eh!"

Magsasalita pa sana si Venice nang may sumingit sa usapan nila.

"Troy?! Is that you? My, what are you doing here?" Tawag ng isang mestisang matandang babae na mukhang nasa 40's na ang edad.

"Oh? Hi, Mrs. Rosalie. How are you?" magalang at nakangiting tugon ng gwapong binata.

"Oh, I'm fine. You still look handsome despite the crisis you're in." Nakangiti ring sagot ng babae. Mukhang mayaman ito at napakaganda ng postura. Sigurado siyang may sinabi ang pamilya nito sa industriya. "Well, I think I should go. See you." Dagdag pa nito.

"Okay. Take care. I'll visit you one of this days." Wika naman ng binata.

"Okay then. I'll wait." Tumingin pa ito sa kanya tapos ay ngumiti sa binata saka ito umalis.

"You're Troy Anthony Laurel?!" gulat na tanong niya.

"Yup. I'm sorry I lied." Maamong saad nito. Natutulala siya sa nakikita, si Troy Anthony Laurel ang kaharap niya! 'Nakakahiya ka talaga Venice! Hindi mo man lang nakilala ang gwapong ito! Tapos hinigit mo pa! Idinamay mo pa! Nakakahiya talaga! Sorry!!!' sigaw ng utak niya. Nahihiyang tumingin at ngumiti siya sa binata.

"Sorry, Anthony! I mean... Mr. Laurel!!"

Nakatingin at nakangiti lang ito sa kanya. Napakaamo ng mukha nito kaya lalu siyang nahiya. Nakatungong sumabay na lamang siya dito sa pag lalakad. Pakiramdam ni Venice anumang oras ay sasabog na siya o kaya ay lalamunin ng lupa sa kagagahang ginawa niya. Mabuti pa ngang lamunin na lang siya ng lupa kaysa naman sa maya't maya ay patingin tingin ito sa kanya na para bang natatawa at iniisip na napaka gaga niya.

F.C.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon