Fabulous Clan Series 6 WILSON

513 10 5
                                    

Fabulous Clan Series 6:

Wilson

"Kailan ka ba kasi hahanap ng makakasama mo habang buhay, ha, Wilson?" tanong ni Daniel kay Wilson. Magkakausap sila sa telepono.

"Ang yabang nito. Porket nagkaayos na kayo ni Ais. Ako sure ako, kapag nahanap ko na ang magiging asawa ko walang sinabi iyang sina Winter at Aislyn." Mayabang na wika niya sa pinsan.

"Walang laitan ng mapapangasawa!" wika ni Reiven

"Hindi ko sila nilalait. Mas maganda lang ang akin. Hehe." Nagtawanan silang tatlo, pagkatapos niyon ay natapos din ang usapan nila. Isang buwan na ang nakalipas matapos ma-engage nina Daniel at Aislyn. Ang plano nilang magpipinsan maghihinatayan sila. Kapag nakahanap na siya ng mapapangasawa, after a year ay si Reiven muna ang ikakasal. After ng isang buwan ay si Daniel naman. Pagkatapos ng isang buwan ay siya naman. Pero kapag natagalan siya hindi na siya hihintayin ng dalawa. Bakit nga ba hindi pa dumarating ang babaeng seseryosohin niya? Mayaman naman siya, gwapo, matalino at mabait. Siya ang tagapagmana ng FAB at JEWEL. 'Kung darating 'yon. Darating 'yon. Be patient, Wilson. Bata pa naman ako, ah. I'm only 23. gusto ko nga 25 na ako mag-asawa. O kaya 28.' Sana lang ang mapatapat sa kanya ay katulad ng gusto niya. Mabait, hindi maarte, natural, matino. Iyong pinaghalong Rein, Winter at Aislyn. "Makakita pa kaya ako ng ganun?" tanong niya sa sarili. Pagkatapos 'nun ay bumaba siya mula sa kaniyang opisina.

"Talaga? Yuck! Natiis mo yon?" maarteng wika ni Sapphire sa sinabi ng kaibigan. "Eew! So gross!" dugtong pa niya.

"Kaya ko nga siya iniwan, eh. Bad breath siya. He's so yucky!" Wika ng kaibigan niyang hanggang balikat ang buhok na si Kelsey. Nagtawanan sila ng nagtawanan. Although, nagtitinginan na sa kanila ang ibang tao sa loob ng restaurant ay wala silang pakealam. Sosyal ang restaurant na iyon at halatang pang alta-sosyedad. Ang FAB.

"Alam niyo nadinig ko na ang may-ari ng restaurant na ito ay binata pa! Wala rin daw girlfriend. Si Wilson Monteverde. Ano kayang itsura niya?" Ang isa pa niyang kaibigan na si Cass na naka-pony tail ang buhok naman ang nagsalita.

"I'm sure hindi gwapo 'yun. Sa yaman niya ay wala man lang siyang girlfriend. Malamang na naaagnas na ang mukha noon." Si Kelsey ulit.

"Hm. Kung puti na lahat ng buhok niya at kulubot na ang balat, kahit ako hindi magpapakasal sa kanya kahit gaano pa siya kayaman!" Banat naman niya. At nagtawanan na naman silang tatlo.

Naiinis si Wilson sa naririnig mula sa di kalayuang table nang bumaba siya sa opisina niya. Pinag-uusapan siya ng tatlong magagandang babae. Nilalait siya. Sayang magaganda pa naman. Pero pinakamaganda iyong naka-purple na dress. Bagay dito ang itinirintas na buhok. Singkitin at mukhang may lahing japanese. Ang kinis pa. Pero panay panlalait ang naririnig niya. Maghintay lamang ang mga babaeng iyon kapag nakilala siya. Baka malaglag ang panga ng mga ito kapag nakita siya. O baka hindi lang mga panga ang malaglag sa mga ito. His father is Nicko Monteverde for Pete's sake! Ang pinaka-gwapo at most sought after guy in showbiz noong panahon nito! Marami ding nagsasabi sa kanya na mas gwapo siya sa mga pinsan niyang sina Reiven at Daniel. 'And I'm only 23, you fools!' Nagkamali sila ng hinusgahan.

"Oh my gosh! Look, Saph! Ang gwapo nung guy!" tili ni Kelsey nang matanaw ang isang gwapong binatang nakatingin sa kanila sa di kalayuan. Napalingon naman si Sapphire. She was lovestrucked! The guy was extremely gorgeous! Ito na siguro ang pinaka gwapong lalakeng nakita niya sa kasalukuyan. Seryoso ang mukha nito pero iba pa din ang dating. Kung totoong napaka-gwapo ni Adonis ay higit pa ang binatang ito.

Inalis ni Wilson ang tingin sa chinitang babaeng nanlalait sa kanya kanina. Mukhang tumalab dito ang charms niya. Pero too late for that, ayaw niya nang may naririnig na panlalait sa ibang tao, kahit sa hindi niya kilala. Ngumiti ang babae sa kanya pero sinimangutan niya iyon. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nitong panglalait sa kanya kanina. Trust his charms. Screw that girl!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2010 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

F.C.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon