Fabulous Clan series5 DANIEL

371 11 0
                                    

Fabulous Clan Series 5:

Daniel

"Oo, syempre. Masaya. Bakit ka ba kasi umalis? Hindi mo man lang hinintay ang engagement party nung dalawa." Wika ni Wilson sa kausap sa telepono. Apat na araw na ang nakakaraan matapos ang engagement nina Reiven at Winter. Tumawag si Daniel para kamustahin sila. "Magtatanong ka pa. Alam mo naman kung bakit." Sagot ni Dan.

"Galit ka ba kay Reiven?"

"Hindi. Alam mo namang hindi ko kayang magalit dun. Ang tagal na ng pinagsamahan nating tatlo."

"Kasi naman. Kalimutan mo na si Winter."

"Eh, ano nga bang ginagawa ko? Kaya nga ako umuna na nang pumunta sa Seoul, di ba? Basta Wilson, tayong dalawa na lang ang nakaka-alam nito, ha? Hindi na dapat malaman ni Reiven o ni Winter.

"Oo naman. Sure. Kahit labag sa kalooban kong mag sikreto kay Reiven."

"Hayaan mo na. Mabuti nga at masaya na silang dalawa."

"At ikaw ba? Masaya ka ba?"

"Oo, kahit hindi." Malungkot na wika niya.

"Wag kang mag-alala, hindi pa ito ang end of the world. Makakahanap ka rin ng para sa'yo. Sooner or later you'll be meeting her. Trust me."

"I always did. Salamat, bro."

"Walang anuman. Sige na, mahal na yang tawag mo. Bye na."

"Yeah. Bye. Salamat ulit." Pareho na nilang in-off ang kani-kanilang cellphone. Hindi niya lang basta crush si Winter kagaya nang sinabi niya sa pinsan niyang si Reiven. Tumpak. Nasasaktan siya na hindi siya ang minahal ni Winter. Na kahit sa huling pagkakataon, si Reiven pa rin ang pinili nito. Iyon ang dahilan kaya hindi siya dumalo sa engagement party ng mga ito. Masasaktan lang siya lalo. Pero totoong may business trip siya sa Seoul Korea, though next week pa iyon magsisimula. Pinalabas na lang nila ni Wilson na iyon ang dahilan.

Samantala kina Reiven naman. "Pst! Si kuya Dan ba ang kausap mo kanina?" tanong ni Rein nang lumapit ito kay Wilson.

"Yeah. He called. Kinakamusta niya tayo at saka yung engagement party. Sorry daw at hindi siya nakarating. Sabi ko masaya naman." Sagot nito.

"Ganun ba? Bakit ba kasi hindi niya muna ipinagpaliban ang trip na yun?" tanong naman ni Reiven.

"Importante talaga yun eh. Tsaka yung mga kliyente niya mga foreigner. Nakakahiya naman daw kung di niya sisiputin. Baka hindi mag-invest." Sagot naman ni Wilson.

"Sayang talaga at hindi siya nakapunta." Singit naman ni Winter.

"Oo nga pala, pinapauwi na ako ni mama. May ipinagagawa pa sa'kin. Sige Reiven, Winter, Rein." Paalam na nito.

"Sige, ingat ka na lang." Si Reiven.

"Bye, kuya Wilson!" pahabol ni Rein.

"Hay!" napabuntong-hininga na lang si Daniel sa ganda ng tanawin sa 63 Tower. "Ay! Sorry po!" hinging-paumanhin sa kanya ng babaeng nakabangga sa kanya. Nakatalikod kasi ito habang naglalakad. "Hm. It's okay." Wika naman niya.

"Ay! Teka, teka, teka!" pigil nito sa kanya nang aalis na siya. Tinitigan siya nitong mabuti parang kinikilatis. "Sabi ko na nga ba! Ikaw si Daniel! Ay grabe! Pagkagwapong lalake mo pala sa personal, ano?!"

"Huh? How did you know me, lady?"

"Naku! Hindi 'lady' ang pangalan ko, Mr. Von El Reich! Ang haba naman ng apelyido mo!" napataas ang kilay niya sa sobrang kadaldalan ng babaeng nasa harap niya. "Sino ka ba?" sarkastikong tanong niya rito.

F.C.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon