Fabulous Clan Series 2:
Zhelden
"Pa'no, aalis na ako, Kuya. Sige, Venice." Wika ni Zhelden William Von El Reich, ang ikalawa sa magkakapatid at ang second to the heir. "Kiss muna, baby Reiven. Babye na kay Tito." Sabay humalik siya sa noo ng baby ng mag-asawa saka sumakay sa kanyang Subaru Impreza.
"Are you sure ayaw mong gamitin yung BMW ko?" tanong ni Zhenrei bago umalis ang kapatid.
"Hindi na, Kuya. Sige. Bye."
"Ba-bye, Tito!" sigaw ni Venice habang ikinakaway ang kanang kamay ng isang taong gulang na anak. Isang taon na ang nakaraan simula ng ikasal ang kanyang kapatid kay Venice. Naging magaan naman ang loob niya dito, hindi nga lang niya ito tinatawag na 'Ate' dahil magka-edad lang sila nito. Dalawang taon ang tanda sa kanila ni Zhenrei. May panahon na si Venice ang naging dahilan ng pag-aaway nila ng girlfriend na si Krizza, pero ipinagtatanggol niya pa rin ang sister-in-law. Inosente naman talaga ito, nagseselos kasi si Krizza dahil close sila ni Venice kahit na sinabi na niyang kasal na ang kanyang kuya dito. Madali naman kasing makagaanan ng loob ang sister-in-law niya. Siya pa nga ang nakaisip ng pangalan ng anak ng mag-asawa na tinawag na "REIVEN", pinaghalong Zhen"Rei" at "Ven"ice. Napapangiti na lang siya habang naaalala ang mga sinabi nito. '27 na tayo, Zhel...I think it's time for you to find your wife at lumagay sa tahimik. Hindi tayo nabata. Sige ka, kapag ikaw naubusan.' Tinawanan lang niya ang sinabi nito ng mabalitaan na break na sila ni Krizza.
"Ahhhh!!! Ang gwapo-gwapo talaga ni Nicko!!!" nagtititili na naman sa kanyang kuwarto si Selene Cortez, 27 years old at matagal nang naghahanap ng trabaho. Nagtapos ng kursong Accountancy, nakailang trabaho na rin siyang napasukan ngunit lagi siyang napapatalsik dahil lagi siyang nakikipag-away sa mga financial manager.
"Hay nako, anak! Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang bumili ng magazine at pagpantasyahan iyang 'Nito' mo?!" sigaw ng kanyang ina.
"'Nay! Nicko po! Ni-cko!! Hindi 'Nito'! eh ang gwapo naman talaga niya dito sa SOCIETY, eh! Kasama pa niya si Eris Dela Cuesta! Hay! Ang swerte naman ni Eris!" ungot niya sa ina.
"Hay naku, anak! Huwag kang maiinggit diyan! Basta maghanap ka ng trabaho at makikita mo, matutupad ang pangarap mo. At magkakaroon ka ng pagkakataong makilala yang si 'Nicko' mo."
"Tama ka, 'nay! Balang araw aangat din tayo! Yayaman tayo! At makikilala ko si Nicko! Makakasalamuha ko ang pinakamayayaman at pinakatinitingala sa industriya! Kabilang na si Eris Dela Cuesta!" sabay yakap niya sa magazine na may litrato ng crush niyang si Nicko.
"Hey, bro! What's up?!" ang top male model ngayon ng SOCIETY na si Nicko Robert Monteverde ang nagsalita. Kabababa lang ni Zhelden mula sa luxury at ang pinakamamahal niyang kotse nang salubungin siya ng Best Friend. Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi ng Audi v6 ni Nicko.
"I have a favor to ask," saad niya.
"Ah... Kaya ka pala dumaan. What is it?" ngiting-tanong nito.
"Watch my car for me. Pupunta akong Batangas."
"Batangas? Bakit naman? The last time you made me watch your car you said only for 2 days, but then it took 1 week, my dear best friend."
"Sorry, 'tol. 3 weeks akong mawawala, please? Kaya mo bang tiisin ang best friend mo?" pagpapacute na wika niya dito.
"Bakit hindi sa bahay niyo mo ipahabilin?"
"No one will took care of it there. Kuya and Venice has their own house. At si Zhaijin naman hindi ko maaasahan yun! Mamaya pag-uwi ko panay gasgas na yang dear ko." Maktol niya sa best friend. "Please? Best Friend?" pagpapacute ulit niya rito.
BINABASA MO ANG
F.C.S
ChickLitmy original series! hehe. sana basahin nyo at magustuhan! pinaghirapan ko yan! :)