Fabulous Clan series4 REIVEN

354 12 0
                                    

Fabulous Clan Series 4:

reiven

"Mauna na ako, Ma'. Pasabi na lang kay dad, umalis na ako." wika ni Reiven sa kanyang ina na si Venice.

"Okay, honey. Take care." Malambing na sabi naman ni Venice. Si Reiven Von El Reich, ang panganay na anak nina Zhenrei at Venice. Gwapo, matalino, maabilidad, mayaman at higit sa lahat malakas ang karisma. Dalawampu't-dalawang taon na ang nakakalipas at marami ng nangyari. Nagsilaki na ang mga anak nila, may future na naghihintay. Lahat sila ay may happy ending na, pero hindi pa rin pala nagtatapos ang kwento dahil may mga heir pa sila. Sina Reiven, Daniel at Wilson. Tama. Surprisingly, pare-parehong lalaki ang naging anak nila. Pero sina Venice at Zhenrei ay nagkaroon ng isa pang anak, si Reinice. Ang tanging babae sa magpipinsan. Ang laging napagtitripan ng tatlong lalake simula nung bata pa man sila. Pero ito rin ang nagmistulan nilang Muse at Prinsesa. Si Reiven na kapatid nito ang laging pasimuno sa pagpapaiyak dito. Si Daniel naman na anak nina Zhelden at Selene ay nakikisali sa pangungulit sa babae. Si Wilson naman na pinakamabait sa tatlo na anak nina Nicko at Zhaijin ang kadalasang tagapagtanggol at kakampi ni Reinice. Pero minsan ay nakikisali din na pagkatuwaan ang dalaga. Ngayong 25 years old na si Reiven na siyang pinakamatanda ay paminsan na lamang silang magkulitan. Ito na kasi ang naging CEO at Presidente ng SOCIETY at Von El Reich Hotel simula ng ipasa na ni Zhenrei dahil gusto nitong sanayin na ang anak, sooner or later ay aalis na ito sa mundo. Si Daniel naman sa edad na 24 ay namamahala na rin ng kumpanya ng pamilya ang iniwan siyempre ng ama nito, ang MAJESTY. Samantalang si Wilson naman sa edad na 23 ay nagtetrain sa ilalim ng FAB. Ito na ang susunod na magmamana ng Restaurant ng pamilya at siyempre ng JEWEL, ang Resort na pagmamamay-ari ng kanyang amang si Nicko. Samantalang ang pinakabata at nag-iisang babae na si Rein ay nagtatrabaho sa ilalim ni Reiven. Mas matanda lamang si Wilson ng limang buwan dito kaya madalas na ang dalawa ang magkasundo. Sa edad na 23 ay pinaghahandaan na rin nito ang pagsalo sa kumpanya. Isahang taon lamang ang mga pagitan nilang magpipinsan. Bago pa mamatay ang lolo nila ay naabutan naman iyon ng mga ito. Dalawang buwan matapos magdebut ni Rein ay namatay na si Don Francisco Von El Reich. At apat na buwan matapos naman mag 21 ni Wilson ay namatay naman si Don Roberto Monteverde.

"May nakuha ka na bang bagong sekretarya, Tanya?" tanong agad ni Reiven kay Tanya na sekretarya ng SOCIETY sa kabilang linya. Pagdating niya sa opisina sa hotel ay tinawagan niya agad ito upang malaman kung mayroon ng bagong sekretarya. "Wala pa po, Sir Reiven. Bakit hindi na lang si Ms. Rein ang kuhanin niyo?"

"She can't be my secretary. She'll mess up. Kaya nga tinetrain ko siya, di ba?"

"Sabi ko nga po, eh. Eh, sige na po sir, kailangan na ako ng Vice President."

"Okay. Call me kapag nakahanap ka na. Or ipadala mo agad siya dito."

"Yes, sir. Areglado." Sabay nilang pinindot ang end button. Sa ngayon ay ito lang ang napagkakatiwalaan niya. Ang sarili niyang kapatid ay hindi pa niya lubos na sigurado kung makakaya ang pressure, kaya tinetrain niya ito ng husto. Ayaw rin naman niyang pagtrabahuin ang kapatid ng maaga. Hangga't kaya pa niya ay siya na lang muna. Kahit naman lagi nila itong pinagkakaisahan noong mga bata pa sila ay mahal niya ito. Ito kasi ang nag-iisang babae sa kanilang apat. Noon ngang nasa elementary pa sila, noong may gustong manakit dito dahil daw nanampal ito ng lalaki at reresbakan ng mga kabarkada ay hinarang nilang tatlo. Kahit na pito ang kaaway ay hindi nila hinayaang makalapit miski isa kay Rein. Walang pwedeng manakit sa kanyang kapatid. Kahit noong tumuntong sila sa highschool at may mga nagtatangkang sumuyo sa kapatid ay hinarang rin niya iyon. Tuloy, lagi niyang binabantayan ito. Pero hindi talaga ito tinigilan ng mga lalaki. Ang ginawa nila, tuwing papasok sa school, recess, lunch at dismissal magkakasama silang apat. Kahit nacoconscious na si Rein dahil puro mga lalaki ang kasama niya pero nagmamalaki din dahil mga gwapo naman. Hindi nila iniiwang mag-isa ito. Hindi nila hahayaang may manakit sa dalaga. "Huh. Memories. Kung hindi ako strikto baka spoiled din si Rein katulad ni Tita Zhai." Napabuntong hininga na lamang siya sa isipin.

F.C.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon