The Seven
"Sge na anak! Tumakas kana!"( Nakikita ko ang aking sarili na nakatayo sa tabi ng isang babae. )
"Mama" sabi ko habang pinagmamasdan si mama na umiiyak. ( Nakita kong tumakbo ang babae papunta sa gubat. ) Teka, ako ba iyon? Nalilitong tanong ko sa akin sarili. Then dun ko narealize ang pagkakamali ko, dahil nung oras na umalis ako ay oras din ng pagwasak ng parang barrier na nakabalot sa bahay."Teka! Wag kang umalis, Boba!! Bumalika ka uy!" Sigaw ko sa babaeng tumakbo sa gubat. Well, ako naman parin yun eh. Pumasok ang mga lalaking naka-hood sa bahay at iginapos si mama.
"Hoy! Wag na wag niyong sasaktan ang mama ko!" Sigaw ko sa kanila. Pero tila wala silang naririnig. Bat di nila ako naririnig? Nananaginip ba ako? Nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Ang lakas ng imagination ko ha!.
"Nasaan siya?" Tanong ng isang lalaki na parang leader nila kay mama. Marka ba yang nasa kamay niya? Napansin ko ang isang maitim na marka sa kamay ng parang leader nila.
"Hinding hindi ko sasabihin" pagmamatigas ni mama. "Ma! Andito ako!" Sigaw ko.
Tinitigan ng lalaki si mama. Tila nanghina si mama pagkatapos ng ilang segundo. "Wag niyong sakatan ang mama ko!" Sigaw ko sa kanila. Nawalan ng malay si mama, naging mas kinabahan ako sa mga nangyayari. Pero di ako maka alis sa kinatatayuan ko. Tila lumalayo nang lumalayo ang paningin ko kay mama. "WAG!! MAMA!! MAMA!!"
-----
"Mama!" Sigaw ko. Natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo na sa kama. Ay panaginip lang pala?
At may biglang kumatok sa pintuan. "Miss Jina?! May problema ba jan?!" Sigaw ni manang fe mula sa labas ng kwarto. Dali dali akong bumangon at pinagbuksan ng pinto si manang. "Ok ka lang ba miss Jina?" Alalang tanong nito.
"Ok lang po ako, isang. Isang masamang panaginip lang po. Yun lang" pagpapaliwanag ko sa kanya. Bat ganon nalang maka react si manang? Ang O.A masyado.
"Salamat naman, akala ko kung ano na ang nangyayari sayo sa loob at sumigaw ka ng ganoon" nakahinga ito ng maluwag. Napansin kong may bagay itong hawak sa kanyang likuran. Ano ba yang dala dala niya sa likod?
"Ano po ba yang dala ninyo sa likod?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang box na dala dala niya.
"Ah ito ba? Ipinabibigay ito ni Principal Walter sayo, sabi niya yan daw ang susuotin mo sa araw na ito" sabi niya. Ibinigay niya ito saakin bago tumalikod. "Oh at Miss Jina?" Lumingon ako sa kanya. "Sana wag kang mabibigla sa mga magaganap at isang malaking good luck mula sa akin." Sabi niya. Binigayan ako nito ng isang malaking smile. Sinara niya ang pinto at iniwan nanaman akong mag isa.
"Ano naman siguro ang laman nito?" Tanong ko sa aking sarili. Binuksan ko ang box at nilabas ang isang uniporme. "Uniform ba ito ng Academy?" Tiningnan ko ng maayos ang damit. Hmm infairness sa tela nila ha, maganda.
Inilagay ko ito sa kama at tumungo sa banyo. Anganda pala ng banyo nila dito. Dali dali akong naligo at lumabas ng banyo. Sa paglabas ko nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa kama.
"AHHHHH!!! MANYAK!!" sigaw ko. At tinapunan ito ng suklay. Napansin kong pumula ang mukha ng lalaking nasa harapan ko.
"S-so-sorry" sabi niya na para bang kinakabahan. "I-ipinapapabigay ni Principal Walter." Iniwan niya ang isang kahon at mabilis na umalis sa kwarto. Kaya nga may pinto diba?!
BINABASA MO ANG
The Academy: Fierie Alquademie
FantasyA Girl named Jina who just turned 18 didn't expect na magbabago ang lahat sa isang iglap, she was being forced to enter a world. A world she would never thought exist. Feeling niya lahat nalang ay iniwan niya. Her Mother and her Bestfriend. Sadness...