The Deity Summoner
Isang babae ang lumitaw sa harapan ko.
"Tinawag niyo ba ako?" Tanong nito saakin.
"Si-sino ka?" Tanong ko sa kanya.
"Evergreen. Goddess of nature" sabi niya. Ha? Di ko maintindihan.
-----
Napansin kong umiilaw ang amulet na bigay ni mama sakin. A-ano ito? Biglang bumalik ang pansin ko kay Evergreen nang muling magsalita ito.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong nito saakin. Teka. Di ko nga alam kung san ka nanggaling eh. Napansin kong napaatras ang mga kalaban. Huh? Takot sila? Tumingin ako sa iba pa naking mga kasama. Napansin kong nabigla din sila. Well. Siguro di rin masama pag subukan ko ano?
"U-uhmm ano. Talunin mo sila?" sabi ko sa kanya. Di ko talaga alam ang nangyayari eh so di ako sigurado.
"Masusunod" sabi nito. Ano bang kaya niyang gawin? I mean except sa pag lutang lutang niya ha. Umilaw ang mata ni Evergreen. Biglang nagsigalawan ang mga puno papunta direksyon ng mga kalaban na parang may sari sarili itong buhay. A-anong magic ito?
----------
Napanganga ako sa nakikita. A-ang lakas. Kahit ang dispell ni Margarette di tumatalab sa kanya. Nakita ko ang pagkabigla sa mata ni Margarette. Di ito makapaniwala. Pero mukhang ang pagkabigla ni Margarette ay napalitan ng Galit. M-mukhang problema ito ah.
"Guys! Tumakas na tayo!" Sigaw ni Jaeve.
Hinila ni Gale ang kamay ko. "Tara na Jina" sabi ni Gale.
Bumalik ang tingin ko kay Evergreen. "Pano siya?" Tanong ko habang pinagmamasdan si Evergreen.
"Di ko alam. Basta kailangan ka naming mailayo!" Sabi niya na parang naluluha. G-Gale.
Tinitigan ko si Gale. B-bakit? At bigla ako nito hinila ulit at tumakbo. Di na ako nakapalag pa. Nilingon ko si Evergreen sa huling pagkakataon. Tila naguguluhan parin ako sa pagkatao nito.
-----
Tumatakbo kami papuntang sa Academy. Tumatakbo ako na parang shunga. Alam nyo yun? Yung tipong tumatakbo habang nag-iisip? Yung parang wala sa sarili? Yun yun.
Bigla akong natauhan nang natapilok ako. Eh? *boogsh! A-aray. Ansaket nun ah! Para akong lampang bata ngayon na nakikipag halikan sa lupa. Hayshh. Narinig ko ang pagtigil ng mga kasama ko sa pagtakbo.
"Lampa" isang cold na boses ang narinig ko. Teka. Parang kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun ah. Wag mong sabihin.... "Lampa nga talaga" sabi nito. Jace?!! Nagkatitigan pa kami ng ilang sandali. "Oh. Wla ka ba planong tumayo jan?" Sabi nito. Bastos netu. Di man lang ako tatanongin kung ok lng ako?! Nagrereflect nga talaga ang boses mo ugali mo! Pwe. Di ito ang oras para makipag away ako sayo. Kailangan nating maka--. Bigla akong natigilan.
Plano ko sanang tumayo nang bigla akong nakaramdam ng pananakit sa aking binti. A-aray. B-bat namamaga ito? Nabigla ako ng bigla akong binuhat ni Jace. Di ko talaga inexpect ang nangyari o kahit man lang napredict. Bigla akong nakaramdam ng pagkainit sa aking mukha. A-ano to? Pilit kong tinatago ang mukha ko. "U-umm A-ano--" plano ko pa sanang magsalita ng bigla ako nitong pinatahimik.
BINABASA MO ANG
The Academy: Fierie Alquademie
FantasyA Girl named Jina who just turned 18 didn't expect na magbabago ang lahat sa isang iglap, she was being forced to enter a world. A world she would never thought exist. Feeling niya lahat nalang ay iniwan niya. Her Mother and her Bestfriend. Sadness...