Chapter 7

31 2 0
                                    

Training

"Jina? Jina?" Isang boses ang narinig ko habang natutulog.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. "Gale?" At nadatnan si Gale at ang iba pang School Officers. "Anong ginagawa nyo dito?"

"Gusto lang naming kamustahin ka kung ok lang ang lagay mo." Sagot ni Gale. "Di namin alam kung anong nangyari sayo nung nahimatay ka" sabi niya. "Akala namin kung ano nang nangyari sayo."

"Ok na ako. Kaya wag na kayong mag alala" sabi ko sa kanila. Napansin kong patay titig nanaman si Jace. Ayan nanaman siya. Habit niya ba talaga ang titigan ang isang tao at biglang iiwas?

Nagpalabas si Gale ng isang malakas na hininga, nagsasabi na para bang 'Salamat naman'. "Mabuti naman at ok ka na" sabi ni Gale.

"Gale mauna na muna kami. Kailangan pa naming habulin ang first class para balanced ang training time mamaya" sabi ni Jaeve. "At Jina" dag dag niya. Ninignan ko si Jaeve. Hinihintay na magsalita ito. Ngumiti ito at nagsalita. "Magpagaling ka ha" naramdaman ko ang paginit ng aking pisngi.

"Oh sige susunod ako mamaya" sabi ni Gale. At tuluyan nang nagsialisan ang mga nilalang na iyon. "Siguro kailangan mo nang bumalik sa kwarto mo" sabi nito sakin. "Nurse? Pwede na ba siyang ilabas dito?" Tanong ni Gale kay miss Marie.

"Oo naman. Dapat nga kagabi pa siya nailabas eh" sagot niya.

Inalalayan ako ni Gale na tumayo. "Tara na" sabi nito.

Lumingon ako kay miss Marie. "Salamat" sabi ko. At ngumiti lang ito.

------------

Nakaabot na kami ni Gale sa kwarto. Humiga kami sa kama. At tumingin sa kisame.

"Uhm Gale?"

"Hmm? Bakit?"

"Bat ako hinahabol ng mga tao na yun?"

"Sino?" Umupo ito at tumingin saakin.

"Yung mga tao kahapon. Bat nila ako hinahabol?"

Bumalik ito sa paghiga sa kama at tumitig ulit sa kisame. "Di ko alam" sagot niya. "Pero di ka namin pwedeng isuko lang ng basta basta." Dag dag pa niya.

"Gale" tinignan ko si Gale na may kasang ngiti.

"Ah! Alam ko na!" Sigaw nito na parang naeexcite. "Wut if sumabay ka sa amin sa pag training? Nang sa ganon ay kaya mong ipagtanggol ang sarili mo kung wala kami sa tabi mo." Sabi niya na may halong ngiti.

Totoong naexcite din ako sa plano niya pero. "Pero. Wala akong kapangyarihan" sabi ko sa kanya na may halong disappointment.

Tinignan ako ni Gale na parang nagtataka. "Di mo maalala ang nangyari kahapon?" Tanong niya. Huh? Bakit? May ano? Tinignan ko ang amulet na binigay ni mama saakin. "Oh syah. Wag mo nang problemahin yun. Ka gagaling mo lang. Tuturuan nalang kita ng physical combats." Sabi niya. "Ano? Sama ka?"

"Sige" sagot ko sa kanya.

Tumayo si at tumakbo papuntang pintoan. "Magkita tayo mamaya sa Field mga 4 pm."  binuksan ang pinto sabay sigaw "BYEEEE!!"

"Saan namn papunta yun?"

Lumipas ang ilang oras na nakatunganga ako sa kisame. "Sa wakas lunch time na" lumabas ako ng kwarto at pumunta sa dining hall.

Pagdating ko sa dining hall nakasalubong ko ang kambal. "Oh Jina papunta kang dining hall?" Tanong ni Claire.

"Uhm Oo"

"Tara sabay na tayo" yaya ni Veign. Wala na akong nagawa kundi sumabay sa kanila. Pumasok kami sa dining hall at pumunta sa isang bakanteng table. "Hay, buti naman at nabasa nila ang nakasulat." Huh? Nakasulat? Saan? Tinignan ang isang sulok ng table na may nakalagay na 'SIGE! SUBUKAN NIYONG UPUAN ITO! MATITIKMAN NIYO TALAGA ANG BAGSIK KO!' A-ah k-kaya pala hehe.

The Academy: Fierie AlquademieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon