Chapter 1 - Shanon's POV

488 11 2
                                    

Ayokong umalis sa lugar namin, kung saan ako lumaki simula noong ipinanganak ako. O kahit man iwan ang paaralan ko, mga kaklase , ang mga kapitbahay, at ang pinakaimportante....

Ay ang best friend kong si Shawn. O diba , bagay ang mga pangalan namin?? 

Shanon at Shawn.

or in short...

Shan at Shawn.

Magkaibigan na kami simula elementary pa.

Naaalala ko pa nga nung una kaming nagkakilala..

First day nung nasa grade 1 pa kami sa iisang klase.

Sa hindi sinasadya, nagka-untugan kami ng ulo habang inaabot ko ang lapis na nahulog sa sahig.

Hindi ko alam na inaabot rin pala niya ito.

Simula noon, naging close na kami. Sabay kung kumain ng lunch, mag-usap at habang lumipas ang panahon, naging mag-best friends.

Para siyang isang kuya. Kuya na masasandalan ko kapag may problema, kuya na handang labanan ako pag nasangkot sa isang gulo, isang kuya na parating nasa tabi ko, ang kuya na minahal ako bilang ako........at least bilang little sister.  

Ang hindi niya alam....Minahal ko na siya simula nung araw na nagkakilala kami ; na ikinalulungkot ko dahil sa tingin ko, hanggang kapatid lang ang tingin niya sa akin.

Grade 6. 

Sa kabila ng lahat nang iyon, nagbago lahat. Hanggang mag-5 years, magkasama pa rin kami. Ang tagal na no? Pero mag-iiba na ngayon.

Aalis ako.

Lalayo.

Lalayo malayo sa kanya, na parang ibang mundo ang papasukan ko.

Pero ang pagmamahal ko sa kanya....buhay na buhay pa rin sa puso ko at ayaw ko siyang iwan.

Masakit eh. 

Nakapag-desisyon kaming tumawag sa isa't-isa kahit dalawang beses lang sa isang linggo at magpapadala ng sulat o e-mail kung may oras. Maliban lang..dahil hindi na kagaya ng dati...hindi na namin makikita ang isa't-isa maliban lang din sa pictures, hindi na namin magagawa yung mga ginagawa namin noon.

Hindi na namin kayang maging andyan para sa isa't-isa kada oras, minuto, segundo..

At dagdag pa, dalawang kontinente ang layo namin sa isa't-isa. Haaaay.

Gusto kong magtapat sa nararamdaman ko sa kanya.

Bukas....

Bukas ako magatatapat.

Wala naman sigurong masama diba?

Gusto kong malaman niya ang nararamdaman ko bago paman ako umalis..

Dear Shan....  [ Short Story - COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon