Chapter 5 [ I Love you...]

269 8 0
                                    

Dear Shan,

Kung natapos mo na to basahin, gusto ko, ikaw ang pupuno sa mga natitirang pahina. Miss na miss na kita Shan. I'm sorry sa panahon na tumatawag ka at wala ako para sagutin ang mga tawag mo. Naging busy talaga ako sa trabaho ko Shan. Oo, Shan, nagtrabaho ako para masorpresa kita at para makapunta dyan o di kaya tapusin ko ang pag-aaral ko dyan. Hindi na ako makapaghintay na makita ka. Sorry din kung umabot pa ng dalawang taon para maibigay ko sayo to. Hindi ko kasi alam kung ano ang bago niyong address diyan at kailangan ko pang hanapin ang mga kamag-anak mo para ibigay sa akin ang address niyo. At tungkol dun sa e-mail, sinubukan kong mag-email pabalik pero nasira pala ang computer namin ; kailangan ko na yung ipaayos agad para maka-email na ako sayo. I'm sorry Shan kung inakala mong wala na akong pakialam sayo, sorry. Hindi yun totoo. I really cared for you. Araw-araw kang nasa isip ko. Minahal na kita simula nung unang araw kung kailan tayo nagkakilala. Hindi ko lang nasabi sayo dahil....dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin at sa akala ko ding hanggang pagiging kapatid lang ang tingin mo sa akin. Mahal kita Shan...Mahal na mahal. At kaya kong isakripisyo ang lahat, makasama ka lang..

Nagmamahal,

Shawn





Nang mga oras na binasa ko ang sulat niya, nakarinig ako ng beep galing sa kanya. Nagulat ako.

Dahil sa gulat ko, nahulog ko ang libro at agad na tumakbo para tumawag ng nurse.

"Wag mo ko iwan please...Please...Hindi ko kakayanin to!!....Please....Mahal na mahal kita Shawn !!"

Umiyak ako nang umiyak. Nanginginig ako. Ayokong mawala siya . Ayokong iwan niya ako. Gusto ko, andito siya sa tabi ko , comforting me, at sinasabing lahat ng ito ay biro lang . 

Pero hindi yun biro.

Totoo.

Ang sakit. Ang sakit ng puso ko.

Di ko matanggap...na wala na siya.

Wala na si Shawn...

 My heart was torn into pieces.



Wala na siya....at eto ako, binubuhay ang mga pahina ng diary niya.

Pinunan ko na ang mga natitirang pahina nito.

Nagsimula pa nga ako ng panibago dahil di nagkasya ang lahat ng mga ala-ala ko sa kanya sa isang diary lang.

At habang buhay kong dadalhin ang mga ala-ala na yun..

Kung pano siya naging mabuting kaibigan. Kung pano niya ako sinamahan sa mga malulungkot na pagkakataon ng buhay ko. Kung pano niya ako minahal na dumating ang oras na ayaw ko nang bumitiw.  Hindi ko siya kakalimutan. Siya ang naging inspirasyon ko sa buhay ko. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan.  Di ko siya malilimutan. Mahal ko siya.

He's my best friend....My first heartbreak....My first love..

Dear Shan....  [ Short Story - COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon