Dumating na ang araw ng pag-alis ko.
Pero....di ko pa siya nakikita.
Sinubukan kong tawagin ang cell niya, pero walang sumasagot.
Sobrang nalungkot at nag-alala ako kung bakit nalimutan niya ang araw ng pag-alis ko.
Umalis ako sa bansa na "heartbroken".
Ang sakit sa loob na hindi ka maalala ng mahal mo. :(
Siguro, may magandang dahilan lang siya kung bakit di siya nakapunta.
* * * * * *
Isang taon na ang lumipas pero wala pa rin akong balita sa kanya.
Sinusubukan kong tawagan ang bahay nila once in a while pero ang parating sagot ng mama niya ay
"Ah wala siya dito hija, pero sasabihin ko nalang sa kanyang napatawag ka."
at nade-depress ako.
Minsan nga, naiisip ko na baka iniiwasan niya tawag ko...
Pero bakit naman?
Tutungtong na ako sa Grade 9. Wala pa ring akong natanggap na e-mail o sulat sa kanya .
Sa madaling salita, kahit ni isa, walang dumating na galing sa kanya simula nung umalis ako.
Sinasabi ko nalang sa sarili ko na "Okay lang yan Shan, busy lang talaga siya."
Pero nalilito pa rin ako.
Pano kung di talaga siya busy? Pano kung nakalimutan na niya ako?
Pano kung may girlfriend na siya at nagiging busy na para makipag-usap o sumulat pa sa akin?
Marami nang "what if's" sa isip ko.
Sinubukan ko na ring mag-email at sumulat sa kanya. Pero wala pa din akong natatanggap na reply.
Pano kung...lahat ng "What if's" ko ay nagkatotoo??
Siguro dapat akong maging masaya...dahil masaya na siya ngayon..
Pero, bakit di niya sinabi sa akin??
Kumirot ng bahagya ang puso ko...
BINABASA MO ANG
Dear Shan.... [ Short Story - COMPLETED ]
RomanceA diary, a letter, a book....A message.. from my first love..