Eto yung nakasulat...
Ngayon ang alis at ni Shanon. Naging malungkot ako nang malaman ko yun. Kaya di na ako pumunta sa airport dahil tagos sa puso makita ang mahal mo na umalis. Pero I realized na sana dapat ko nang sinabi na mahal ko na siya bago pa siya nakaalis...But it was too late. Mami-miss ko siya ng sobra. Ang lahat ng magagandang ala-ala namin, di ko yun makakalimutan. Kung pwede sana....sumama ako sa kanya. Mahal na mahal ko siya...
Tumulo ang mga luha ko. Hinangaan ko siya. Gumawa siya ng diary simula nung araw ng pag-alis ko.Ang mas nakalulungkot pa sakin, ay ang fact na minahal din niya ako. Tiningnan ko pa ang mga natitirang pahina at binasa ang huling pahina na sinulatan niya.
June 19, 200* - Saktong kaarawan ko to...
Hindi ako makapaghintay na mabasa ni Shan ang ginawa ko para sa kanya. Sana magustuhan niya ito....Miss na miss ko na siya.
Sana, andito siya sa tabi ko ngayon, niyayakap ako ng mahigpit at nagdadasal na hindi na siya lalayo pa s-
At naputol na dito. Eto yung araw....na naaksidente siya. Hindi ko kayang isipin ang nangyari sa kanya..Ang sakit.
Sinulyapan ko siya. Biglang tumulo ang mga luha ko.
Hinawakan ko ang mga kamay niya nang mahigpit.
"Wag mo ko iwan please??? Di ko pa kaya..." Humagulhol ako.
Ang sakit eh. Ang sakit sakit.
Sa mga oras nato, inisip ko na sana, di ko siya iniwan. Sana... sinamahan ko siya sa mga panahong nahihirapan siya. Tiningnan ko pa ang ibang pahina at blanko na ito.
Nung isasarado ko na sana ang libro, may biglang nahulog na sulat.
Binasa ko ang unang dalawang salita....
Dear Shan,
![](https://img.wattpad.com/cover/1549710-288-k113796.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Shan.... [ Short Story - COMPLETED ]
RomanceA diary, a letter, a book....A message.. from my first love..