Chapter 3

290 8 0
                                    

2 taon na ang nakalipas....pero...wala pa ring sign sa kanya.

Sinubukan kong mag-move on sa kanya. Sinubukan kong alisin siya sa isip ko. Sinubukan ko siyang kalimutan .

Pero, hindi eh. Hindi ko makalimutan ang katotohanang mahal ko siya. 

Lumipas ang isang linggo at nakatanggap ako ng sulat galing sa home address niya. 

Sa pag-aakalang galing sa kanya, agad ko itong binuksan.

At dahil sa sobrang sabik ko sa sulat niya, hindi ko na binasa ang ibang parts na sa tingin ko ay hindi importante. Sa kasamaang palad, importante pala ito.

Sinabi sa sulat na na-coma siya.  Sobrang nagulat at natakot ako na napatakbo ako para sabihin sa mga magulang ko na kunan ako ng ticket para makita ko si Shawn. 

Fortunately, pinayagan nila ako at pina-book sa latest na flight.

Pagkarating ko, agad akong dumiretso sa hospital kung nasan siya. Sobra na akong nag-aalala sa kanya. Pagpasok ko sa kwarto niya, tumulo ang mga luha ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko na may halong kirot. 

I felt sorry for him.  :(

Sa lahat ng oras na dumaan, siya ang pinapasahan ko na may kasalanan sa hindi pagpansin sa akin, habang siya , dito,  naka-diagnose. 

Nagkausap kami ng mama niya at sinabi kung ano ang nangyari.

Nag-assume siya na tumatawid si Shawn sa street habang nagsusulat sa isang libro tapos nahagip ng isang truck. Ang book....naka-address sa akin.. Walang title, at walang nakasulat sa cover. 

Binuksan ko ito at sinimulang basahin ang nasa unang pahina...

October 23, 200*

"Ito yung araw ng pag-alis ko." Sabi ko at sinimulan na ang pagbabasa...

Dear Shan....  [ Short Story - COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon