Chapter 4

8 0 0
                                        

CHAPTER 4

 

 

ANDREI PAULO POV

 

 

 

Ahh first of all magpapakila muna ako, ako nga pala si Andrei Paulo, kilala niyo ba si Mari Shane?? Kung oo taas ang kamay *kawai* (joke lang).

 

Pero kidding aside, may ipapabasa ako sa inyo secret lang natin to ha, wala pa kasing ibang nakakaalam nito kahit si Mari Shane hindi pa to nababasa.

 

Baka maguluhan kayo itong kwento ko ay nung nag-aaral pa ako.

 

 

Dear diary,

 

 

 

Pano ko ba sasabihin to, si Mari Shane kasi classmate ko siya way back elementary.

 

Transferre kasi ako nun sa school nila, syempre wala pa akong kakilala that time kaya medyo ilag ako sa mga tao.

Pero meron akong nakita na nagpatigil ng mundo ko, as in literal na tumigil ang ikot nito.

 

Kakapasok niya galing sa gate ng school, isang babeng simple lang, masayahin, at makulit.

 

 Pero parang napahinto siya sa lugar niya, at mukhang sakin siya nakatingin. (oy wag tayo assuming walang gamut dun, pa epal lang saglit.. hahaha) oo na miss otor.

 

Pero seriously tumingin muna ako sa left at right ko dahil baka magkakamali nga lang ako at masyadong assuming pero ako lang naman ang tao dun.

 

Then nag smile siya sakin, to return the favour I smiled back, nung nag smile siya ewan ko kung bakit biglang tumibok ng mabilis yung puso ko, siguro kinakabahan lang ako. Kasi nga bagong lipat lang ako sa school na to.

 

Hindi ko na lang pinansin yung kumakabog sa dibdib ko.

 

Kaya lang bigla siyang nawala siguro nag punta na siya sa classroom nila.

 

Nung hindi ko na siya nakita, nagpunta na lang ako sa classroom na naka assign sa amin, to my surprise magkaklase pala kami.

 

Ang saya ko lang sobra kasi nagkaklase kami tapos kung sinuswerte ka nga naman naging magkatabi pa kami ng upuan.

 

Naging friends kami, pero dumating yung time na kaylangan niyang ilipat sa ibang section kasi parang nagkamali lang ata sila ng sectioning.

 

Ewan ko ba dito sa school na to.

 

Ang daming arte, bakit kailangan pang lumipat ni shane, syempre nalungkot ako kasi siya lang yung friend ko ditto sa section naming tapos nilipat pa, ang lungkot lang talaga.

 

After niya nakalipat ng ibang section, parang hindi na kami gaya nung dati, although nag smile pa rin siya sakin every time na nagkakasalubong kami sa hallway.

Destiny's MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon