1: Di ko matandaan!

45 1 0
                                    

Lawrence's POV

Haaaaay! Napaka ganda ng gising ko kaninang umaga sisirain lang ng magandang babaeng di daw matandaan ang nakaraan nya!

Pasalamat sya gwapo ako't matulungin!

Kelangan ko pa bang magpakilala?

Ako si Lawrence Marciano. Single. Gwapo. Mabait.

Di naman sa nag mamayabang ako pero look alike ko daw yung kris ba yun? Yung member daw nung kpop group na exo? Tsk kuko ko nga lang yun e!

So yun nga may nakita akong babae kanina nung lumabas ako sa bakuran namin. At walangya! Di daw nya maalala kung anong nangyare!

"Lawrence? Umm pwede bang ikaw na muna magbigay ng pangalan ko habang di pa ko makaalala?"

"nakng! Ano ako nanay mo para magpangalan sayo? Ayos ka rin eno"

"Sige na! ang damot mo! Parang pangalan lang ayaw mo pa ibigay!"

"ayos ah! Tinulungan na nga kita tas ako pa mag iisip? Sige eto nalang pangalan mo hmmm.." nilagay ko ang kamay ko sa baba ko na parang nag iisip.

"tagal mo mag isip psh" sabi nya. Aba ako na nga nag iisip sya pa nainip!

"Coleen nalang pangalan mo" pag susuhestiyon ko

"Coleen? Sige sige. Coleen muna ang pangalan ko pansamantala" sabi nya sabay ngiti

Bakit parang bumilis tibok ng puso ko? Nakaka bilis pala ng tibok ng puso ang ngiti?

*beep*

Nadistract ako nung may nagtext sakin.

From: My Destiny <3

GoodMorning~

Whaaaaa nagtext pala crush ko/destiny ko!

"sino si my destiny? Ang bakla ah may heart heart ka pang nalalaman tss" bakla my ass. Di ko namalayang nasa tabi ko na pala sya.

"hoy sa gwapo kong to bakla ako?! Atsaka crush ko yung nagtext! Panira ka eno!"

"karamihan po kasi ng gwapo ngayon gwapo na rin ang hanap. Tsaka malay ko ba kung lalaki yung my destiny mo? Tsaka nagkakaron ka pa pala ng crush?"

Pang asar talaga tong babaeng to!

"buti nga nung nakita kita sa bakuran naming napagkamalan kitang babae e. kung hindi tsk tsk kawawa ka"

"edi dapat di mo na ako tinulungan. Hinayaan mo nalang ako dapat dun. Haaaaay coleen kawawa ka naman. Nawalan na nga ng alaala kinakawawa ka pa ng lalaking feeling gwapo na hanap ay gwapo tsk tsk" pag sisimyento pa nya

"tigilan mo nga ako! Kumain ka na dun sa kusina at matutulog ulit ako! Hugasan mo yang pinagkainan mo ah pagtapos!" umakyat na ako sa kwarto ko. Bakit ko ba kasi tinulungan tong babaeng to e! tsk

***

Bandang alas dose ng tanghali ako nagising. Tagal ko rin palang natulog -____-

Hmmmm ang bango ah. Ano naman kaya ang niluluto nung babaeng yun sa kusina?

Kaya bumaba na ako para kumain.

Pagkababa ko sa kusina, nakita ko si coleen na nagluluto ng kung anoman dun sa harap ng stove.

"hoy ano yang niluluto mo? Ayos! May instant chef ako dahil sa pag kupkop sayo ah!"

"wow ha ako pa ginawa mong katulong! E kung ginagawa kong katulong yung my destiny chu chu mo?! Oh tapos na to. Umupo kana dun at kakain na tayo!" sabe nya habang tinatanggal sa kawali yung niluto nyang ulam

I'm your destiny [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon