3: Yui?

16 0 0
                                    

Lawrence's POV

(Eto po yung scene na may kausap si Lawrence sa phone habang nagbebreakfast sila ni Coleen)

"Hello po?"

"Lawrence hijo! we have a great news for you." Si tita yami pala ang tumawag.

"Ano po yun?"

"We already had Yui back. we're here sa hospital to check if she's fine. I know you missed Yui so much that's why we called you as early as this time. you might wanna know what happened to her all these years. we're just here sa hospital. I'll just send you the address hijo. so yun lang. have a safe trip on your way here! bye."

Ano?! nakabalik na si Yui?

Kaya ng mai-send na ni tita yung address dali dali akong umalis ng bahay kahit di na ako nag paalam kay Coleen. I know it's rude pero this is important.

Sinalubong agad ako ni tita pagkadating ko sa hospital na sinasabi nya.

"Hijo! it's good to see you again! how's your independent life?" tanong ni tita pagkatapos kong magbeso sa kanya.

"Ok naman po tita. actually, may nakikitira nga po ng pansamantala dun sa bahay. she lost her memories po kasi kaya dun ko na lang po muna pinatira."

"Wait, she? it's a girl? and you're both alone in the house? oh my gosh! paano na ang baby Yui ko pag nabuntis mo sya?"

What the?!

"Tita we're not doing anything! she's like a maid. she maintains the cleanliness of the house, tita. nothing more nothing less. tsaka di ko naman po nakakalimutan yung kasunduan nyo ng parents ko e."

"Good kala ko kasi nag back out ka na kay baby Yui ko e."

Si tita talaga over kung mag react. kung anong kasunduan yun? arranged marriage lang naman -______-

Feeling ko nga ibinugaw ako ng mga magulang ko nung nalaman ko yun. pero nung sinabi naman nila kung sino ang papakasalan ko, di na rin naman ako tumutol. since matagal ko na rin naman na gusto si Yui, wala na akong palag.

Nagustuhan ko lang naman si Nancy dahil sa pagkawala ni Yui e. si Nancy kasi yung palaging nanjan sa tabi ko nung mga panahon na nawala sya at finally, after 8 years, bumalik na sya.

"Uhh tita. how's her condition nga po pala?"

"I'm afraid but she can't remember some of the events bago sya nakidnap. she just knew my name, her father's name and yuri's name. she can't remember you and your parents."

Nakakalungkot naman isipin na sa walong taong pagkawala nya ay nakalimutan nya ako.

Nang makapasok kami sa kwarto ni Yui, di ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko parang ibang tao ang Yui na nakikita ko. natutulog sya nang pumasok kami.

"Sige hijo maiwan na muna kita ha. I need to go to the office para sa meeting eh."

"Sige po tita. ingat po kayo." at umalis na nga si tita.

Nanatili ako dun ng mga ilang oras pa hanggang sa dunating si Yuri, ang kuya ni Yui.

"Oh Lawrence andito ka pala. sige pwede ka na umuwi. anong oras na din naman. salamat sa pag bantay mo sa kapatid ko."

"Sige kuya Yuri. anong oras na nga pala?"

"It's almost 5 o'clock in the afternoon. why?"

Shoot! almost 5 na?

"Tagal ko rin pala dito. sige kuya baka naiinip na yung kasama ko sa bahay."

"May kasama ka na sa bahay? sino?"

"Si Coleen. yung babaeng nakita ko sa bakuran namin na may amnesia. ge kuya."

"Wow chicks ba yan? haha sige ingat sa daan."

At lumabas na ako sa kwarto ni Yui. ang adik talaga ni kuya. pati si Coleen. tsk playboy talaga.

***

nang makauwi ako at sinabi ni Coleen na tawagan ko daw si Nancy, ay umakyat na ako sa kwarto ko.

Dinial ko ang number ni Nancy and after ng ilang rings, sinagot na nya.

"H-hello?" sabi ni Nancy sa kabilang linya.

"Nancy? umiiyak ka ba?"

"H-ha? h-hindi ah. uhm yung final plans para sa activity tapos na ba?" Pag iiba nya ng topic.

"Yes everything's settled. But why is your voice like that? umiiyak ka ba? answer me honestly Nancy." sincere na sabi ko sa kanya. Pero di sya sumagot.

"Is it about jerich again? what did that jerk did to you?!" sabi ko pero wala pa din syang imik.

I can hear on the other line na nag sigh sya. then her next words left me dumbfounded.

"B-buntis a-ako"

Then the line went off.

***

Occupied masyado ang isip ko nung bumaba ako. ni hindi nga ako naka isip ng prank kay Coleen e.

"Oy ginagawa mo jan? kain na" sabi ko kay Coleen nang makita ko sya na nakatingin sa picture namin ni Yui nung bata pa kami.

"Wala. Tinitignan ko lang yung picture nyo. ang cute nyo kasi nung childhood friend mo together. kumain ka na jan tapos na ko kumain. Sige akyat na ko sa taas. tutulog na ko"

"Sige ingat pag akyat" sabi ko kaya napalingon sya sa akin.

"Kala ko ba aakyat ka na?" sabi ko nung lumingon sya sa akin.

"Sabi ko nga aakyat na e. sige goodnight" at umakyat na sya.

Problema nun?

I'm your destiny [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon