9: He'll make ligaw

9 0 0
                                    

Coleen's POV

Almost 2am na natapos ang movie marathon naming buong pamilya. Ayos lang na magpuyat dahil linggo naman bukas.

Buti na lang talaga at nai-divert ko ang atensyon ko sa mga pinanood namin. iniwasan ko munang isipin si Lawrence.

"Good mornight baby sis." sabi ni ate Gummi at saka nag kiss sa pisngi ko saka sya pumasok sa kwarto nya.

"Sweet dreams baby Coleen." sabi ni kuya Rain saka sya pumasok sa kwarto nya.

"Good night and sleep well bebe Yui." sabay na sabi nila kuya Sky at kuya Snow. muntik pa silang magtalo kaya inawat ko agad.

"Hep! good night din mga kuya kong pogi!" sabi ko saka pumasok na din sa kwarto ko.

Hay. halos lahat ng gamit sa loob ng kwarto ko ay galing kina Lawrence.

Umupo ako sa kama ko. napatingin ako sa frame na nasa bedside table. picture naming dalawa ni Lawrence yun habang nasa school kami. naka akbay sa akin yung right arm nya habang yung left hand naman nya ay naka hawak sa left hand ko at yung right arm ko naman ay naka hawak sa bewang nya. nakangiti kaming dalawa sa picture. parang masayang masaya kaming dalawa.

I miss him so much.

Parang nag flashback lahat ng nangyari sa aming dalawa. simula nung nakita nya ako sa bakuran nila. Yung asaran naming dalawa. yung pagkakilala ko kay Nancy. Yung pagpasok ko sa school nila. yung pinakilala nya ako bilang girlfriend nya. yung Lawreen couple na pauso ng mga classmate namin. yung first kiss naming dalawa na nasundan pa ng maraming kiss. nung nameet ko ang super kalog nyang mommy. nung nameet ko ang childhood bestfriend nya at nalaman na naka arrange marriage pala sila. parang kinurot yung puso ko nang maalala ko na naka arrange marriage sya kay Yui.

Sana ako nalang yung naka arrange marriage sa kanya. alam ko naman na ako yung mahal nya pero paano kung bumalik na ulit si Nancy? edi dalawa na kaagaw ko sa kanya?

Umiyak nalang ako ng umiyak sa kama ko hanggang sa nakatulog ako.

***

Nagising ako na puno ng muta ang mga mata. anong magagawa ko? e sa natulog ako habang umiiyak e.

Naghilamos ako at nagmumog saka pumunta sa room nila mommy at daddy.

Di na ako kumatok kasi bukas naman ang pinto.

"Good morning mommy and daddy." Sabi ko sabay higa sa pagitan nilang dalawa.

"Good morning din bunso."sabi ni mommy sabay halik sa pisngi ko.

"Good morning baby. what brings you here?" sabi naman ni daddy.

"Ah hehe. sorry po nadisturb ko po ata tulog nyo." i said apologetically.

"It's okay baby." sabi ni mommy.

"Uh pwede po ba na dun pa din ako mag aral sa school na pinag enrollan sakin ni Lawrence? pretty please mommy?" sabi ko with matching puppy eyes. mukha namang effective.

"What's with those puppy eyes? Okay sige since it is near our subdivision. you can continue your studies there. pero ayusin muna natin yung documents mo dun before you continue there."

"Yay! thanks mom and dad!" sabi ko sabay halik sa mga pisngi nila.

"Uy agang nandito ni baby ah!" sabi ni kuya Rain na kakapasok lang sa kwarto nila mommy. nakasunod naman sa kanya sila ate Gummi, kuya Snow at kuya Sky. Tinignan nila ako. oh shoot! birthday pala ni daddy!

"Happy birthday daddy!" Sabay sabay naming sabi.

"Dad oh, breakfast in bed." sabi ni ate Gummi. At pinasok ng mga maid ang pitong tray ng pagkain.

I'm your destiny [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon