8: Dominguez siblings

14 0 0
                                    

Coleen's POV

Di ako makapaniwala sa naging resulta ng DNA test.

Totoo ngang anak nila ako.

Masaya ako dahil sa wakas nakita ko na sila pero nalulungkot din ako dahil magkakahiwalay kami ni Lawrence.

Si Lawrence na lagi kong kasabay kumain. si Lawrence na kasama ko sa bahay. si Lawrence na kaasaran ko. si Lawrence na kasabay ko pag pasok. si Lawrence na nag alaga sa akin. si Lawrence na nag mamahal sa akin at mahal ko rin.

Mamimiss ko ang bahay nila. mamimiss ko ang mommy at daddy nya na tinuring ako na parang anak na rin nila.

Nandito kami sa labas ng kwarto ko. Ibinababa ni Daddy yung mga gamit ko papunta sa sasakyan. binigay kasi ng mommy ni Lawrence halos lahat ng nasa kwarto na pinagamit nila sa akin.

"Hija mag iingat ka palagi ah. kumain sa tamang oras. wag mong papagurin sarili mo. matulog ka palagi sa tamang oras. pag namimiss mo tong bahay namin, welcome na welcome kang bumalik. mamimiss kita future daughter in law ko." sabi nung mommy ni Lawrence habang umiiyak. ang sweet talaga ng mommy nya.

"Opo tita, I mean mama. gagawin ko po lahat ng habilin nyo sa akin. kayo rin po mag ingat din po palagi." sabi ko at niyakap ko sya.

Tinignan ko si Lawrence. naka ngiti sya pero makikita mo sa mga mata nya na malungkot sya. nilapitan ko sya.

"Uhh mommy can I talk to Lawrence for a while?" sabi ko kay mommy.

"Sure baby. take your time."

"Tara dun tayo sa kwarto mo mag usap. privacy." sabi ko sa kanya. busy naman si mommy sa pag aayos ng ilan ko pang mga gamit sa kwarto. yung mommy naman ni Lawrence pumasok na sa kwarto nila, umiiyak pa din.

Pagkapasok namin sa kwarto nya, niyakap nya agad ako ng mahigpit. umiiyak na naman sya.

"Wag ka na umiyak. di naman ako mamamatay or pupunta ng abroad e. still here in the Philippines yun nga lang, magkahiwalay na tayo ng bahay." naiyak na rin ako. ang sakit makita na umiiyak sya.

"Dito ka na lang tumira please?"

"Alam mong di pwede yun. after ilang years bago ulit kami nagkita kaya imposibleng payagan nila ako and also after that incident, baka di na nila ako payagan or kung payagan man, baka may bodyguards or whatsoever kaartehan." sabi ko kaya tumingin sa akin si Lawrence.

Di sya nagsasalita. parehas kaming umiiyak.

Unti unting lumapit ang mukha nya sa mukha ko saka ako hinalikan.

Parang sa halik na yun, nawala lahat ng alalahanin ko tungkol sa aming dalawa. we're not yet officially a couple. napagdesisyunan kasi ni Lawrence na ligawan ako doon sa bahay namin para may blessing galing kina mommy at daddy. pati na rin kina kuya at ate.

Nung medjo lumalalim na yung halikan namin, sya na mismo ang huminto.

"Nirerespeto pa rin kita kahit alam kong mahal mo ako. kahit na gusto kong ikaw ang una ko, di ko yun gagawin dahil mahal kita at bata pa tayo para dun." sabagay bata pa naman sya sa edad na 18 years old at ako bilang 17 years old.

"Coleen let's go! excited na sila ate Gummi mo na makabonding ka na ulit!" sigaw ni mommy galing sa sala ng bahay nila Lawrence kaya bumaba na kami.

Lumapit ang mommy ni Lawrence sa kanya at bumulong (kahit na rinig ko naman)

"Nak, naisurrender na ba?"

"Mom!"

Ang kulit talaga ng mommy nya.

I'm your destiny [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon