Elle's pov
Medyo malalim na ang gabi pero di parin humuhupa ang ulan. Baka bukas titigil na rin to. Tulog na rin kasi si ronald eh, tss! Yung asungot na maninilip na yun. Napairap tuloy ako sa kawalan kaso biglang kumidlat at kumulog ulit ng malakas kaya dali-dali akong nahiga sa tabi niya at yumakap akala ko nga magigising kasi gumalaw.
Biglang lumaki ang mga mata ko ng humarap siya sa'kin at yumakap. Pero tulog parin ang himbibg nga eh, mas lalo lang ata humimbing ang tulog niya dahil yumakap ako sa kanya 😑
Di ko namalayan napatitig na pala ako sa mukha niya.. Gwapo talaga , tssk! Maninilip nga lang. Pero tika bat ba ako naka ngiti? Haist, makatulog na nga lang.
Ronald's pov
Nagising ako ng dahil sa mga huni ng ibon. Dahan-dahan akong napamulat ng mata dahil parang may naka dagan na kong ano sa bandang tiyan ko nang imulat ko ang aking mga mata. Imbis na magulat ako ay napangiti na lamang ako binti pala ng babaeng nakayakap sa akin ang nakadantay sa bewang ko na mahimbing na natutulog sa aking mga bisig nakaulunan kasi siya sa braso ko at ang mas malala naka akap din pala ako sa kanya. Heaven mga dre! 😍
Putcha! Nakakabakla tuloy.
Hinay-hinay kong ginapang ang mga kamay ko papunta sa mga pisngi niya at banayad na hinaplos ito. Tssk! Wag kayong ano akala niyo kong anong ginapang ko. Ang haba ng pilik mata niya, matangos na ilong at mapupulang labi. Natetemp tuloy ako unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya at pinikit ang aking mga mata ng lumapat ang mga labi ko sa malambot niyang labi. Tumagal ng mga limang sigundo ang halik ko saka ako lumayo ng kunti.
Napapangiti tuloy ako nahalikan ko na nga tulog pa rin. Di tuloy nawala ang mga ngit sa mga labi ko. Ninakawan ko siya ng halik nang hindi niya nalalaman. Haha
Elle's pov
Unti-unti kong iminulat ang aking mga magagandang mata. Choss! Tapos bumungad sa'kin ang nakangiting niyang pagmumukha.
Ano naman ang nakakatawa? Shocks! Di ky may muta ako sa mata? Dali-dali kong chenek wala naman ah? Kaya mas lalong napangiti tong isang to?
Tinaasan ko siya ng kilay .
"Good morning " bati niya sa'kin ng nakangiti parin.
"Good morning din, anong nginingiti-ngiti mo dyan?"
"Wala naman, gusto mo yatang yakapin ako buong araw okay lang sa akin "
Taas babang kilay na aabi niya.
Ngayon ko lg napansin na nakayakap pala ako sa kanya.
Dali-dali akong napakalas at napalayo sa kanya. He's smiling like an idiot. This iba na talaga pakiramdam ko sa lalaking 'to nangiti mag-isa eh.
"Tss! Umuulan pa'rin. Paano na tayo makaka pagpatuloy niyan?"
"Dito muna tayo hanggang sa humupa ang ulan tsaka bumalik na lang tayo sa bayan mukahang delikado kapag nagpatuloy pa tayo"
"Eeeh! Sayang naman pero sa bagay tama ka"
"Uhm, nga pala. Bakit ayaw mong magpaligaw? "
Napatingin tuloy ako sa kanya. Bigla nalang kasi nag oopen ng topic to eh
"Hindi naman sa ayaw ko sadyang torpe lg talaga sila kaya di nila ako maligawan o kaya takot sila kay dad"
"Ganun ba? ako kaya pwede manligaw?"
"Huh? Ano yun , ang hina kasi ng pagkakasabi mo eh"
"Sabi ko wala" , sus ayaw lang sabihin eh
"Okay lang naman sa'kin maging matandang dalaga ako"
"Ano?"
"Yup ,okay lg kung walang manligaw at maging matandang dalaga ako ", ulit ko
"Tss! Di ka magiging matandang dalaga sisiguraduhin ko yan."
"At pano naman nasabi aber?, ah basta ok lang sa akin "
"Hindi ako makakapayag" , tutol niya sa sinabi ko
"At bakit naman hindi ka papayag desisyon mo ba yun? Sabing okay lang sa akin maging matanda----" di ko na tapos ang sinasabi ko.
He cut me off, He use his soft lips to make my mouth shut from what I'm saying. My eye's widened. And shock! Oh my gosh! He's kissing me passionately. At aaminin ko parang nadadala ako sa halik niya.
Pero tika...
Naitulak ko siya nang malakas, my goodness gracious! My first kiss.
"Sorry" tanging saad niya
"Waaaaaah, first kiss ko. Walang hiya ka bakit mo ko hinalikan?"
"Para tumigil kana sa kakasabi mo na maging matandang dalaga ka"
"Pero di mo dapat ako hinalikan "namumula na'rin ang pisngi ko for sure kasi ang init nang magkabilang pisngi ko eh
"So,ngayon alam mo na. Na hindi ka magiging matandang dalaga. At isang sabi pa nun hahalikan ulit kita, first kiss huh", may pagbabanta at yong sinabi kong first kiss parang wala lg sa kanya
Napatakip ako ng bibig ko dahil baka tutuhanin niyang halikan ako ulit pag nagkamali ako ng sabi..
"Pero, kasi first kiss ko yun ninakaw mo." Saka ko siya hinampas
"Tss, sorry na nga diba", saad niya. Pero bakit parang natatawa siya na iwan? Tss.
Baliw na siguro to. Sinamaan ko siya nang tingin at inirapan. Ang awkward talaga ng atmosphere. Tumalikod ako sa kanya.
Nakakahiya talaga!
"Hey, kumain na tayo"
Pero di ko siya pinansin. Kumain na lang ako ng tahimik. Tss! Naiilang kasi ako. nag bblush ako tuwing maalala ko yong ugh! Erase! Erase! Kalma lg elle.
***
Hanggang sa nakabalik na ulit kami ng villa pero di ko parin siya pinapansin kahit kinukulit na niya ako di ko pa'rin siya talaga pinapansin kasi ang awkward talaga at nahihiya ako. Enebe!
"Hoy! "
"Ay, hoy ka rin" napalundag ako dahil sa pagkagulat.
"Nako maam ha, tulaley ka dyan mag-isa siguro iniisip mo si sir no?" Saad ni jen isa sa mga naglilingkod dito sa villa.
"Hindi ah, bakit ko naman iisipin yon? "Tanong ko
"Aba! Malay ko. May something kayo ni sir tisoy no?oyy! ",sinundot sundot pa niya ang tagiliran ko. Biglang uminit yong magkabilang pisngi ko naalala ko na naman kasi yung.
"Oyyy! Si maam na mumula, yiiiieeeee! "
"Tse wala ano walang something sa'min, lahat na wala",
"Haha, deny to the max pa si maam.. ayon oh" napanguso siya bandang likuran ko pag harap ko andiyan pala siya nakatayo.
"Speaking of tisoy maam, hihi. Bye po maglilinis lang po ako sa taas" tapos umalis na siya pa parang kinikilig pa.
😑😑😑😑😑
"Hi! " bati niya
"Hi, din. " kahit nailang eh bumati narin ako pabalik
" you're not busy? " Tanong niya. Umiling lang ako " ano pa lang sadya mo rito? " takang tanong ko
"Joining you for dinner tonight ", nag wink pa siya sa'kin tssk.
BINABASA MO ANG
ISLA BERDE
General FictionPlease read and enjoy. thank you! ATTENTION: to all fellow readers, please don't expect to much, and I'm so sorry if I didn't reach your expectations in this story. This story may have some grammatical errors and mistakes (please correct me if I'...