Chapter: 20

5 0 0
                                    

Ronald's Pov

So it was giselle? Siya pala yun? Parang di ako makapaniwala parang may mali and she said she's pregnant kaya 2nd time ko na siya sinasamahan sa mga lakad niya.

Pero nong time na hinalikan ko bakit parang iba ang pakiramdam. Bakit wala sa kanya ang hinahanap ko?

"Lets go na? I'm hungry na kasi " di ko na lang siya kenuwistiyon tungkol sa sinabi niya na buntis siya I'll make my own way na lang para malaman ang totoo.

"Sure, where do you want to eat? "I asked.

Si elle nga ba yun at si tito? Ang nakita ko, Its been 2 weeks pero di parin ako na nakakabisita ng villa.

Kumain na lang kami sa isang sikat na resto dito sa mall. Medyo mapili pala siya sa mga kinakain niya maarte rin magkaibang magkaiba talaga sila ni elle.

After namin kumain hinatid ko na siya sa kanila. Then umalis na rin ako kaagad may importanteng lakad kasi ako. At yon ay ang babalik dun sa hospital sa kung saan nagpa checp up si giselle para malaman ko kung tugma ba ang lahat?

Nang makarating ako ng hospital dale dali akong pumasok at nag tanong kung available pa ba ang doctor na pinag check upan niya at sabi diyan pa naman daw sa loob kaya pinuntahan ko kaagad. 

Kaya nga di ako makapaniwala sa nalaman ko how could this happen na 8weeks pregnant na siya na kong di ako nagkakamali eh dapat almost 2weeks pa lang at mag 3weeks pa lang dapat?

Kaya iisa lang ang makakasagot sa tanong ko. Agad akong sumakay nang sasakyan ko at pinaharurot ito pabalik nang bahay nila giselle. Siya ang makakasagot nitong mga katanungan ko.O sadyang Linoko at pinaikot niya lang ako?

Pagka dating ko ng bahay nila dali dali akong bumaba ng sasakyan ko di naman ako sinita ng guard kaya tuloy lang ako sa pag pasok nasa main door na ako ng may marinig akong nagtatalo sa loob. Mali man ang makinig sa may usapan ng may usapan kaso di ko sinasadyang marinig ang usapan nila.

"Anak ko yang dinadala mo kaya ako dapat ang kilalanin niyang ama giselle, pano mo naatim ipaako sa iba ang responsibilidad na di naman sa kanya ha?"

"Ah, talaga? Ano naman ngayon kong ikaw ang ama eh di naman niya alam yun. Sapagkakaalam niya siya ang ama nitong dinadala ko kaya lumayas ka dito wala kang kwenta,hayop ka magsama kayo nang babae mo" Pasigaw na sabi niya dun sa kausap niya

"Ilang beses ko ba sabihin sa'yo na siya ang unang nanghalik sa'kin ha? At ex ko lang ang babaeng yun ok?"

"Wala akong pakialam sa rason mo, mga wala kayong kwenta pareho lang kayong dalawa ng bruha na yun mga walang kwenta, okay na sana lahat eh, umepal ka pa ano bang paki mo sa'kin at sa anak ko ha?"

"Natural na pakialam ako giselle, ako ang ama ng batang dinadala mo at hindi yong torres na yun. "

"No hindi ikaw at siya lang ang magiging ama nito" di na ako nakapag timpi talaga naman ipapaako talaga sa'kin ang di ko kadugo. Kaya binuksan ko ng pabalang pinto at nagsalita ng mahinagon sinisikap kong maging mahinahon.

"So all this time pinakaikot mo lang pala ako? Pinaniniwala na ama ako ng anak mo kahit di naman ibig sabihin ibang babae yon?"

Napaigting na ang panga ko sa galit at labis na panghihinayang sana sa una palang nalaman ko kaagad di sana nahanap ko na kaagad ang babaeng yun 

"No! Please james listen to me I'll explain. Let me explain please"

"Hindi mo kailangang mag explain pa giselle I've everything kaya please tama na ayusin mo na lang to, niyo para sa magiging anak niyo giselle, bye"

Saka ako mabilis na umalis sa lugar na yun narinig ko pa ang pagtawag niya nang pangalan ko pero wala na akong paki alam.

Saan kaya ako pupunta? Namakapag isip-isip muna ako ng matino at matiwasay? 

Tama isang tao lang naisip kong puntuhan sana naman duon siya sa villa nila.

Elle's Pov

Halo ang nararamdaman ko ngayon. Papalabas na ako nang room ng OB-gyne clinic.

So hows the result? Pambugand na tanong kaagad sa'kin ni daddy.

"Positive dad, I'm two weeks pregnant. I'm sorry daddy"


"Hush now sweetie, makakasama yan. May kailangan bang bilhin para sa baby?" -dad.

Napatango ako kaya bago kami dumiretso ng uwi eh, dumaan muna kami ng drugs store para sa mga vitamins at iba pang kailangan para lumakas ang kapit ni baby maging healthy siya. Bumili na rin si dad ng mga fruits.

At habang binabaybay namin ang daan pauwi isang nakabibinging katahimikan ang namamayani sa pagitan naming dalawa ni daddy. Kaya nag decide na akong basagin ito.


"I'm sorry if I disappointed you daddy, I know that you expect to much for me. Magpapakasal muna ako bago mag-anak but look what happened to me now I've even got pregnant nang wala man lang akong naipakilalang boyfriend sa inyo. I'm such a shame" humihikbing saad ko


"No don't say that princess, yes fell disappointed but a little disappointment  sweetie don't blame yourself okay?, pero kilala ko ba ang ama ng magiging anak mo please don't hesitate to tell me the truth " kaya nas lalo lamang akong napaiyak sa tinuran ni daddy


Kaya sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat ng nangyari.

"si ronald talaga ang ama ng baby ko ng magiging baby namin pero di naman niya sinasadya yon kasi kasalanan ko naman kasi ako ang nagpapanggap at akala niya ibang tao ako, kasalanan ko rin kasi pumayag ako sa plano ni giselle dad" mahabang paliwanag ko

"But sweetie di ka dapat nagpagamit sa babeng yun kahit bestfriend mo pa siya, pero andyan na yan eh" dad said habang nasa daan parin ang mga mata at nag concentrate lang sa pag mamaneho.


Napag desisyunan ko na rin na sa isang rest house muna namin ako titira pansamantala kung saan kaming dalawa lang ni daddy ang nakakaalam ng lugar na 'yon at sinabi ko na rin sa kanya na wag niyang sasabihin kong sakali kay ronald na nandoon ako.

Kaya pagkarating namin nang mansion ay nag impake kaagad ako ng gunting gamit ko meron naman kasi akong mga gamit dun sa rest house. Dinala ko na ang kailangan kong dalhin prutas at mga vitamins para sa'min ni baby.


Nag biyahe kaagad kami ni dad nung gumagabi at siya mismo ang hahatid sa'kin sa rest house. Napahawak ako sa tiyan ko na wala pa  namang umbok kasi two weeks pa lang siya. Napapa ngiti na lang akong maalala ko na magiging mommy na pala ako soon.

ISLA BERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon