Nasa byahe na ako pauwi ng bahay. Na miss ko na kasi si daddy at si giselle. Babalik na lang ako next week sa villa.
Ano na kaya nangyari sa isang yun? Di na nakapag text o tawag man lang. Busy sa career o love life? Haiissst hayaan na nga lang bisitahin ko na lang siya sa kanila.
"Mam nandito na po tayo" di ko namalayan na nandito na pala kami sa mansion.tsaka niya ako pinagbuksan ng pinto at bumaba narin ako
"Salamat po"
Pumasok na ako at dumiritso ng kwarto wala daw kasi si daddy nasa office na malamang sa malamang tanghali na rin kasi. Kaya napag pasyahan kong pumunta na lang sa mansion ng mga Forbes para makita ko na ang nag bi busyhan kong best friend.
* forbes mansion *
Nandito na ako sa tapat ng gate nila at nag buzz kasi may buzzer dito sa gate nila para malaman nila na may tao o bisita sa labas hanep diba ?nakita ko naman ang isa sa mga katulong nila na dali-daling binuksan ang gate para makapasok ako.
"Mam ,good day po" siya.
"Sayo din po ate, andyan po ba si giselle?" Tanong ko.
"Opo mam sa loob po, lika pasok po kayo. Tatawagin ko lg po si senyorita giselle " i just nodded at her as my response
"Hey! How are you? Buti at nadalaw ka di kana ba busy dun sa bisita niyo?" Giselle.
"No, tapos na kasi yung tour thingy ko, ikaw masyado ka ata busy. Nakakatampo kana ha" ako
"Sus, wag ako day. Alam na busy kay boyfie kaya pasensiya kana bff. Anyways, are you free next week? " giselle.
"Yea, I'm always free, why ba? Any problem? "
"Yes, and my solution is you! Please help me with this. Just this once elle please"
"Ano ba kasi yon? Bakit ikaw di kaba pwede? Huh!"
"No my date kami ng boyfriend ko eh. Kaya please alam kung ikaw lang ang makakatulong sa akin nito "
"What is it then?" I asked
"Please ,pwede bang ikaw muna ang makikipag meet up sa ka phone pal ko next week? Basta ikaw na bahalang mag diskarte di ko kasi pwede indyanin si migs eh" nagpapaawang sabi niya
"Bakit ba hindi pwede huh? Pwede mo naman sabihin dun sa tao na di kana pwede paea sa kanya kasi may mahal ka nang iba kaya ikaw na bes kaya mo yan"
"Di nga kasi pwede kaya ikaw na please, promise ako na bahala sa lahat from dress to make up. "
"Bakit ba kasi di pwede? " pangungulit ko. Kasi naman sa kanya yun eh ba't ako ang makikipagkita pwera na lang kung may reason siya.
"Because I'm pregnant"
Biglang nanlaki ang mga mata ko.
"Totoo ba yan? Kilan pa? Paano mo nalaman?,alam na ba niya?" Sunod sunod na tanong ko
"Kaya nga ikaw muna diba? At kaninang umaga ko lang nalaman ,at 1week na akong buntis kaya nga balak ko sanang sabihin sa kanya pag balik niya from business meeting pero next Saturday pa yun at nagkataon na yun din ang araw na magkikita kami ng ka phone pal ko"mahabang paliwanag niya. Parang di ako makapaniwala sa nalaman ko
"Pero k--" di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya.
"Please!"
"Alam na ba to nila tita at tito? "
"Di pa nga eh, that's my another problem kaya nga kailangan ko muna makausap si migs kaya please pumayag kana"
"Sge, basta makipag meet up lg ha? "
"Yay! Thank you so much elle you're the best. Yes! Yes! At i ttext ko na lang sayo ang meeting place. Kay!?"
"Okay. Congrats magiging mommy kana.😊" saka ko siya niyakap
"Yes, thank you! Pero sa'tin-sa'tin lang muna 'to ha? Maghahanap pa 'ko ng magandang oras to tell this to mom and dad and Miguel also"
"Yea, you can count on me to that big secret of yours bes"
"That's why, I am thankful enough to be your best friend, lets go shopping. "
Ano pa nga ba ang magagawa ko? I just shrug my shoulder at her then smile.
"Tara! Na miss ko rin ang mag shopping"
Nagkanya - kanya na kami ng sakay sa mga sasakyan namin. Pinag buksan na ako ni manong yong personal driver/body guard ko na si dad mismo ang nag hire.
Tinatamad kasi akong magdrive. Feel ko kasi pagod parin ang katawan ko at mas lalo lang ako mapapagod kung ihiga ko lang 'to buong araw. >_<
Pero kahit na anong iwas ko di ko parin maiwasan na isipin ang tungkol sa pagpapanggap ko bilang ang besty ko sa next saturday. Lord ngayon pa lang humihingi na po ako ng tawad.
Haist! Naku po! Hay, buhay.
"Mam dito na po tayo"
"Thank you! Here kuya." Sabay abot ko sa kanya nang sampung libo para habang naghihintay siya sa akin.
"Maam aanhin ko po tong pero anlaki naman po nito?" Takang tanong ni kuya driver body guard ko
"Gamitin mo yan, maglibot-libot ka muna para di ka ma bored kakaantay sa'kin"
"Pero ma---" i cut him off before he can say anything.
"Kuya maliit na bagay lang yan kumpara sa binibigay mung serbisyo sa amin ng dad ko."
"Salamat po mam"
"Walang anuman po. "
Saka na ako sumunod kay gigi sa boutique niya. For sure naiinip na naman yun sa kakaantay sa'kin nauna kasi siyang nakarating dito. Kaya lumakad na ako papasok ng mall.
"Kanina ka pa ba bes?" Tanong ko nang makarating ako sa pwesto ng boutique ni gigi
"Not really bes. Nauna lang naman ako ng kunti at sino ba naman ako para sermunan ang may-ari ng mall na ito diba bes?" Pero nakita ko na bigla siyang umirap. Pinasawalang bahala ko na lg yun.
"So, tara na?" Aya ko
"Yeah. But I want to eat first"
"Sige" naglakad na kami, ganun talaga siguro kapag buntis ka. Nagiging gutumin ka na lang gali.
Kumain muna kami sa isang class na resto bago nag libot-libot muna. Later na lang daw niya ako pagsusukatin ng damit na susoutin ko para sa meet up namin ng ka phone pal niya remember? But I guess wag na ako nalang ang maghahanap ng susuotin ko sayang naman kong di ko magamit isa sa mga yun at naka tingga lang sa walk in closet ko diba?
"I guess bes, wag na kasi diba ang dami ko namang damit na galing sa boutique mo remember? Di ko pa nga halos lahat naisuot yun eh. Kasi di naman ako partyholic ."
"If you say so, bes so problem with me. But pupunta parin ako sa bahay niyo para ayusan ka kahit alam kong marunong ka nun at di mo lang iniapply sa self mo"
"Hehe, oo nga. Kaya nga nandiyan ka diba?"
"Of course, skills ko yan" nag wink pa ang loka tss. Napatawa na lang ako.
"So I guess, umuwi na tayo baka hinahanap kana tito at ipahanap ka niya sa mga tao niya O.A pa naman yon minsan lalo na't alam niya na siguro na umuwi ka! "
"Yeah! Tama ka kaya lets go na bago ipasuyod ni dad ang buong isla"
Di ko pa pala naikwento sa inyo na may pagka O.A si dad basta di ako makauwi kaagad pag alam niyang dumating ako ng mansion. Pinasuyod niya ang boung isla baka daw ano nang nangyari sa'kin 😑
Buti na lang at doon na si kuya driver sa parking lot pag labas namin ng mall. Jaya umuwi na ako bago a maisipan ni dad ipasuyod ang buong isla.
BINABASA MO ANG
ISLA BERDE
Ficción GeneralPlease read and enjoy. thank you! ATTENTION: to all fellow readers, please don't expect to much, and I'm so sorry if I didn't reach your expectations in this story. This story may have some grammatical errors and mistakes (please correct me if I'...