Elle's Pov
Finally nakarating din kahit gabi na. 9 o'clock ng gabi ata kami nakarating kasi medyo malayo yong rest house dito sa villa at mansion at di ko rin to nabanggit sa kahit kanino talagang dalawa lang kami ni dad nakakaalam.
Kung tinatanong niyo kung saan si daddy, well bumalik na siya agad after niya akong maihatid dito. Maaga pa daw siya sa trabaho bukas. Dadalaw na lang daw siya paminsan-minsan.
humiga kaagad ako ng kama ngayon lang ako nakaramdam nang pagod sa boung araw na 'to. At kailangan ko munang e set aside lahat nang problema ko para sa kapakanan nang baby na nasa tummy ko.
Hay! Antok na talaga ako kaya bukas na ulit.
-
Ronald's Pov
I'm on my way now going to the villa, hoping na sana nandoon si elle. Ano ba 'tong pinasok ko ang gulo. Niloko na nga ako di ko pa alam kung sino ang babaeng yun hindi kaya? Aish!
Nag park kaagad ako di naman ako sinita nang mga guards at maids nila kasi kilala na nila ako. Deri-deritso lang pasok ko from entrance to pool area then garden wala parin siya siguro sa music room malapit sa room niya check ko muna baka nandoon siya.
Agad akong umakyat sa ikalawang palapag nang villa at mabilis na pumuntang music room pero wala pa rin. Last chance na lang sa room niya.
Kaya di na ako nag dalawang isip pa at pumunta sa kwarto at dahang-dahan na binuksan ito kasi baka tulog siya kasi di siya sumasagot.
Mabagal akong naglakad pa pasok ng silid niya ngayon lang ako nakapasok dito. She really love red and pink ha? Paano ko nasabi kasi more on her thing are color red at my mga pink din kunti lang.
Pati ang kama pink. Pero bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako nang isang bagay sa ibabaw ng kama niya.
dinampot ko ito at pinakatitigang mabuti now I remember this dress. Hinanap ko yong sandal and there nakalagay sa tamang pwesto na nakahilira sa iba niya pang sapatos.
Fvck! I can't believe this. All this time siya lang pala ang hinahanap ko? It was her. Dali- dali akong bumaba dala ang damit na sinuot niya nong gabing yon.
Nang may makita akong kasambahay di na ako nagdalawang isip pa magtanong.
"Hi, can I talk you a minute? " tanong ko
Tumango naman siya. Kaya pinakitq ko 'tong damit.
"Sir bakit sa na inyo po yung damit ni mam elle?"
"So sa kanya nga 'tong damit na 'to? Where is she? "
"Sir opo sa kanya po yan at wala dito si mam elle umuwi po siya nang mansion nung nakaraang dalawang linggo po pagka uwi niya ng umaga ng linggo kasi no'n sinabi niya sa'kin na kunin ko daw yang damit na yan at iwan sa ibabaw ng kama niya pag natuyo na kasi kinabukasan maaga pa lang madaling araw nga ata at umalis na siya di na po nakabalik si maam para kunin po yan *sabay turo sa damit na hawak ko*"
"Okay, thank you "
"Sige po sir may gagawin pa kasi ako" saka siya umalis na
Inamoy ko yong damit nandito paein ang scent niya. Yung nakaka addict na aroma. Halatang di niya binilad sa araw para di mawala ang amoy.
Now I have the reason to be with you. Hindi lang pala hinala ang lahat kundi totoong siya.
-
Elle's Pov
Napabalikwas ako nang bangon mula sa pagkakahiga sa kama nang makaramdam ako na parang nasusuka ako at masama rin ang pakiramdam ko.
Nang magiging okay na yong pakiramdam ko ay nagmumog kaagad ako tsaka naghilamos ng mukha.
Nakaramdam din ako nang gutom kaya napatingin ako sa wall clock dito sa silid ko 3:25am palang? Ng umaga grabe naman.
Bumaba na lang ako at naghanda nang makakain ko. Di ko na nilagyan nang sibuyas ang niluluto ko dahil baka kasi magsuka ulit ako.
After kong kumain nagbalik ulit ako sa taas upang matulog ulit total maaga pa naman. Wala akong makakausap dito kasi wala naman akong kasama dito rest house.
Pero waaaaah. Kahit anong pilit kung matulog ayaw talaga at kung pipikit man ako mukha niya yung nakikita ko di ko man aminin pero miss ko na siya.
Makaligo na nga lang at maghanda ulit nang makakain.
-
Nasa dalampasigan ako ngayon naglalakad lakad nilalasap ang preskong hangin. Feeling ko wala akong kahit na anong problema nakapaka tahimik ng lugar malayo sa bayan may care taker naman talaga 'tong rest house kaso mga 9am-5pm lg. Kaya boring kasi walang makausap tanging si baby lang kausap ko lagi ilang linggo na rin ang lumipas lampas one month na nga si baby sa tummy ko.
Si daddy kahapon nandito pero umuwi kaagad kasi may business pa daw siyang inaasikaso. Hmmp ! Ano kaya yun?
Nang medyo masakit na sa balat yong sikat nang araw napag pasyahan kong bumalik na sa loob ng bahay at nakakaramdam na rin ako ng antok.
So far di pa naman ako nag c-crave ng something more on dislikes lang sa mga foods? Mapili na ako ngayun sa pagkain, sa amoy may hinahanap kasi akong amoy na gustong-gusto ko at ni baby din yung manly scent ng daddy niya, pero wala 😑, mabilis din akong antokin lately. Pero sabi ng doctor ko medyo iwasan ko na ang matulog paglumaki na yong tiyan ko para iwas sa pamamaga.
Di na rin ako nakapag communicate kay gigi kasi in off ko lahat ng gadget ko para di ako matawagan ni ronald.
Speaking of ronald, habang patapos ang kada araw lalo ko ata siyang minahal at namimiss. Hirap naman nang ganito?😢
Kung sana maylakas ng loob lang ako para kausapun siya noon na ako yong babaeng nakasama niya nong gabing may nangyari sa'min pero wala. Naduwag ako at the same time nahihiya. Pero di ko pinagsisihan ang lahat di ko pinagsisihan na pumayag ako para magpanggap na ibang tao.
At mas lalong di ko pinag sisisihan na nagbunga ang katangahan ko nung gabing yun.
Blessings pa nga to kung maituturing. Pero paano na lang kong lumaki na yung baby ko at tanungin ako kung sino ang daddy niya? Naku po! Patay tayo dyan. Alangan namang sabihin kong isa siyang himala? Eh.
Haist! Hirap iniisip ko palang di ko na alam ang isasagot ko yun pa kayang actual na?
makatulog na nga muna saka ko na iisipin ang mga dapat isipin. Malay mo may awa ang diyos at may himala nga talaga diba?
-
lmao~ Haha! Ganun talaga pag nag uumpisa pa lang nangangapa pa sa dilim. Kaya hayaan na hintayin na lang na lumiwanag ang dilim. Ano daw?
Follow/add me on facebook @ mara delacruz febrero susana.
Https://instagram.com/gorgmara same din pi sa twitter.😘
BINABASA MO ANG
ISLA BERDE
General FictionPlease read and enjoy. thank you! ATTENTION: to all fellow readers, please don't expect to much, and I'm so sorry if I didn't reach your expectations in this story. This story may have some grammatical errors and mistakes (please correct me if I'...