“Waa. 3rd anniversary na pala namin. Parang kailan lang. Ang bilis talaga ng panahon.” Si Brianna.
Anniversary? Isa sa mga pinaka-masayang araw para sa mag-girlfriend/boyfriend na si Brianna at Carlson. Nagkakilala sila sa isang school though different ang course nagkakilala sila through friends. Hindi ganun kagwapo si Carlson pero mata talaga ang nagdala sakaniya. Ang ganda kasi ng mata niya eh. Si Brianna naman, isang average teenage girl na mahilig na Kpop kaya hindi niya lubos maisip na magkakaboyfriend pa siya kasi Kpop idols niya lang sapat na.
Brianna's POV
Kinuha 'ko phone 'ko sa study table na katabi lang ng kama 'ko at tinext si Carlson.
To: Future Husband
Hi babe, happy 3rd anniversary. No need for long message basta I love you.
“Ano kayang pwedeng maibigay sakaniya? Shirt? Hindi 'ko alam size niya. Bracelet? Hindi siya mahilig sa accessories. Letter? .. Hm. Letter? Perfume? Sige, perfume na nga lang” Kinakausap 'ko sarili 'ko. Ano bang pwede ibigay sakaniya kasi? Help?
Maya maya pa ay nagring ang phone 'ko. Whoa. Si Carlson natawag,
“Hi babe. Goodmorning. Happy anniversary.” Si Carlson.
“Goodmorning din babe. Happy anniversary.”
“Puntahan kita mamaya sainyo ha? Date tayo.”
“Eh? Naulan kaya. Paano?” Naka-sad face ako pero as if naman na makita niya db?
“Okay lang 'yan. Walang makakapigil. Bumagyo 'man pupuntahan pa din kita. Okay? 4 pm ha? I got to go baby, I love you.”
“Okay babe, I lo--” Inend call na niya? Grabe, nakakatampo naman.
Tinignan 'ko ang oras – 11am palang naman. Marami pang time para makapag-ayos ng dapat ayusin. Bumangon na ako at bumaba sa kusina. Walang tao? Bakit? Ay, nakalimutan 'ko nga palang ako lang mag-isa nakatira dito. Magulang 'ko? Nasa States. Kapatid 'ko? Nasa States din kasama nila mama at papa. Dun daw muna siya hanggang makatapos ng highschool.
Nagluto na ako ng breakfast 'ko – Hotsilog. Hindi ba dapat bacon and egg ang breakfast 'ko? No, I prefer this kind of breakfast than bacon and egg chuchu pa. Ang hirap hirap ng buhay ngayon tapos bacon and egg? DUH!
Pagtapos 'ko kumain at maghugas ng plato, naligo na agad ako. Balak 'ko kasi bumili ng damit para mamaya sa date namin ni Carlson. Hue. :”3 Landi. Iyon na nga, I get my keys tapos pinaandar ang kotse.
“Ugh. Kanina ka pa ayaw mag-start ah.” Nakailang try pa din ako pero wala. Bumaba akong kotse and to my surprised, “Shit. Oo nga pala, hindi 'ko pa pala napapavulcanize 'tong gulong.”
No choice, commute ka ngayon ateng. So yeah, Nagpara ako ng taxi.
“Saan po tayo ma'am?” .. “SM lang po manong.”
Habang nasa byahe, nakakita ako ng isang couple – matandang couple to be exact. Siguro mga nasa 70's na sila pareho, naka-sidecar sila. Si lolo nagddrive, si lola naman nakaupo. Wala, I just find it sweet. Na kahit ang tanda na nila eh andyan pa din sila sa isa't isa, magkasama. Ang sarap siguro sa feeling na kapag kasama mo 'yung taong mahal mo – siya una mong makikita paggising, kasama mo kahit saan, at siya din ang huli mong makikita bago matulog.
“Andito na po tayo ma'am.” I gave him his pay, hindi 'ko na kinuha sukli. Hindi naman ako ganun na ultimo piso eh kukunin pa.
Dumiretso na ako agad sa department store pero bago 'yun. Wait. Wait. Wait. Napahinto ako sa Nature Republic. “AAAH. Si Luhan myloves so sweet.” Nakita 'ko kasi yung standee ni Luhan sa labas. Kung pwede 'ko lang iuwi 'to. Iuuwi 'ko na talaga. Biglang lumapit sakin ang saleslady, “Yes, ma'am?” .. “Ah? Wala po. Hehe, sige po.” Umalis na ako at naglakad na pa-department store. Hinanap 'ko ang ladies wear. Asan ka na ba, ladies wear? Ay, ayun.
Pumili ako ng mga nagustuhan 'kong damit at humingi ng tulong sa sales clerk. Nag-fit ako ng iba't ibang shirts, pant, etc. No ng no si ateng sales clerk sa mga finifit 'ko. Yung totoo ate db dapat Oo ka ng oo dahil yan 'yung binebenta niyo? Haha. Chos lang. Last one na, black pants, white na off shoulders, plus necklace. Ay nako, pag ito si ateng hindi pa um-oo. Paglabas 'ko, “Yan ma'am. Bagay sainyo. Partneran nyo nalang po ng wedge shoes.” She gave me an assuring smile. Napangiti naman ako at yun na ang binili.
Time check, 2pm. Bago ako umuwi dumaan muna ako sa Lacoste. Sosyal ba masyado? Haha. Oh well, papel. Binilhan 'ko siya ng isang Eau De Lacoste L.12.12 Energetic Red that costs $65 thats equivalent to 2,850php tapos 'ko bumili ay umuwi na ko para ayusin mga pinamili 'ko at mag-ready na para maya maya nang biglang mag-ring ang phone 'ko.
“Hello?”
