“Can I ask you something, Carlson?” Umupo ito sa sofa at mukhang seryoso ang mukha.
Napalunok nalang ako.
“Sure, ano ba 'yun?” Hindi ko ipinahalata na kinakabahan ako. Ano kaya tatanong niya? Pwedeng maghintay Carlson? Taeng-tae ka. Panira ka talaga author.
“About sainyo ni Briana? Mahal mo pa ba siya?” Sabi na e. Tama hula ko. Shit. Ano, ano sasabihin ko? Mahal ko ba si Briana? Oo? Hindi? Maybe? Aish.
Lumapit sakin si Sophia, hinawakan ang aking mukha, tumitig sa aking mga mata at sinabing, “Bakit hindi ka makasagot, Carlson? Siguro mahal mo pa siya 'no? Naiintindihan 'ko huwag ka mag-alala.”
“Carlson, mahigit isang taon na din tayong magkasintahan pero sa loob ng isang taon na 'yun. Alam ko pa din na si Briana ang nasa puso mo. Alam kong hindi ko mapapantayan lahat ng efforts na binigay niya sayo.”
Hindi ako makasagot parang nawala ako sa sarili ko. Ano nga ba? Sino nga ba pipiliin ko? 'Yung taong mahal ko o 'yung taong mahal ako? #Hugot101
I came back to my senses nang naramdaman kong ipinihit niya ako patalikod sakaniya.
“Sige na Carlson. Puntahan mo na siya. Ayokong makita mo akong iiyak.” Nangingilid na luha niya. Ang sakit pala makita 'yung taong minahal mo e nasasaktan parang mas doble yung sakit na nararamdaman mo.
“Pero Sophia ...” …. “Ay, huwag na makulit Carlson. Sige ka kapag nagbago isip ko, hindi na kita hayaan balikan siya.” Ngumiti siya ng bahagya.
Wala akong nagawa kundi yakapan siya, “Sophia, salamat. Sana makahanap ka ng lalaking mamahalin ka ng tunay. Hindi mo deserve ang lokohin kasi napakabait mo.”
“I know, plus maganda ako db?” Napatawa kami dun sa sinabi niya. Tunay na maganda naman talaga si Sophia eh.
“Salamat Sophia. Hanggang sa muli.” At umalis na ako.
Bumaba na ako sa condo na pinagsstayan ni Sophia at pinaandar na ang kotse. Sinusubukan kong tawagan si Briana pero walang nasagot. Oh, fudge! Bakit ayaw mo sumagot Briana? Naka20 missed calls na ako sakaniya pero wala pdin.
Nakatingin ako sa phone nang biglang …...