Binuksan 'ko ang pinto at nakita ang isang lalaking napakagwapo – sa paningin 'ko. Haha. He's wearing red checkerd polo, mukhang long sleeveless pero ginawa niyang 3/4s then maong pants. He looked at me, nakangiti. Ewan 'ko pero parang kinikilig ako. Kinikilig nga ba ako? Oo nga, siya nalang naman dahilan ng bawat ngiti 'ko eh. :”>
“Alam 'kong gwapo ako, baby pero baka matunaw ako.” He smirked.
“Nye? Ang kapal mo talaga.” Ay, henebe. Ang sarap kaya niya titigan.
“Happy 3rd anniversary, baby.” Tapos binigyan niya ako ng bouquet at may dala din siyang cake. Lumapit siya sakin and he kissed my forehead.
“Thank you.”
Akala 'ko hindi siya makakapunta. Akala 'ko magiging ordinaryong araw lang ang isa sa mga napakaespeyal na araw para saakin – saamin.
“Hala? Hindi ako nakapaghanda ng food. Padeliver tayo, you like?”
“Nah, luto nalang tayo ng spaghetti. Ok? Ok? Nagugutom na din kasi ako.” Nag-pout siya. Ay, akala mo'y cute pero totoo nga. Cute naman. Iiiiish ~
Inilapag niya 'yung bouquet at cake na dala niya at dumiretso na sa kusina. Maalam naman siya sa pagluluto so tulungan kami. Bonding na din. Habang nagluluto siya, umakyat naman ako saglit sa kwarto 'ko para iabot 'yung gift 'ko sakaniya.
Inayos 'ko na din 'yung table. Kumuha pa ako ng candle. 'Yung puchu puchung candle. Omg. Haha. Okay na 'yun, kesa naman sa wala db? 'Yun. Tapos na siya magluto. Naglagay na kami sa kaniya-kaniyang plato. Umupo na ako pati siya.
“Carlson, 'hindi mo alam kung gaano ako kasaya dahil umabot tayo ng 3 taon. Oo, mahirap. Ang raming hindrances na dapat lagpasan pero heto tayo oh patuloy pa din na lumalaban sa hamon para sating dalawa. Hindi mo alam kung gaano ako kaproud na maging boyfriend kita – future husband sana. Ang hirap makahanap ng lalaking mamahalin ka despite ng mga flaws na meron ka.” I thought.
“Oh, baby. Bakit ka nakangiti?” Tanong niya.
“Wala naman. Ay, may gift pala ako sayo.” Kinuha 'ko 'yung gift 'ko sa ilalim ng mesa at iniabot to sakaniya ng nakangiti.
“Wow. Thank you baby.” Bakas sa mukha niya ang kasiyahan.
Pinagpatuloy namin 'yung pagkain namin hanggang sa mabusog kami. Kasabay na din dito 'yung pagkkwentuhan namin kung paano kami nagkakilala.
Paano nga ba kami nagkakilala? Kumbaga sa Facebook, dahil sa isang mutual friend namin. 'Yung tropa 'ko, may boyfriend siya tapos 'yung boyfriend nun, tropa si Carlson. Gets nyo ba? Sana naman db? Ang hirap kaya mag-explain. So ayun nga, dati 'ko na talagang crush si Carlson. Si Carlson naman sakto ako din ang nagustuhan nya saming magttropa. Sorry ha? Ang ganda 'ko kasi. Charaught lamang.
“Oo nga babe, naaalala 'ko pa nun super gwapong-gwapo ka sakin e.” With matching taas tass pa 'yung kilay niya sakin.
“Ha? Ano? Medyo nabingi ata ako dun ah? Alam 'ko ikaw ang gandang-ganda sakin e. Ikaw 'yung tingin ng tingin nun e.” Sabi 'ko, e kasi totoo naman. Siya naman talaga kung makatingin, wagas! Ako naman pasimpleng sulyap lang sakaniya.
Habang nagkkwentuhan kami, hindi 'ko maiwasan na madistract sakaniya kasi hawak hawak niya 'yung phone niya. Parang may katext ganun? Baka katrabaho niya lang.
“Pahiram naman ng phone mo.” Sabi 'ko.
“H-ha? Eh, may hinihintay kasi akong text galing sa assistant ni papa.” Hindi siya makatingin sakin ng ayos. Feeling 'ko may tinatago 'to sakin. 'Huwag sana maging tama ang hinala 'ko.
“Babe, I have to go na. Nagtext si papa e. May pag-uusapan daw kaming importante.” Ay, aalis na agad siya? Bakit ang bilis? Nakakaiyak naman. I nodded nalang as a sign na sumasang-ayon ako.
Hinatid 'ko siya hanggang sa car niya. He kissed me on my forehead and said goodnight. Atleast, nakasama 'ko siya kahit papaano. Okay na din db? Hehe.
Pumasok na ako ulit para linisin 'yung pinagkainan namin pero oops! Nakalimutan niya 'yung phone niya. I opened it. Hindi naman siguro masama db? I'm his girlfriend.
Gallery? Walang bakas ng katarantaduhan. Videos? Wala din. Contacts? Wala din. Inbox? Eh? Katext niya si James – assistant ng papa niya. Pero bakit parang ang rami ata nilang message sa isa't isa? 2674? Seriously?
Bubuksan 'ko na sana 'yung message nang bumukas 'yung pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/17291755-288-k828a08.jpg)