"Huy girl! Ang tagal mo naman mag'bihis! Hinihintay ka na ni Stef sa baba!" halos pasigaw na sabi ni Chris.
Pasukan na naman.. In other words, hell season has already come.
"Oo wait! Palabas na!"
"Kanina ka pa wait ng wait! Hindi ka n-"
Padabog kong binuksan ang pinto.
"Sabi nang palabas na eh. Ano bang pinuputok ng tambucho niyong dalawa?"
"Eh male'late na nga daw kasi kayo eh."
"Anong male'late? Excited lang siya makita si Matt eh."
Nauna na 'kong bumaba habang nakasunod naman sakin si Chris. Pag baba ko, nakita ko naman si Stef sa kitchen quarter na kumakain ng toasted bread. Kaya naupo ako sa tabi niya at nag'toast din.
"Hoy babae, anong inu'upo upo mo diyan? Male'late na tayo." sabi ni Stef.
"Wow ha.. edi kung gusto mo, mauna ka na."
"Sabay tayong papasok noh! Kaya.." hinila niya naman ako patayo, "..tumayo ka na diyan at aalis na tayo."
"Baka naman pwedeng mag'breakfast ako saglit?"
"Anong breakfast, sabi ni Chris ang dami mo daw nilamon nung Christmas at New year eh..Kaya mag'diet ka ngayon!"
Tiningnan ko naman si Chris na naka'peace sign lang sakin habang hinihipan ang hot choco niya.
"Wala akong pake kahit lumobo ako. Pakainin niyo 'ko!" -ako.
"No girl! Hindi ka pwedeng tumaba! Baka layuan ka ni Papa Light." -Chris
"Halika na!" kinaladkad na 'ko ni Stef papasok ng sasakyan nila.
'Kawawa talaga ako sa dalawang 'to pag nagsama eh. Bakit pa kasi ako pumayag na magpa'iwan dito si Chris hangga't di pa nagre'resume ang classes nila eh! Tsk.'
Nagsimula nang umandar ang sasakyan, habang nagsimula naring mag'ingay ang aking tyan.
"Please, Stef.. have mercy on me."
"Wait.." bigla naman siyang naglabas ng isang plastic na may boiled egg at banana sa loob, "Eat this para magka'energy ka."
"The heck?! Alam mong ayoko ng boiled eggs eh!"
"Just eat it, France."
"No thanks. I'd rather die out of hunger, than to eat that."
"Okay. Bahala ka."
Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating narin kami sa school. Inunahan ko na bumaba ng sasakyan si Stef para dumiretso sa cafeteria. Nagugutom na talaga ako. I just can't take it anymore!!!-
"Aray!" ansakit.. tumama ata ako sa isang pader.. pero teka, paanong magkaka'pader sa gitna ng daan?
Dahan dahan akong tumingin pataas at nakita ko ang pinakanakakatakot na mukhang ayaw ko makita..
"H-hi.. ikaw pala yan. Sorry, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko."
I was waiting for an answer pero..
..he remained silent.
Like freak?! Lima kaya sila! Baka bugbugin nila ako. Mag'sorry ka ulit, France!
"Sorry. I'm really sorry, Light. I was-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang malakas nilang tawanan.
"Ano daw? Light?! Hahaha!"
"Maganda ka sana miss eh, pero may pagka'adik ka pala! Bwahaha!"
"Baka naman yung LIGHT BULB ang tinutukoy niya, hahahaha!"
BINABASA MO ANG
I've fallen for this badass
Fiksi RemajaA good girl fell for a badass. That's it. Read the story for more detailed and humorous information.