Chapter 7

35 0 0
                                    

"Hoy! Ikaw na." sabi sakin ni Kevin.

"Oo sandali! Nag'iisip pa 'ko.."

I moved my two-star general forward. Then he moved another piece and got mine.

"Oh manang! I'check mo na sinong lamang."

Kinuha naman na ni manang yung piece ko at ni Kevin. Pagkatapos niyang tingnan, kinuha niya yung akin at binalik niya yung kay Kevin.

"Manang! Ang daya naman! Ba't palaging siya??" I complained. Paano ba naman, tatlo nalang yung natitirang piece ko. Tapos tatlo palang yung nababawas kay Kevin. Something must be wrong.

Binawi ko kay manang yung last piece na kinuha niya sakin tsaka yung binalik niya kay Light, "Two-star general yung akin, colonel lang yung kanya oh! Manang naman eh.."

"Ayy.. hindi ba yan paramihan ng stars?"

"So yun ang kanina nyo pang ginagawa?? kaya naman pala ako matatalo manang eh."

"Ay pasensiya na.. hehe. Sige, kukuha muna ako ng merienda sa baba." then she left my room. Napatingin naman ako kay Kevin na grabe kung maka'tawa, parang wala nang bukas.

But wait.. tumatawa siya? like, for real? Ang cute niya.. para siyang tao. Crap.

Napahinto naman siya ng konti nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, "Anong tinitingin tingin mo?"

"Tumatawa karin pala. Akala ko wala kang ibang alam gawin kundi mag'smirk at sumimangot eh." lumipat ako at naupo sa tabi niya, "Bakit nung nasa phone palang tayo nag'uusap palabiro ka pa, tapos nung nagkakasama na tayo sa personal naging seryoso kana?"

Naging seryoso na naman yung mukha niya, "Wala lang."

"Wala lang?? Bakit nga kasi? Nakaka'inis ka. Girlfriend mo ko pero ang dami mong nililihim sakin." iniwasan ko ang tingin niya.

Pero hinawakan niya ang mukha ko at hinarap niya sa mukha niya. I feel like I'm gonna freeze anytime right now. Ang gwapo nga niya talaga. Sheez..

"Kasi nung time na nakakasama na kita, bigla kong na'realize na dapat seryosohin kita."

'So gusto mo lang ako paglaruan nung una?' I wanted to ask him this. Pero hindi na nga ako makagalaw. Natutunaw na ko sa mga titig niya. Palapit narin ng palapit ang mukha niya na nakikita ko na ang reflection ko sa mga mata niya.. wait! Palapit na siya? D-don't tell me.. don't tell me..

I closed my eyes and..

"Eto na ang meriend-" natigilan bigla si manang sa pagpasok, "Ay sige babalik nalang ako.." tapos lumabas ulit siya.

Nilayo ko naman ang mukha ko kay Kevin and tried to change the topic, "Ang hangin dito sa veranda ko noh.."

"Oo nga.. pero ang liit ng kama mo. Buti hindi ka nahuhulog dun?"

"Eh hello? That bed is good for ME only. Tsaka paano ako mahuhulog, eh hindi naman ako malikot matulog. Baka ikaw ang malikot matulog diyan.."

"Asa ka."

"Sus.. Kevin, about nga pala dun sa mga nasabi ni dad nung isang gabi, don't take it to heart. Especially yung huli niyang sinabi about 'us'."

"Okay lang.. may point naman siya eh."

Hindi sinasadyang mapatingin ako sa kanya. I really don't know him yet, do I?

"Ba't nakatingin ka nanaman? Gusto mong mahalika-"

"I can't help it.. You're quite different from the Kevin I saw the first time. You're better than what I thought...and it makes me want to know you more."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I've fallen for this badassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon