Chapter 5

28 0 0
                                    

"Dito nalang manong." sabi ni Light kay manong driver.

Andito narin lang ako sa tapat ng bahay ko kaya nauna na 'kong bumaba paghinto ng taxi. Naramdaman ko naman ang pagsunod sakin ni Light. Pero naglakad na 'ko papasok ng gate nang hindi siya nililingon. Besides, I don't know what to say.

"Smiley, ganyan ka ba talaga magtrato ng bisita? Iiwanan mo lang?"

"Ha? p-pasok ka pa ba sa loob? diba aalis kana?"

But instead of answering me, he just crossed his arms and leaned on the gate.. wala eh, pa'cool much. Edi siya na.

Fine. Wala naman ata akong choice eh, "Sige na nga, pumasok ka kung gusto mo." sabi ko.

Naglakad na siya papasok ng pinto. Mas nauna pa siya sakin, siya kasi nakatira dito eh, noh.

Bilang may ari ng bahay na 'to, sumunod naman ako sa kanya. Nang bigla kong maalalang nasa loob pala si Chris at Stef. Malamang magwawala yung dalawang yun pag nakita nila si Light! 'I need to stop him!'

Pero bago ko pa siya mapigil, nakapasok na siya sa loob. Wala na 'kong choice kundi i'ready nalang ang sarili ko sa kahihiyang gagawin ni Stef at Chris..

..'Eh? Pero..bakit ang tahimik? Wala akong naririnig na sigaw or kahit anong weird noises dito sa labas. Hindi kaya umalis silang dalawa? Nag'gala? Tulog?'

Agad naman akong pumasok para makita ang sorcery na nangyayari sa loob. And there I saw Chris and Stef sitting on the couch together, prim and proper, waving at Light. One word-weird.

Hindi ko na pinansin ang trip nilang dalawa at lumapit nalang din.

"Oh France, ang aga mo ata ngayon?" tanong ni Stef.

"Oo nga eh. Paano, pinag'cutti-"

"Sumama ang pakiramdam niya." biglang pagsingit ng magaling na si Light.

"Ah kaya pala hinatid mo pa siya. How sweet and kind of you papa." sabi naman ni Chris.

'Sweet and kind? Kung alam niyo lang, pinag'cutting talaga 'ko niyan. But well, it's not as if they will hate him if they ever found out, anyway.'

Bigla naman nag'clear ng throat si Stef habang nginunguso niya si Light. Oo nga pala, nakalimutan ko ang introduction.

"Oh yeah. Um..by the way, Stef, this is Light. Light this is Stef, my cousin slash classmate slash bestfriend."

"Hi Light. I've been seeing you at school that's why you're so familiar to me." sabi ni Stef.

Tumango naman si Light sa kanya.

"And that is Chris, my cousin. Chris, this is Light."

"It's a pleasure to meet you, papa Light." sabi ni Chris.

"Anyway, what do you want? Juice or soda?" tanong ni Stef kay Light.

"H2O." sagot niya.

Kita ko namang namutla si Stef sa sinabi ni Light. Mukhang hindi niya maalala ang lesson sa chemistry last year..

"Water yun, girl. Water." rinig kong bulong ni Chris kay Stef.

"Oh yeah. Water. Sabi ko nga eh." sagot niya.

'Um.. Stef, yung totoo? Nagkapalit lang kayo ni Light Yagami ng section noh?'

Tiningnan naman ako ni Stef with a 'Anong-tinatayo-tayo-mo-diyan-ikuha-mo-ng-tubig-ang-bisita-mo' look on her face. Kaya pumunta ako ng kitchen para kumuha ng isang basong tubig. Pagbalik ko ng sala, naabutan ko naman silang ini'intriga si Light.

I've fallen for this badassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon