Chapter 6

27 0 0
                                    

Sa halip na jeep ang sakyan namin, taxi ang pinara niya. Hindi na ko nagreklamo at sumakay nalang din. Tutal medyo pagod na ko.

"Manong, sa N.N Village." sabi ni Kevin.

"Ligh-este! Kevin, bakit Light Yagami ang pangalan mo sa facebook?"

"Basta lang.."

"Hm..eh bakit hindi ka nga pala pumasok kanina?" tanong ko.

"Oh..biglang sumama ang pakiramdam ko eh."

"Ahh.. p-pero okay ka na ngayon?" nakakahiya yung tanong ko. Baka isipin niya concerned ako sa kanya..

..pero wala namang masama kung oo, diba? Malamang girlfriend ako eh.

"Mm." tipid niyang sagot, "Nga pala..gusto ko maging tayo na."

"Maging tayo? Eh tayo naman na talaga diba?"

Tumabi pa siya sakin ng mas malapit at inakbayan ako, "Gusto kong yung legal. Ipapakilala kita sa parents ko, ipapakilala mo rin ako sa parents mo."

"O-okay..?" ewan. wala na 'kong maisip na sagot.

Tahimik lang kami pareho habang papasok sa village nang mapansin kong malapit na kami sa bahay, "Ligh-este, Kevin. Dito nalang."

Hindi siya kumibo, hindi rin huminto ang taxi. Sa halip, dire diretso pa ito patungo sa kung saan, "Manong, diretso lang." sabi ni Kevin.

"Huy! Lagpas na tayo!" sabi ko.

Hindi siya kumibo pero tiningnan niya ko.

"Huy Kevin! Ano ba! Lagpas na tayo!"

"Pupunta tayo ngayon sa bahay namin. Ipapakilala kita sa mga magulang ko."

"W-what?! Now na? As in NGAYON?!"

"Oo."

"T-teka! Pwedeng ibang araw nalang? Kasi tingnan mo, ang dumi dumi ko na, ang baho ko pa, ang gulo ng buhok ko.. I'M NOT PREPARED!"

"Andito na tayo." he said, "Manong, dito nalang."

Sumilip ako sa labas ng bintana at nakita ang isang bahay na parang walang nakatira.

"Ang creepy naman ng bahay niyo. Bakit nakapatay lahat ng ilaw? Wala atang tao diyan sa loob eh."

"Hindi naman kasi yan ang bahay namin.." nauna na siyang bumaba ng taxi, "Baba na." sabi niya.

Napakagentleman talaga ng kasama ko kaya dapat iready ko nang pagbuksan ng pinto ang sarili ko next time.

Hinawakan niya naman ako sa wrist at ginuide patungo sa isang bahay na malaki at maganda, "Eto kasi ang bahay namin."

Habang papasok kami sa loob, may bigla akong naalala dahilan para mapahinto ako, "Sandali.." sabi ko. Tapos kumuha ako ng salamin sa bag ko para i'check ang sarili ko.

"Para namang may pinag'iba ang itsura mo. Ganun parin naman." komento niya.

"Salamat sa pagdagdag mo sa confidence ko ha." sarcastic kong sabi, "I'm just worried about your image, na baka sabihin nila ang chaka ng girlfriend mo." naglakad na uli ako palapit sa kanila.

Naramdaman ko namang sumunod si Lig-este, Kevin sakin, "Maganda ka naman kasi kahit anong ayos mo." hinawakan niya uli ako sa wrist at hinila papasok ng bahay nila, "'lika na, baka kanina pa sila naghihintay."

'Well.. sweet naman pala kahit pano tong boyfriend ko.'

Sinalubong kami ng isang babaeng nakabihis ng black dress na knee-length ang haba at isang lalakeng naka-longsleeves red polo. Para lang silang aattend ng party.

I've fallen for this badassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon