Ilang araw na rin ang lumipas simula nang burol ni Dad. Marami pa ring dumadalaw, lalo na ang mga kamag-anak namin sa side niya na ngayon ko na lang ulit nakita.
I guess some people only remember they have relatives when someone's already lying in a coffin.
"Sarr... Josh... condolence." Malungkot na bati ng isa kong tiyahin.
Ngumiti lang ako nang mapait at tumango.
"Bakit ba ginawa 'yon ni Kuya?" nangingilid ang luha nitong tanong. "Bakit niya piniling kitilin ang sarili niya?"
"He did it for us, Tita," mahinang sagot ni Josh.
Napabuntong-hininga na lang siya bago tumango at tumahimik.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Panay ang dating ng mga bisita kaya hindi ko maiwasang maging alerto. Baka may tauhan na naman ni Mom o ni Janina ang makalusot.
Maya-maya, napangiti ako nang makita ang grupo ng mga kaibigan ko. Kumpleto sila maliban kina Ara at Ariesana.
Isa-isa nila akong niyakap.
"Condolence, Sarr."
Ramdam ko ang higpit ng mga yakap nila. Halata ring pinipigilan nilang umiyak. Kilala nila si Dad. Para na rin nila itong naging ama sa kabaitan nito sa kanila.
Pagkatapos nilang magbigay-galang kay Dad, niyaya ko sila sa rooftop. Tahimik doon at walang ibang tao.
Nagpahatid ako ng ilang pagkain at inumin para kahit papaano ay may mapagsaluhan kami habang nagkukuwentuhan.
"Sometimes, life is really unpredictable." Nakangiting sabi ni Rizz.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Woah," natatawang sabi ni Ianne. "First time kitang makitang ngumiti nang totoo."
"Duh. Ngumingiti naman ako sa mga photoshoot." Umirap si Rizz.
"But it's fake." Nakangising banat ni Amber.
Nagtawanan kaming lahat.
Tahimik kong tinitigan ang wine sa hawak kong baso bago iyon bahagyang ininom.
"Tingnan mo nga si Rizz," natatawang sabi ni Lindsey. "Baka bukas may endorsement na naman 'yan."
"Mas concerned ako sa'yo." Singit ni Micherre. "Parang ang blooming mo."
"Blooming?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi ko rin ma-explain." Napailing siya. "Basta iba aura mo."
"Hoy, baka naman..." Nanlaki ang mata ni Katherine bago bigla niyang tinakpan ang bibig niya. "Ay, wala! Wala akong sinabi!"
"Ayan na siya." Umiling si Ren. "Kapag may naiisip, hindi kayang itago."
"Guys..." Natatawang sabi ni Shekinah. "What if..."
"What if what?" tanong ni Christineai.
"What if buntis na si Sarr?"
Natahimik ang lahat.
Tapos sabay-sabay silang napatingin sa akin.
"What?" Napaawang ang bibig ko.
"I knew it!" Tuwang-tuwang sabi ni Lindsey. "Ako rin 'yan ang kutob ko!"
"Kayo talaga." Natatawang umiling si Amber.
"Hindi, seryoso ako." Pagpipilit ni Lindsey. "May instinct ako sa mga ganyang bagay."
"Kakapanood mo ng teleserye 'yan." Natatawang sabi ni Rizz.
BINABASA MO ANG
Rock Bottom (The Women of Chaos #1)
AksiSarr Antha Sartorius grew up believing that love was stronger than hatred. But she was wrong. Born into a world where two powerful families were trapped in a never-ending rivalry, Sarr was forced to learn that not everyone who smiles at her is on he...
