Two

33.8K 773 32
                                    




"MAMA! OH MY GOD! MAMA!"

"Ay juskong batang 'to! Sigaw ng sigaw?! Ano ba?!?"

Mabilis kong niyakap si mama ng makita ko sya sa Kusina. Tumulo muli ang luha ko dahil don, nang bumitaw s'ya sakin at tinignan nya ko. Mabilis kong pinakita ang papel kung san may nakalagay na pumasa ako sa Exam para sa Star University.

Inagaw ni Mama sakin 'yun at mukang hindi s'ya makapaniwala sa nakikita.

"A-Anak, totoo ba 'to?"

Mabilis ko syang niyakap ng mahigpit habang tumutulo ang luha ko. "MAKIKITA KO NA SI RAJ, MAMA! MAKIKITA KO NA SYA!" Sigaw ko habang humahagulgol.

"Oh tahan na anak."

Natawa kaming pareho. Inupo nako ni mama sa isang upuan at saka pinunasan ang luha ko. Kanina pa ko umiiyak ng pumunta ako sa NEUST dahil sa binalita sakin ng isa kong ka blockmate, kaya naman sobrang bilis kong pupunta sa Office at mabilis akong niyakap ng Professor kong babae. Iyak lang ako ng iyak sa harapan nila habang paulit ulit kong sinasambit ang pasasalamat.

"Anak, eto uminom ka munang tubig."

Mabilis kong ininom ang binigay sakin ni mama. "Maligo ka na. Nakahanda na ang pang paligo mo. Wag ka ng lumabas."

"Mama, sabi ni Professor, b-bukas na daw ako pwedeng umalis para daw sa dorm ko. A-Ayusin na daw po namin, kasama namin s'yang luluwas." napahinto si mama sa ginagawa nya at napatingin sakin.

"Ba't agad agad?" tanong nito sakin.

"Mama! Video call nalang us! Ano ka ba?! Ano silbi ng phone mo." pampalakas ng loob ko.

Isa pa 'tong dahilan kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang wala si Mama sa tabi ko. Dalawang linggo nalang simula ang pasukan at sa lunes ako ieenroll at eto ang huling araw namin ni mama.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay n'ya.

"Hindi ko alam anak. Hindi ko ata kayang malayo ka sakin."

"Mama naman e." mabilis kong hinalikan ang kamay n'ya. "Easy lang 'yan, kita mo uuwi ako dito ng may medal." natatawang sabi ko."Kaya papayag na s'ya, yieeeee."

Natawa si mama sakin at ginulo ang buhok ko. "Mag babad ka na sa gatas mo at aayusin ko na ang gamit mo."

Mabilis ko s'yang hinalikan sa pisnge at tumakbo ako sa Cr. Hinubad ko agad ang aking damit at saka pumunta sa gatas kong paliguan. Pinikit ko ang mata ko habang may ngiti sa labi.

Dalawang linggo nalang ay makikita ko na si Raj, ano kaya sasabihin ko sa kanya? Sana naman hindi n'ya nakakalimutan ang kababata n'yang magada at sexy pa. Ano kaya reaksyon n'ya pag nakita n'ya ko? Ano kaya unang salitang maririnig ko sa bibig n'ya? Ano kaya?

Kailangan pag nakita nya ko walang sugat, walang dumi, maganda, yung tipong sobrang kinis para naman hindi nakakahiya. Iningatan ko ang sarili ko para sa kanya, iningatan ko pati pag kababae ko at sana nalang wag masayang.

Huminga ako ng malalim at tumingin ako sa kisame ng bahay namin. Sa mismong taas nito, dito sila non nakatira, ang sabi ni Mama. Tinulungan daw s'ya ni Mommy Kyla sa maraming bagay. Dahil nang dumating ito samin ay may anak na ito at wala s'yang alam kung sino Ama. Tapos malalaman nalang n'ya ay galing pala sa magandang pamilya ni Mommy Kyla tapos si Raj ang tagapag mana ngayon ng Firm.

Tapos nag kasakit daw ako at iyak ng iyak si Mama, wala daw tumulong sa kanya kundi si Mommy Kyla. Kaya naman mag kasundo sila at kami din ni Raj.

"Raj, malapit na. Konting push lang baby ko!"

He Played My Heart (Second GEN #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon