One

46.7K 852 29
                                    




Mabilis akong napahawak sa ulo ko at sinamaan ng tingin ang lalakeng papansin. Inirapan ko s'ya at saka tumayo upang umalis don. Pumwesto ako sa malayo sa kanya at pinag patuloy ang pag babasa ng librong hawak ko.

Malapit na ang exam para sa mga scholar na papasok sa Star University.

Napangiti ako at napakagat ng ilalim ng labi.

Star University.

Kung san nag aaral si Raj, Kung san nag aaral ang lalakeng hinihintay ko. Kung hindi s'ya dadating, ako ang pupunta sa kanya. Sigurado naman akong hindi nya pa ako nakakalimutan. Sigurado ako.

"Sus! Aral ka pa ng aral, waleey parin ikaw! Di ka na babalikan ng lalakeng sinasabi mo!" napairap ako kay Cindy at hindi pinansin. "Puro mayayaman ang nag aaral don? Sa tingin mo ba mapapansin ka pa n'ya! Sa daming magaganda don!"

Binaba ko ang libro ko at tumingin sa kanya. "Ikaw? Kailan mo ko titigilan asarin?" i asked her.

"Kung kailan hindi mo na papansinin si Fred."

"Did you see? Sya ang nag papansin sakin!" inis na sabi ko. "Eh ano ba pake ko sa basagulerong lalakeng 'yon na walang pangarap sa buhay?"

"Ang yabang yabang mo! Porket alam mong may gusto sa'yo ang tao kung makapag salita ka akala mo kung sino ko!"

"Like hello? I'm Alley Sai Pablo, eighteen of age and Future Mrs. Smith!" i smiled sweetly.

"As if naman papatulan ka ng anak ni Engr. Smith, sobrang gwapo non para patulan ka. Eh wala pa nga sa mga babaeng nakakama non!" she hissed.

"Hindi ganon si Raj! Tulad mo naman s'ya sa Fred na 'yon na walang sawa kung mag kama ng babae! Pabalasa kasi sya walang balak kang ikama gaya nag gagalaiti ka!"

Tumayo na ko at mabilis na umalis don. Bumalik ako sa pwesto ko at puti nalang ay wala na si fred doon. Tahimik akong nag babasa habang walang klase. Malapit na ko mag nine teen at saktong Exam sa Star University ay saktong nineteen na ko. Hindi ko maiwasan mapangiti, naalala kaya ni Raj birthday ko? Naalala nya kaya ako.

"Hi." i rolled my eyes.

"Nakakasira ng araw."

"Sus, kung alam ko lang mahal mo na ko!"

Mabilis kong sinarado ang libro ko at tinignan sya ng nakakadiri. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at saka ako nasamid. Oo aminado akong gwapo s'ya..pero kasi, nakakadiri sya. Bawat babaeng nadaanan ko pinag uusapan s'ya kung gaano s'ya ka wild sa kama. Kung gaano daw ito kasarap kumain.

Nanginig ako sa harapan nya.

"Hindi ko ata nakikita ang sarili ko Fred na mag kasama tayo." nawala ang kanyang ngiti.

"At bakit?"

"Sa dami ba namang babaeng pinunit mo. Nakakadiri ka."

"Sai." sumeryoso ang muka nya. "Maniwala ka sakin. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at hindi ko kukunin ang mahalaga sa'yo, ihaharap kita sa altar na birhen ka pa."

Nilabas ko ang iphone six ko na regalo pa sakin ni Mama ng disiotso ako. Pinakita ko ang muka ni Raj na nakangiti.

"Sya ang lalakeng nakikita kong nag hihintay sakin sa dulo." i smiled. "At sya ang lalakeng babalik sakin para kunin ako."

Mabilis kong sinarado ang libro ko at nag lakad paalis don. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong mag aala singko na ng hapon.

Nang makalabas ako ng NEUST ay mabilis kong tinakbo ang jeep na kakahinto lang. Pumasok ako sa loob at saka binuksan ang aking libro.Sinimulan ko mag basa habang nasa loob ako ng jeep.

He Played My Heart (Second GEN #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon