Four

30.1K 714 32
                                    




"Hindi naman ako nangangain. Umupo ka sa tabi ko."

Tumingin ako sa buong paligid, hindi naman sa nahihiya ako. Saka sanay na ko sa ganitong atensyon, sa NEUST palang marami ng nakatingin sakin dahil sa maganda ako. Pero kasi iba ngayon. Kung ang tingin sakin sa NEUST ay maganda, pero dito iba. Hindi naman kasi big deal sa NEUST kung mahirap ka o mayaman. Dito, iba. Scholar ako at ang tingin sakin ng karamihan dito ay Gold Digger.

"Come here, Sai."

Napabuntong hininga ako at umupo sa harapan n'ya. Hindi ako umupo sa tabi n'ya. Binuksan ko ang librong kakahiram ko lang at nag simula akong mag basa. Ramdam ko ang titig n'ya sakin habang nag babasa ako, umaakto ako ng hindi na aapektuhan pero nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba.

Maganda ba ko pag seryoso ang muka?

Shet shet.

Dapat yata pinag aralan ko kung paano mag make up. Tinapon ko lang kasi ang binili sakin ni Mama dahil hindi ako marunong mag lagay. Ang gusto ko lang ay Liptint na tony moly na original at Johnson baby powder na kulay pink. Tapos juicy na pabango lang, dove na sabon ang aking ginagamit at Dove na shampoo. Hindi ko naman kasi kailangan ng mga pampaganda.

Gusto ko makita ako ni Raj na simple lang at walang arte.

"So? Ano masasabi mo sa Star University?" he asked.

"Big." tipid na sagot ko sa kanya.

Hindi ako makakapag salita ng mahaba dahil baka mautal ako at mapansin nya naapektuhan ako sa presensya na totoo naman. Huhuhu, ano ba naman 'tong pinasok ko. Ako nga dapat ang iiwas para hindi kami mag kakilala, tapos s'ya naman ang lalapit sakin para kausapin ako.

Pero infairness, nabihag ng kagandahan ko si Raj.

Pero di ko muna sasabihin kay Mama na nag uusap kami ni Raj. Mas okay na sigurong wala muna nakakaalam kung ano nang yayare sakin. Saka hindi naman ako mag sisinungaling mag tatago lang ako ng sikreto.

"So, Sai? Do you have a boyfriend?"

Nagulat ako sa biglang tanong n'ya at binaba ko ang librong hawak ko. Tumingin ako sa kanya at tinititigan ko s'ya kung nag bibiro ba s'ya o ano? Pero muka naman syang seryoso sa tanong n'ya, pero hindi pa naman nya ko kilala? Pero bakit ang bilis ata nya?

"Why are you asking me like that question, Mr. Smith? Do you know me?" i asked.

"No. But i want to know you. About yourself, about your past, if you had a boyfriends or not. I just want to know? Isn't bad?"

"It's creepy, to be honest." ngumisi s'ya sakin.

"Masama ba mag tanong sa taong gusto ko?"

Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Ngumiti sya sakin ng matamis na mas lalong nag pa sayaw sa puso ko. Napahawak ako sa tiyan ko na para bang may paru paru na nag wawala. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Inikot ko ang mata ko na para bang may hinahanap at saka muli tumingin sa kanya.

"Hindi ba sobrang bilis? Our first met is two weeks ago? Then, now? Gusto mo agad ako?" nag tatakang tanong ko. "Pinag lalaruan mo ba ko?"

Hindi ko gustong maging seryoso. Malay mo totoo pala ang sinasabi nila Angel sakin? I just want to save myself, they has a point. Paano nga kung delikado pala? Ayoko munang sabihin na ako si Alysa. Gusto kong makilala si Raj, bilang Sai. At may tamang panahon para mag pakilala sa kanya.

"Isn't obvious?" nagulat ako sa sinabi nya. "Kidding. Ano ba sabi ng kaibigan mo tungkol sakin?"

"W-Wala." umiwas ako ng tingin.

He Played My Heart (Second GEN #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon