Simula

56.5K 1K 49
                                    




"Iiwan mo na ko Poging Raj?"

Naiiyak kong tanong sa aking matalik na kaibigan. Kasama nito ang mga pamilya ng mommy n'ya. Masasabi kong mayaman talaga ang kaibigan ko kahit ang daddy nito. Hindi ko maiwasan umiyak sa harapan nito habang nakatingin sa kanya.

Sobrang gwapo ni Raj, kaya naman masasabi kong gusto ko sya. Ayokong hindi ko sya nakikita sa isang araw.

"Iiwan mo na kami?" sabi din ni Azy dito.

Tumingin samin si Raj na nakangiti habang nakatingin samin. Lalong lumakas ang buhos ng luha ko dahil sa tingin n'ya. Alam ko sa pag alis n'ya ay hindi ko na muli syang makikita. Apat na taong gulang palang ako at sya ay limang taon. Alam ko sa pag alis nya ay ibang tao na s'ya. Iba na sya saamin.

"Babalik naman ako pero pag big na ko. Kaso wala pa kong car e."

Nabuhayan ako sa sinabi nito pero hindi parin ako makangiti. Naniniwala ako sa sinasabi n'ya kahit mabigat sa loob ko ang pag alis nya.

"May ibibigay ako sa inyo." sabi pa nito samin,

May kinuha ito sa bulsa nya at nakita ko ang isang kwintas na madalas nyang isuot sa tuwing nasa bahay namin sya. Inabot nya ito sakin at tinignan kong mabuti ito.

"Bigay ng mommy ko 'yan. Sobrang importante nyan sakin. Kaya ingatan mo dahil babalik ako at kukunin ko sa'yo yan."

Lalong nabuhayan ang loob ko dahil sa sinabi n'ya. Unti unting humihina ang pag buhos ng luha ko.

"Eh sakin asan?" nakakunot na tanong ni Azy.

Nilabas naman ni Raj ang isang hairpin. "Oh wait! That's mine!|" napatingin kami sa isang babae na maganda at sa tingin ko ay tita din ito ni Raj dahil maganda ito, tulad ni mommy Kyla.

Inabot nito ang hairpin kay Azy na nakakunot ang noo.

"Kay tita no. Kinuha ko lang, gamitin mo yan para mag muka kang babae. Para ka kasing lalake." napasimangot ito kay Raj.

"Iingatan ko to poging raj! Pag balik mo ah? Lilibre mo ko ng maraming pag kain!"

"Oo naman! Mayaman na kami e."

Mabilis itong lumapit sakin at pinunasan ang luha ko. Ganon din ang ginawa kay Azy at pareho kami nitong hinalikan sa noo. Umalis na ito sa harapan ko at lalong bumuhos ang luha ko.

"Mag hihintay ako, Raj. Kahit gaano pa katagal, Raj. Mag hihintay ako."

~

Kababata jusko, djk!

Soon pa po 'to hehehehe.

Dito po ay sari- sariling point of view na ang mang yayare. Marami daw po kasing nalilito so pag bibigyan ko po! Suportahan n'yo po sana ito! Maraming salamaaat!! :))

He Played My Heart (Second GEN #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon