Para sa'yo, irog.

4 0 0
                                    

Akala mo matagal na akong bumitaw
Ngunit kahit kailan hindi humintong sumayaw.
Sa bawat ikot ng tadhana para sa atin
Ay nagiiwan ng bakas na malalim
Iiwasan ang pait at poot
Ngunit hindi makakalimot
Ngayong ikaw na ang aayaw
Sabay na tayong bumitaw
Dahil sa piling ng isa't isa'y sakit ang taglay
Hayaan na natin ang mga puso ay malumbay

Paalam na mahal ko,
Ngayo'y ikaw na ang sumusuko
Akala mo'y noon pa ako natukso
Tignan mo, nagmamahal pa rin sayo.
Hindi ko malilimutan ating nagdaan
Sa bawat ngiti at pait na ating pinagsaluhan
Bawat yakap at halik ang syang ninanais
Ngunit ngayon tuluyan na ngang nawaglit

Paalam na mahal ko,
Tayo ay magbubukas na ng panibagong yugto
Sa mga buhay nating pinagtagpo ng pagkakataon
At pinagbuklod ng panahon
Ngunit hindi itinadhana ng kahapon.

-Para sa aking irog, Krt.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

From HippocreneWhere stories live. Discover now